21- Rain

26 1 0
                                    

JANINE

UGH! Sobrang stress na ako. Ang daming ginagawa kabuong bago pa lang nagsisimula ang school year. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kadamihan sa kanila pare-parehas ang due date.

Ayaw ko na. Gusto ko matulog na lang at kalimutan lahat. I'm so stressed out.

Aish.

This past few days nagiging mainitin ang ulo ko. Ang dami kasing talagang ginagawa and dagdag mo pa ang init ng panahon dito sa Pinas. Lintek.

Minsan ko na lang din makasama yung tatlong loka loka. Katulad ko madami sila ginagawa- salagay magka klase kami -sa room na lang talaga kami nagkikita. Pag lunch kanya kanya na ng gawain para matapos agad ang mga school works. Pati pag uwian na.

Si Blake na lang lagi ang kasama ko. Gusto kasi talaga ng parents namin na magkasama kami lagi. Para daw bago kami ikasal ay maging close na kami sa isa't-isa.

Well so far okay naman kami. Nagkakasundo kami sa mga bagay bagay lalo na sa pag-aaral. Hindi naman ako nerd, like him, but I care about my studies. Hindi lang talaga ako ganun katutok sa pag-aaral katulad niya pero nag-aaral naman akong mabuti.

Nainis lang ako sa kanya kasi minsan basta na lang niya akong iniiwan. Bigla na lang siyang mawawala. Tapos pag hahanapin ko makikita ko kasama ni Hannah. Nakakagulat man pero close na sila agad.

I don't trust Hannah tho. She's not the type to hang out with nerds. Hindi naman sa minama liit ko si Blake pero ang gusto laging kasama ni Hannah ay yung mga popular na students. Fame whore e uhaw sa atensyon. Pero naisip ko gwapo naman si Blake kaya pwede na din.

But the fact na iiwan niya ako para kay Hannah, ts.

I'm not jealous. I swear. Pfft. Why would I be? Ts.

Katulad ngayon nawawala na naman siya. Tapos na ang class hours pero hindi pa kami umuwi. Pumunta kami sa open library dito sa town para sabay na gawin ang paper works namin.

Nagpaalam lang siya sa akin na may pupuntahan lang siya saglit pero lumipas ang halos kalahating oras wala pa din siya. Baka na kay Hannah na naman. Bahala nga siya hindi naman ako ang mawawalan ng paper works na ipapasa e! Siya hindi ako! Nakakainis siya bahala siya!

Aish. Hindi ko maintindihan sarili ko. Bakit ba ako nagkaka ganito!?

Dumadagdag pa 'tong binabasa ko. Hindi ko siya masyadong maintindihan. Ang sarap ibato e!

Ang sakit na din kasi ng ulo ko kaya hindi na ako tino. Hindi pati ako makapag focus.

Nagulat ako nang may naglapag ng kape na nakalagay sa paper cup sa harap ko. Tumunghay naman ako at nakita ko si Blake na hinihipan yung kape niya. Naupo siya sa upuan na kaharap ko.

"Ano 'to?" Turo ko sa kape.

"Kape." Matipid niyang sagot at nilapag ang kape sa tabi niya. Nagbuklat siya ng isang libro at nagsimulang magbasa.

"Alam kong kape pero anong gagawin ko dito?"

"Try mong ipangsulat baka gumana."

Aba namilosopo pa amp. Sumasabay pa talaga siya sa inis ko e.

Nagtimpi na lang ako. Wala ako sa mood para makipag barahan ngayon.

Alam ko naman na kape 'to at iniinom ito. Pero ang nagtataka ako bakit niya ako binigyan ng ganito. Sabagay medyo malamig kasi umuulan ngayon.

"Janine inumin mo na yan. I know you need it. Baka lumamig na." Sabi niya ng mapansin niyang tinititigan ko lang yung kape.

Nilapag ko muna ang ballpen ko sa ibabaw ng notebook ko bago simulang inumin ang kape.

Unexpectedly Where stories live. Discover now