26- True Colors

55 3 0
                                    

AERON

Takte sobrang saya ko ngayon.

Bakit naman hindi e girlfriend ko na si Alex? Si Alexandra Mae Soo! Oo big deal yan.

Sa gwapo ko ba namang to aba talagang sasagutin talaga ako nun.

Oh biro lang!

Sa totoo lang akala ko talaga one sided love lang tong nangyayari sa amin. Akala ko ako lang ang nagsimulang mahulog sa kanya.

Paano ba naman kasi parang walang nagbago sa kanya. Lagi pa rin akong sinusungitan at laging layo pa rin ng layo sa akin.

Lalo ako nawalan ng pag-asa nang mangyari yung aksidenteng kiss.

Lalong naglalayo sa akin tsaka di na ako talaga kinakausap.

Dahil din dun naging ka-close ko si Lory. She approach me one time nung nagda-drama ako mag-isa sa rooftop.

Sinabi ko sa kanya lahat. Kahit alam ko na masama ugali ne'to at may gusto siya sa akin. Nangako naman siya na hindi niya sasaktan o gagawan ng kung ano si Alex.

Naisip ko nun siguro mabait naman talaga 'tong si Lory.

Akala ko kasi magagalit siya pag nalaman niya na may gusto ako kay Alex. Kasi ganun lagi sa napapanood ko e HAHA

Siya naging kadamay ko this past few days. Siya lang nakakaalam ng tunay kong pinagdadaanan e.

Kaya naman ngayon excited akong papunta sa rooftop. Ibabalita ko sa kanya na kami na ni Alex.

Lory deserves to know since she's also my friend now.

Everyday kasi after class nagkikita na kami rito sa rooftop.

Naihatid ko na rin naman girlfriend ko kaya okay na.

Shit nangingiti ako mag-isa maisip ko lang na girlfriend ko na siya.

Pagdating ko naman sa rooftop e nandun na siya.

"Sa wakas Aeron you're here. Kanina pa ako nag-iintay. Akala ko hindi mo na ako sisiputin." She said while pouting. She looks cute while pouting but my Alex looks cuter.

"Hinatid ko pa si Alex sa parking lot and hinintay namin sundo niya."

Kumunot naman noo niya. "Akala ko ba hindi kayo okay ni Alex? E bakit may pahatid hatid ka na?"

I smiled widely at her. "Lory she's now my girlfriend! Alex is finally my girlfriend."





LORY

"Lory she's now my girlfriend! Alex is finally my girlfriend."

WHAT!?

Paano nangyari yun? E hindi nga sila nagpapansinan di ba!? Tapos ngayon sila na?

Siguro konting pangbobola lang ni Aeron bumigay na si Alex. Malandi talaga yung babaeng yun.

Inagaw na nga ng grupo nila ang title namin na Miss Most Popular sa school na 'to

Pati ba naman si Aeron aagawin pa sa akin!?

"Hindi pwede!"

Oh fuck. Did I just said that out loud!?

I wish I didn't. Pero mukhang oo nga kasi kumunot na rin noo ni Aeron.

"What do you mean hindi pwede?"

Tsk. Narinig na niya e magsisinungaling pa ba ako?

"Hindi pwede na kayo na ni Alex."

"Lory bakit naman? I love her and she feels the same way. Sapat na yun para maging kami."

"She's only gonna use your popularity Aeron. Alam kong sikat din sila pero sakim yang babaeng yan. She's only using you to gain more popularity. She does--"

"Shut up Lory! Akala ko ba kaibigan kita and you support me pero bakit ganyan na ngayon ang sinasabi mo?"

"Kaibigan mo nga ako di ba!? Edi salagay iniiwas lang kita sa heartbreak."

"Hindi ganyan si Alex. She doesn't really care about popularity. Wag mo siyang siraan sa akin dahil mas kilala ko siya. You don't really know her."

"Ngayon ako na ang masama sa paningin mo? Damn Aeron I was the one with you nung mga araw na hindi kayo ayos ni Alex. Tapos ngayon na nga lang yata ulit kayo nagkita bumigay ka naman agad? Wag ka ngang magpauto sa kanya."

"Wag kang mangealam Lory. Mahal ko siya okay? Sige! Salamat dahil ikaw kadamay ko nung mga araw na hindi kami ayos ni Alex pero wag mo namang sirain ang relasyon namin na kasisimula pa lang. Can't you just please be happy for me?"

Naluluha na ako. "How can I be happy when the person I love all these years are now with someone else?"

"You love me? I know that. But I'm sorry Lory, I love Alex and only Alex. I'm sorry but I can't return your feelings. I only see you as a friend."

"Tangina hindi ko kailangan ng sorry mo! Ikaw ang kailangan ko. Kailangan ko maging akin ka. Hindi pa ba malinaw yun?"

"E hindi nga pwede yun! Ano ba Lory? Hindi rin ba malinaw na si Alex ang mahal ko. Kami na rin ngayon. Magkaibigan nga lang tayo."

"Potek sayo na lang yang kaibigan na yan. I don't need a friend. Get lost!"

He sigh. "Mas mabuti pa ngang hindi muna tayo mag-usap. Sort out yourself first."

At umalis na nga siya.

Pota naman o.

Lahat na lang talaga inagaw niyang Alex na yan. Why won't she just get lost!?

Ako naman tong nagpaka kampante. Hindi ko naisip na ganito ang mangyayari.

Akala ko kasi talaga wala silang pag-asa ni Alex. Magka-away sila e. Kaya naman ako dinamayan ko siya kasi malay mo malipat sa akin atensyon niya, ang pagmamahal niya.

Baka maisip niya nalilito lang siya at wala talaga siyang nararamdaman para kay Alex. Na sa akin dapat siya.

Kaso hindi e.

Malay ko bang mabilis talaga tong kalandian ni Alex.

Sila na ha? Well damn I am ready to do anything just to break them apart.

Get ready Alex. Dadating ang araw na I'm gonna collect what's rightfully mine.

A/N

I am on fiiiiire! Update na naman HAHA wala naman kasi akong ibang ginagawa. Nakakulong lang sa bahay -_- HAHAHA CHOS

KKKK THANKS AND GODBLESS

Unexpectedly Where stories live. Discover now