17- Serenade

44 2 0
                                    

ASHLEY

Hanggang ngayon hindi pa din ako magawang tigilan ni Symon. Kahit saan ako magpunta nakabuntot siya. Exception ang CR ha. Baka kung anong isipin niyo.

Nauna nang umuwi yung iba pero kami ni Symon bago pa lang. Ako lang naman dapat ang late sa pag uwi dahil hindi naman namin siya kagrupo sa English. Kaso ang kulit niya. Kailangan daw siyang nakabantay sa akin. Baka daw mamaya pinopormahan na ako ng mga lalaki kong kagrupo.

-

"Umuwi ka na nga Symon! Hindi mo na ako kailangan bantayan dahil hindi na ako bata."

"Eeehh sabay na tayo. Gusto mo ihatid pa kita pag uwi sa inyo?"

Ang kulit niya talaga.

"Magpapasundo na lang ako sa driver namin. Ayaw ko ngang ihatid mo ako. Malalaman mo pa kung saan ako nakatira baka lagi mo pa kong puntahan e."

Nag smirk siya. "Ayaw mo ba nun Ash? Lagi mong makikita ang napaka gwapo kong pagmumukha."

Hala! Ano daw?

"Gwapong pagmumukha? Meron ka pala nun. Hindi ako informed e."

Nakakatawa ang reaction niya. Kita ko na napakunot agad ang noo niya at mukhang naiinis.

Gwapo naman siya e. Pero hindi ko yun aaminin sa harap niya.

Madali din namang nawala ang pagka kunot ng noo niya. "Ewan ko ba sayo Ashley. Malabo ba yang mata mo? Hindi naman e. Pero bakit hindi mo makita ang napaka gwapong nagkakagusto sayo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Aish.

"U... umuwi ka na nga Symon! Magsisimula na kami!"

Nagtatawa naman siya. "Na-stun ka sa sinabi ko ano?"

"Yah!" At hinampas ko siya sa braso niya. But sht those biceps.

Pinaghahampas ko pa din siya pero hinawakan niya kamay ko para pigilan ako. Gulat akong napatingin sa mukha niya. Yung puso ko ang bilis na naman ng tibok.

"Ayaw kong iwan ka dito Ash. Pumayag ka na lang na hintayin at ihatid kita sa inyo. Wag ka nang pasaway." Malumanay niyang sagot. "And baka mamaya pormahan ka pa niyang mga ugok mong kagrupo. Ayaw kong may ibang lalaking poporma sayo, nagseselos ako."

-

Umiling iling ako. Gosh ginugulo na naman ni Symon yung isip ko.

Bakit kasi kailangan niya pang sabihin yun? Pero bakit nga ba sa tuwing may sasabihin na ganun si Symon ay iba ang epekto sa akin? He always leave me speechless at naguguluhan.

Nasa sasakyan na niya kami ngayon. Tahimik lang kami. After ko kasing sabihin sa kanya kung saan ang village namin at ang adress ko ay hindi na kami nag-usap. Wala din namang dapat pag usapan e. Pero nakaka panibago. Ang tahimik niya hindi niya ako ginugulo.

"Nandito na tayo."

Napatingin naman ako sa kanya bago tumingin sa labas. Nandito na nga kami sa tapat ng bahay namin.

Sobra na ba akong lutang at hindi ko napansin?

Nagtaka ako nang bumaba siya yun pala pagbubuksan niya akong pinto.

Grabe. May ganito din pala siyang side. Gentleman ang dating ha.

Bumaba naman ako at naglakad na papunta sa may harap ng gate namin. Hindi ko siya matingnan. Kinakabahan ako e.

Unexpectedly Where stories live. Discover now