24- And She's Back

47 2 0
                                    

MCCOY

Hindi ko mapigilan mapangiti tuwing naalala ko yung nangyari sa Art room. Grabeng higpit ni Nicole mang yakap nun.

I remember her face while sleeping. She looks so peacefully beautiful.

Grabe. Bakit ba ako nagkaka ganito ngayon gawa niya? Iba na yata 'to e.

Naalala ko din yung hinalikan ko siya sa pisnge. I didn't know what came over me to do that.

Takte bakit parang umiinit mga pisnge ko? Nagba blush ba ako? Grabe nababakla na yata ako.

At dahil yun kay Nicole?

Aish ewan. Imposible naman siguro na magka gusto ako sa kanya di ba?

Speaking of Nicole.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumabi sa akin. Wala pa kasi ang first subject teacher namin kaya kanya kanyang mundo muna.

"Bakit nangingiti ka mag-isa dyan? Nababaliw ka na ba?" She deadpanned said.

Natawa ako ng konti dahil ang cute niyang tingnan. Grabe ano na ba talagang nangyayari sa akin?

"Masama na ba akong ngumiti ngayon? Bawal na pala yun."

She rolled her eyes. "Wala akong sinabing masama. Nag-aalala lang ako kasi mag-isa ka dyang ngumingiti. Wala ka namang kausap."

I smirked when I heard what she just said. "Nag-aalala ka sa akin?" Medyo nilapit ko pa mukha ko sa mukha niya.

Nanlaki naman mata niya.

Pinigilan kong matawa kasi sobrang cute niya.

"A-ano ba yang mga pinagsasabi mo ha? Lumayo ka nga." At tinulak niya mukha ko palayo sa kanya. Halatang kinakabahan siya.

Hindi ko na mapigil ang tawa ko. "Ikaw kasi e. Sabi mo nag-aalala ka sa akin."

"Masama!?"

"Oo."

"O edi wag." Tumayo na siya akmang aalis pero pinigil ko siya.

"Joke lang yun. Dito ka muna." Sabi ko habang nakahawak sa wrist niya.

Napatingin siya sa kung saan ko siya hinahawakan bago tumingin sa akin.

Ano kayang tumatakbo sa utak ng babaeng 'to? Bakit natigilan pa siya?

Lumipas ang ilang segundo ay naupo na ulit siya.

"I-ikaw kasi e." Hindi na siya makatingin sa akin. Mukhang nahiya na.

"Anong ako?" Nang-aasar kong tanong.

"Basta." Hindi pa din siya makatingin.

"Ano nga? Sabihin mo na. Tsaka tumingin ka nga sa akin."

Tumingin nga siya sa akin naka poker face pa. Pero alam ko namang kinakabahan na yan. Halata naman kanina pa e.

"Ewan ko nga sayo McCoy. Alam mo nakakasira ka ng umaga e!" Mataray niyang sabi.

Unexpectedly Where stories live. Discover now