12- Arranged

39 3 3
                                    

JANINE

Nagagalit ako. Nagagalit ako sa kanila. Bakit pa nila kailangan gawin yun? Yun ba ang gusto nila? To make my life miserable?

I hate my parents.

Yes. Sa magulang ko ako nagagalit ngayon. Bakit?

They already told me about the arranged marriage. A freaking ARRANGED MARRIAGE!

"Janine. Be home early. Mamaya mo na makikilala ang fianće mo and also his parents." Sabi ni mom.

Hinatid nila ako ngayon sa school. Unexpected nga e. They never did this before. Kaya lang nila ginawa 'to dahil may kailangan sila sa akin. May pakinabang na ako sa kanila. Dahil papakasal nila ako para mag merge ang company namin at ng company ng ipapakasal sa 'kin.

"He is not my fiancé. I will never treat him as my fianće." I said coldly.

"Janine!" Suway sa akin ni dad.

"What? E totoo naman a! Sino namang tinong tao ang papayag na magkaroon ng fianće na hindi pa nakikilala! Kahit pangalan nga hindi ko alam e." Medyo napagtaasan ko sila ng boses. I can't help it. I feel so mad at them.

"Intindihin mo naman kami anak. We're doing this for you!"

"No mom! You're doing this for both of you. You and dad! Totoo naman 'di ba? Para sa inyong dalawa ito." At this point hindi na talaga ako makapag pigil. "Never niyo naman akong naisip e. Panay pagpapayaman lang ang inaatupag niyo. E yung nararamdaman ko? Minsan ba sumagi sa isip niyo na kamustahin ako? Na kung okay pa ba ako? Hindi 'di ba? Kasi binubuhos niyo lahat ng oras niyo sa kompanya. I was never your first priority." At basta ako bumaba ng sasakyan.

I know what I did was rude. Pero masisisi niyo ba ako? Hindi lang ako nagagalit sa kanila. Nasasaktan din ako dahil sa kanila.

I grew up sa pangangalaga ng aking yaya. Panay mga maids ang kasama ko sa bahay. Sina mom at dad madalas wala dahil palipat lipat sila sa iba't ibang bansa gawa ng pag aasikaso ng business. Sa loob ng isang taon bilang ko ang mga araw na umuuwi sila at hindi pa sila nagtatagal ng higit sa isang linggo. Kahit sa mga espesyal na okasyon wala sila. Kahit sa birthday ko. I always celebrate my birthday without them. It was always me and the girls. Nung nag-18 ko lang sila nakasama ng birthday ko. Debut e.

Piling ko nga wala akong magulang e. Because their presence is not always around.

Hindi ko naman kasi sila ma-gets. Mayaman na kami pero panay nasa isip pa din nila ay magpayaman pa lalo.

Because of their company, nakalimutan na nila na may anak sila. I always long for them, for their love. I wanna feel love by them. Gusto ko maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak.

Pero may galit yata sa akin ang mundo. Kaya hindi ako mapagbigyan.

Now they are back. Magtatagal nga sila. Pero dahil sa arranged marriage.

They are gonna make me marry someone I don't know. Someone that I don't even know what's his name.

Ano bang akala nila sa akin? Do they think I'm their puppet? I was never treated as their daughter.

Pagpasok ko nang room nakita ko silang tatlo sa pwesto namin sa likod. Hindi lang naman sila ang nandito na dahil mayroon ding lima pa naming kaklase pero nakahiwalay sa kanilang tatlo. Wala pa naman yung tatlong lalaki.

Tumayo naman si Alex. "Hey Janine--why are you crying? Okay ka lang ba? Aish! Obviously not."

Niyakap ko kasi siya at nagsimulang magtuluan ang mga luha ko.

Unexpectedly Where stories live. Discover now