10- The Playboy's Charms Got Ignored

47 2 9
                                    

ASHLEY

Yes! Finally! Uwian na! And also its Friday! TGIF!

I can finally overslept. Nakakatamad gumising lagi ng maagap. Late pa naman ako lagi matulog. Huhu. Buti na lang maganda ako kaya ang eyebags hindi na masyadong pansin. HAHA.

"Any plans for the weekend?" Asked Alex.

Papunta na kaming parking lot.

"Hmm. Tinatamad ako lumabas ng bahay e." Sagot ni Nicole.

Natawa naman kami. Lahat naman yata kami tinatamad.

"How about sa inyo na lang tayo Nicole? Movie marathon. What do you think?" Suggest ni Janine.

"Not bad." Nicole said. "Pero kayna Aeron ako nakatira 'di ba? Okay lang sa inyo na baka manggulo si Aeron?"

"Okay lang." Sagot namin ni Janine. Nagtaka naman ako dahil si Alex tahimik. I also saw Nicole smirked at her for a few seconds. What's going on here? Weird.

"Then sa amin tayo ha. After lunch na kayo pumunta dahil tatapusin ko pa ang ibang assignment natin."

We all nod.

Guess matutuloy pa din ang mahaba kong tulog. YES!

"Hey girls. Una na kayo sa parking. May nakalimutan akong kunin sa locker ko." Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita?" Alok ni Janine pero umiling ako.

"Ako na lang. Saglit lang 'to."

"Sige ha! Una na kami." At naiwan na ako.

Pumunta naman ako sa locker halls. Wala ng masyadong students pero nagulat ako nang makita ko si Symon sa tabi ng locker ko. Take note, may kalandian na naman. Ts.

I decided na wag na lang pansinin ang dalawang naglalandian sa tabi ng locker ko. Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng Physics book ko.

"Your so pretty as always babe." I heard the girl giggled dahil sa sinabi ni Symon.

Eeww.

"And your so charming as always." Sagot naman nung babae.

Ugh! Bakit kasi dito pa sila naglalandian!? Paaralan 'to! Bwisit! Lalandi!

Nang mahagip ko sila ng tingin nagtaka ako dahil parehas silang nakatingin sa akin.

Problema nila? Parte ba yan ng landian nila? Bakit kailangan pang tingnan ako? Ang creepy ha! Nakakatakot pa naman itsura ni girl HAHAHA de joke. Ang bad ko talaga.

Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Titingin tingin kayo dyan?"

"Tara na babe. Hayaan na natin si Ashley." Sabi nung girl. Sino ba 'to? Mukhang third year lang siya a. Grabe talaga 'tong si Symon. Walang pinalalampas, walang pinipili.

Nakatingin lang sa akin si Symon. Serious look. Problema niya sa 'kin? Inaano ko siya?

"Sige. Mauna ka na." Sagot ni Symon sa kanya pero nasa akin pa din ang tingin. Weird niya ha!

Unexpectedly Where stories live. Discover now