22- That Feeling Called Jealousy

37 1 0
                                    

ALEXANDRIA

It's been a week since the...uhm... kiss happens!

Awkward na sa pagitan namin ni Aeron. Salagay! Pagka tapos ng aksidenteng yun hindi ko na siya matingnan. Kinakabahan ako e.

Sa harap ko pa naman siya nakaupo dito sa classroom.

Pero pag nakatalikod siya napapatitig ako sa kanya.

Iba na 'to e. Sa totoo lang.

Yung abnormal na pag tibok ng puso ko kakaiba na talaga. Hindi na 'to dapat. Tapos yun isipin na nagustuhan ko yung saglit na pagdampi ng labi namin sa isa't-isa...HINDI TALAGA DAPAT.

I felt butterflies that time. I know what that means pero ayaw ko. Ayaw kong magka gusto sa kanya.

We were suppose to hate each other. Well we don't really hate each other that much anymore, talagang hobby na namin ang mag asaran. Pero hindi pa din okay na magka gusto ako sa kanya. Lalo na at alam kong imposibleng magka gusto siya sa akin.

Napatungo na lang ako. Bukod sa na-stress ako sa sitwasyon namin ngayon e inaantok ako. Ang boring ng lesson.

Nasa pinakang likod naman ako e hindi naman ako siguro mahuhuli.










"ALEXANDRIA MAE SOO!"

Sa gulat ay mabilis akong tumunghay at nakita ang masamang tingin sa akin ng lecturer namin.

"M-ma'am?"

"Tinutulugan mo ba ang lesson natin ngayon?"

"Hindi po."

"Hindi? E bakit ka nakatungo? Umiiyak? Ako nga wag mong pinagloloko ikaw bata ka. Alam mo..."

At dada siya ng dada ng mga sermon.

Lamunin na sana ako ng lupa. Nakakahiya dahil napapagalitan ako ngayon at nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. Even Aeron.

Habang ako nakatingin lang sa sahig. Nakakahiya.

"Ayaw ko nang mauulit yan Ms. Soo. Understand?"

"Opo."

At bumalik na siya sa pagdi-discuss niya.

Tinapik ako ni Nicole. "Okay ka lang? Bakit ka natutulog dyan?" Bulong niya para kami lang ang makarinig. Baka mapagalitan na naman e.

"Wala. Boring kasi ng lesson e."

She giggles quitely. "Oo nga."

After nun parehas na kaming nakinig kahit napipilitan lang.

Matapos ang ilang minuto at nag ring na ang bell. Meaning lunch break na. Hayst! Sa wakas! Freedom!

OA ko ano? Akala mo naman bakasyon na o kaya uwian.

Sabay sabay kaming walo na lumabas ng room hanggang sa pagpunta sa canteen. Nagtaka ako nang humiwalay sa amin si Aeron ng direksyon pagpasok namin sa canteen.

Sinundan ko siya ng tingin.

"Kasabay niya si Lory ngayon mag lunch." Nagulat ako nang may mag salita sa tabi ko. Si Symon lang pala.

"Ah... Pake ko?"

"Sinusundan mo ng tingin e. Malay ko ba kung interesado kang malaman." Sabi niya at tumabi na ulit kay Ashley. Tch.

Nakadating na kami sa table namin. Si Symon at McCoy na lang daw ang bibili ng kakainin namin. Habang nag aantay ay hindi ko maiwasan na panoodin si Aeron at Lory. Mukhang ang saya saya nila. Tawa pa ng tawa.

Unexpectedly Where stories live. Discover now