11- Basketball And Ice Cream

39 3 4
                                    

NICOLETTE

*kring kring*

Ano ba naman yan? Ang agap agap naman tumawag ng kung sino man yan!

*kring kring*

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko yan sasagutin. Sarap ng tulog e.

Tumigil naman na sa pag ring ang phone ko. Napangiti ako dahil dun.

Finally! World peace!

*kring kring*

*kring kring*

*kring kring*

Anak ng nanay at tatay! Ang kulit naman ng tumatawag na 'to!

Sinagot ko na yung call. Not knowing who was it.

"ANO!?" Sigaw ko sa speaker.

"Aba! Ang tagal mo bago sagutin ang tawag ko tapos ngayong sinagot mo na nga sisigaw ka naman!"

Hala! Si Alex pala.

"Bakit ba kasi ang agap mong tumawag!? Natutulog pa ko." Pagmamaktol ko.

Natawa naman siya. "Maagap ha? Tumingin ka kaya sa orasan."

Nagtataka naman akong tiningnan kung anong oras na.

What the... 11:38 na pala! Waaahh! Late na late na.

"Oh my gosh." I said.

"Ang agap pa 'di ba?" She said sarcastically.

Grabe. Magtatanghali na pala. Hindi naman ako puyat na puyat ah.

"Bumangon ka na dyan. 12:30 nandyan na kami, kakatok na kami." Sabi niya at binabaan ako.

Bastos 'tong babaeng 'to.

Anong sinasabi niyang nandito na sila ng 12:30? Anong meron?

Hmmm...

Ay anak ng! Mag-movie marathon nga pala kami.

Dali-dali ako bumangon at naligo. Nakakainis naman ako. Bakit ba tanghali na ako nagising?

After kong maligo at magbihis ay nagligpit ako sa makalat kong kwarto. Dito kasi kami manonood. May flat screen TV ako dito sa kwarto ko. Ang bait ng parents sa 'kin ni Aeron ano?

Bumaba na ako sa sala para hanapin si Aeron pero wala siya. Pumunta akong kusina at nakita ang blue sticky note sa ref.

Went out to play basketball with the boys. Tulog mantika ka kasi hindi kita magising. Nasa mesa na breakfast mo

-Your sobrang gwapong bestfriend, Aeron

Natawa naman ako. Ang cute talaga ng bestfriend ko.

Kinain ko na ang sinabi niyang breakfast. Tiningnan ko ang time at 12:28 pa lang. Wala pa naman sila. Makalabas nga muna.

I need some fresh air from outside. May garden kasi sila sa harap kaya magandang mag upo dun.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat akong makita si Alex at Ashley na nakatayo lang dun. May dala silang CDs at snacks.

"O? Kanina pa kayo dyan?"

"OO!" Ashley said sounding annoyed.

E bat hindi sila kumakatok?

"Kanina pa pala kayo bakit hindi kayo kumakatok?" Nagtatakang tanong ko.

Umikot naman ang mata ni Ashley. "Sisihin mo 'tong si Alex. 12:25 pa lang nandito na kami pero ayaw niyang kumatok dahil ang sabi daw niya sayo ay 12:30 kami kakatok."

Unexpectedly Where stories live. Discover now