15- Girls Talk

39 3 5
                                    

NICOLETTE

Saturday.

Nakatapos na naman kami ng second week. Well bukod sa nalaman naming Janine is in a arranged marriage at ang weird ni Ashley at Symon ay wala na namang masyadong nangyari. Hindi nga namin alam kung sino yung fianće ni Janine e. We didn't bother to ask kasi baka uminit ulo niya.

Nandito kaming lahat ngayon sa bahay namin ni Aeron, well hindi naman talaga sa amin. Ay naku po nakikitira nga lang ako dito, ang kapal ko din.

Hindi naman kaming lahat. Wala pa si Janine. Susunod na lang daw siya kasi may inaantay pa.

So ito kami ngayon may mga sariling mundo.

Si Aeron at Alex nagtatalo. Alam niyo ba kung anong pinagtatalunan? Kung sino daw mas cute, si Upin o si Ipin daw ba. Nakakairita silang panoodin.

"Mas cute kaya si Upin!"-Aeron

"Si Ipin kaya."-Alex

"Si Upin may buhok. E yang Ipin mo kalbo!"-Aeron

"Aba! Kahit kalbo yun cute pa din."-Alex

E magkambal naman yang si Upin at Ipin! Anong pinagkaiba? Yung buhok nila oo may pinagkaiba! E pag tinanggal mo naman yang isang hiblang buhok ni Upin magkamukha pa din. With or without hair kambal pa din sila. Magkamukha!

Si Ashley nagluluto ng kakainin namin for lunch. Tapos nakita ko si Symon sinundan siya dun kanina. Piling ko type nun si Ashley e. Kaso playboy yan e. Hindi ko din sigurado.

Si McCoy...

Teka nasaan nga ba yun?

Nang tumayo ako sa sofa na inuupuan ko ay may nakita akong buhok sa likod. Sinilip ko at nakita ko si McCoy dun nagmumukmok.

"Psstt.."

Tumingala naman siya. Lumapit ako sa kanya.

"Ginagawa mo dito sa likod ng sofa? Kanina pa ako nakaupo dyan hindi ko naman alam na may humihingang nilalang sa likod ko."

Umiling iling siya. "A wala."

Ano yun? Trip niya lang mag upo? Haha. Iba trip nito e.

Pero napansin kong may hawak siya tapos pilit pa niyang tinatago sa kamay niya.

"Ano yan?" At sinubukan kong kunin pero hinigpitan niya ang kapit niya.

Kaya naghihilahan kami ngayon.

"Wala yan Nicole!"

"Sus! Ano nga 'to!?"

"Wala nga!"

"Hmm hindi. Picture 'to e. Anong picture? Baby picture mo?"

Naghihilahan pa din kami.

"Hindi. Bitawan mo na! Malulukot."

"Ikaw ang bumitaw! Mapupunit 'to sige ka!" Banta ko.

Nakita ko naman ang takot sa mata niya kaya bumitaw siya agad. Yes!

Unexpectedly Where stories live. Discover now