20- Unexpected Kiss

54 3 1
                                    

This chapter dedicated to lucid_girl  🌸 Naka phone pa lang ako ngayon kaya di pa kita totally ma-dedicate haha.

ALEXANDRA

Free time namin ngayon kaya kaming walo ay nakatambay sa school garden. May sari sarili kaming mundo.

Si Ashley at Symon nagliligawan. Naku po! Iisipin ko nga sila na kasi daig pa nila mag jowa. Ang sweet pero grabe respeto naman sa mga single.

Si Janine at Blake nagre review. Hay nako! Bagay sila kasi parehas silang responsible sa mga bagay bagay. At ang cute pag yung isa nagkamali ay pipitikin nung isa. Pero dahil single nga ako RESPETO NAMAN.

Pag talaga ako nakahanap ng Prince Charming ko. Tatalunin namin sila HAHAHA

Tumingin naman ako sa katabi ko. Si Nicole na kanina pa abala sa pagbabasa.

Nakapagtataka kasi hindi sila nagkukulitan o nag uusap ni McCoy ngayon. Lagi kaya sila ang magkasama. Kaya nga madalas nagda drama 'tong si Aeron kasi kinalimutan na daw siya ng dalawa niyang bestfriend. Kabaklaan niya.

"Oy!" Tinapik ko si Nicole. "Nagtataka ako kung bakit hindi ka pa natutunaw ngayon."

"Huh?" Nagtataka niyang sabi.

"Kanina pa nakatitig yun sayo oh." At ngumuso ako sa direksyon ni McCoy.

Tiningnan naman niya ito at bumalik ang tingin sa akin.

"Ano ka ba naman Alex." At hinampas niya ako sa braso.

Natawa ako dahil halatang halata na namumula ang pisnge niya. Kinilig ang gaga.

"Oh bakit namumula yan?" I poked her cheeks making her roll my eyes at me.

"Ewan ko sayo."

Napansin naman ni McCoy na alam na namin na kanina pa siya nakatitig kay Nicole kaya umiwas na siya ng tingin. Namumula din yung pisnge niya.

Hay nako.

Sinabi ko na nga ba may gusto sila sa isa't-isa. I can feel it.

I just don't know what's holding them back. Nagkakahiyaan sila parehas. Or baka naman hindi pa din nila alam/tanggap sa sarili nila na may gusto na sila sa isa't-isa.

Halatang halata naman e. Nakakaloka 'tong dalawang ito.

"Hoy Alex!" May pumitik sa noo ko.

I glared at the person. Si Aeron.

"Kailangan mo na naman ha?"

"Samahan mo ko sa canteen." At hinila niya yung kamay ko pero hinila ko ito pabalik.

"Bakit naman kita sasamahan? Pwede namang si McCoy na lang or si Nicole. Wala naman silang--" Natigil ako sa pagsasalita nang makitang nagsasama sa libro sa pagbabasa yung dalawa.

Aba kanina lang hindi sila nagpapansinan a! Hindi makatiis ang mga 'to.

"Ikaw lang ang available kaya tara na." At hinila niya ulit ako.

Nakakainis. Hinuhuran niya ako e.

Medyo na out of balance ako kaya napatigil kami.

"Dahan dahan kasi! Pati hindi mo naman kailangan mang huran e." Inunahan ko na siya sa paglalakad.

"Oy sorry na." Nakasunod siya agad sakin kaya magkatabi kaming naglalakad.

"Ewan ko sayo."

Unexpectedly Where stories live. Discover now