9- Now In Goodterms

34 3 15
                                    

MCCOY

"Teka. Nasan sila?" Lumingon si Aeron sa likod niya at nakitang hindi nga nakasunod sa'min yung apat na babae.

Saan naman kaya yun pumunta?

"Baka may ginagawa pa sa room o baka may dinaanan." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mauna na kayo. Babalik lang ako." Hindi ko na siya pinansin.

Makapunta na nga lang sa garden. Wala naman akong gana kumain.
Hindi masyado madami ang students ngayon dito sa garden. Panigurado panay nasa canteen sila.

Lumapit ako sa isang puno para maupo sa silong nito. I smiled a little nang makitang naka-carve pa din ang initials namin.

'L+M'

Ako ang nag carve nito a year ago. Habang hawak ko ang isang kamay niya at siya naman nanonood.

Dito din sa punong ito nangako kami sa isa't-isa na kahit anong mangyare walang makapaghihiwalay sa amin. Nangako kaming pang habang buhay na ang pagmamahalan namin.

I kept those promises in my heart. Until now. Kahit alam kong hindi na dapat dahil ang dapat ay ang mag move on na ako.

Ang hirap mag move on.

Mahal na mahal ko siya e. Pero hindi pa siguro yun sapat kaya iniwan niya ako at pinagpalit sa iba.

"Hey! Its you McCoy." Tumingala ako para tingnan kung sino tumawag sa akin.

Si Hannah. Isa sa mga kaibigan ni Lisa.

Bakit naman ako kinakausap nito? Hindi na ako boyfriend ng kaibigan niya.

"Oh yeah. Hey." Sagot ko.

Ano ba dapat sabihin ko?

She smiled. "Nabalitaan mo na ba?"

I gave her a confuse look. "Ang alin?"

"Babalik na dito sa school natin si Lisa. Dito na ulit siya mag-aaral."

Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa dahil babalik na siya at makikita ko na ulit siya pagkatapos ng tatlong buwan. O malungkot dahil kahit naman nasa iisang school na kami ay wala na akong magagawa kundi hanggang tingin na lang dahil wala na naman kami.

Bakit kaya babalik siya? Hindi ba siya masaya dun sa bago niyang school? Nandun ang boyfriend niya e.

Mas mahihirapan akong mag move on.

"Aahh.. Talaga?"

"Oo. Next month pa siguro kasi aayosin niya pa forms niya."

"Sige."

Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasagot ko sa kanya. Hindi ako makapag isip ng ayos dahil sa balitang sinabi niya.

"K. I just went here to tell you. Bye!" At naglakad na siya palayo.

Nangaasar ba siya? O nakalimutan niyang ex ko na ang kaibigan niya?

Kasi bakit kailangan pa niyang puntahan ako dito para lang sabihin yun? Hindi ba niya naisip na baka hindi na ako interesado? O baka masaktan lang ako? Ang insensitive niya ha.

Kahit kelan talaga hindi ko nagustuhan mga kaibigan ni Lisa. Nakakainis kasi mga ugali nila.

"Hoy! Bakit ang asim asim na naman ng itsura mo!?"

Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Sht!

"Nicole!? Anong ginagawa mo dito!?"

Kelan siya lumapit sa akin? Hindi ko napansin e.

Unexpectedly Where stories live. Discover now