2- The Past

75 4 2
                                    

MCCOY

9:27am

Yan ang nakalathalang oras sa alarm clock ko.

Dapat gantong oras na ito ay nakaalis na ako sa pagkakahiga pero tila wala akong ganang kumilos.

Wala na din namang dahilan eh.

May 27 na pala. Tatlong buwan na mula nang saktan at iwan niya ako..

Matagal na din pero putek! Yung sakit na naramdaman ko nun sariwa pa din.

Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang sakit,  hanggang ngayon mahal ko pa din siya.

Hindi ko na napigil ang sarili kong alalahanin ang mga pangyayari nang iwan niya ako.

Ang araw nang nawala na siya sa buhay ko.

"Babe wag naman ganito oh. Ano bang sinasabi mo?"

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya. Pilit kong pinipigil ang luha ko kahit alam kong babagsak na din ito mayamaya.

"McCoy, hindi ko na kaya. Ayoko na!"

"Hindi!" Napalakas na ang pagkakasabi ko. "Mahal mo ko 'di ba? Mahal natin ang isa't-isa. Nangako tayong dalawa na walang hiwalayang magaganap dahil tayo hanggang huli."

"Hindi na kita mahal."

Hindi ko na napigilan mga luha ko.

P*cha diretso na niya yung sinabi. Hindi man lang nag-alangan.

Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. "Wag please. Mahal na mahal kita Lisa. Pag-usapan natin toh,  ayusin natin. Hindi pwedeng basta na lang mawala nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko kaya ang wala ka."

Tinanggal niya pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

"Pwes kayanin mo! Hindi na nga kita mahal, HINDI NA!  May iba na akong mahal, hindi na ikaw. Kalimutan mo na nararamdaman mo para sa akin dahil hindi ko na kailangan yan. Kalimutan mo na din ako kasi kakalimutan na kita tulad ng pagkalimot ko sa nararamdaman ko para sayo."

At umalis na siya.

Iniwan na niya ako.

Grabe!  Ganun ba ako kadaling ipagpalit? Saan ba ako nagkulang sa kanya? Binigay ko naman lahat eh o kulang pa talaga.

Mahal na mahal ko si Lisa.

Nakilala ko siya sa school nun. At nakaramdam na ako ng kakaiba para sa kanya. Nung una indenial pa ako pero sa huli natanggap ko na din naman na mahal ko na siya.

Kaya naman niligawan ko at hindi nagtagal ay sinagot na niya ako. Isa kami sa best couple sa school namin dahil sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa.

Akala ko nga hanggang kami na sa huli dahil hindi talaga kami matibag tibag.

Pero nito lang February ay nakipag hiwalay na siya. Hindi na daw niya ako mahal.

Sobrang sakit ng mga natanggap kong salita mula sa kanya. Hindi ko kinaya kaya naman ilang araw akong nasa kwarto lang at walang kinakausap.

Nang makapasok na muli ako ay hindi ko na siya madalas nakikita. Magkaiba kasi section namin.

Pero naririnig kong may ibang lalaki nang naghahatid sundo sa kanya.

Nang magbakasyon ay medyo um-okay na ako. Pero hindi na ako tulad ng dati. Naging tahimik na akong tao.

Kung dati halos lahat ng schoolmate ko ay nakakausap ako pero ngayon halos mga kaibigan ko na lang.

Madalas nga bestfriend ko na lang...

At speaking of my bestfriend. Heto na at nakapasok na sa kwarto ko ang isa sa kanila...

"Uy bumangon ka na nga dyan! Anong oras na oh. Ts tamad." At hinila niya pa ako sa kamay kaya napaupo na ako.

"What the..." I mumbled.

Paano nakapasok 'tong lalaking toh dito? Wala sina mama sa baba, sino nagbukas?

Ts. Utak talaga neto. Kaya wala akong takas eh.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nag-pout siya. "Bakit ayaw mo ba na nandito ako?"

Binatukan ko siya habang natatawa. "Loko! Wag kang gumanyan, hindi bagay dre."

"Ts. Ewan ko sayo!"

"Bakit ka nga nandito!?"

Bigla namang ngumiti ng pagkalapad lapad.

Ts. Bipolar much?

"Na-miss na kasi kita." At tangkang yayapusin pa ako pero tinulak ko siya palayo.

Puro kabaklaan na naman nalalaman nito. Kinikilabutan na ako sa kanya ha!

"Tigilan mo nga ako sa kabaklaan mo Aeron! Hindi ako natutuwa ha."

Pero syempre joke lang yun. Inaasar ko lang siya.

"Loko! Anong kabaklaan sinasabi mo dyan! Baka ikaw!"

Umiling na lang ako. "Pero seryoso nga. Ano ginagawa mo dito?"

"Aahh kasi..." Mukhang nakalimutan pa. "May party mamaya sa bahay gawa nang umuwi na nga yung girl bestfriend ko. Required kang pumunta dahil bestfriend din naman kita." Hindi pala.

"Sige. Kung nandun ba yung isa pang engot."

"Tsk! Hahaha... Lakas maka engot ah! Akala mo siya hindi."

"Hindi talaga!"

"Oo naman. Kasama yung isang yun. Madaming invited, party nga di ba?"

I just nod meaning na pupunta ako kaya tuwang tuwang ngumiti ang loko.

Konti na lang talaga iisipin ko nababakla na toh sa akin. Gwapo ko masyado pati lalaki nai-inlove.

"Great! I'll introduce you to her."

"Kahit hindi na."

"Ts. Be nice to her later or else." He gave me a threatening look.

"Whatever." I said rolling my eyes. "Oh umalis ka na! Lakas mo makasira ng araw!"

"Gag*." Hindi na niya napigilang mag mura. "Bahala ka nga dyan!" At lumabas na siya.

Tumawa ako ng akin at bumalik sa pagkakahiga.

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko hinabol yun para mag-sorry kahit alam kong nagagalit na.

First of all, buhay ko to' wala kang pake. Second, nakakabakla naman kung habulin ko pa siya. Mag-imagine pa yun. And lastly, mamaya din naman okay na yun. Arte lang niya yun.

A/N:

Second chapter mark as done!

Now may nalalaman na tayo about kay McCoy natin! Sht! I hate his ex! Kim Taeyeon of Girls Generation as Lisa Jhunes McCoy's ex. HINDI SI KIM TAEYEON HATE KO HA! YUNG PINO PORTRAY NYA LANG

May pagka harsh din si McCoy magsalita kay Aeron HAHAHAHAHA pero biruan lang naman nila yun. Ang Nam Joo Hyuk oppa bakla!? STOP ME! DONT ME! HAHAHAHAHA

Okay bago pa ako mabaliw dito eh LOVELOTS!

GODBLESS AND THANK YOU!!

Unexpectedly Where stories live. Discover now