8- Ballpen

44 2 6
                                    

JANINE

Hay nako nako!

Nasaan na ba yung ballpen ko!? Kabibili ko lang nun nawala agad? May nangangain ba ng ballpen dito? Pambihira.

Nagpapa-lecture pa naman si Sir De Guzman ngayon. Malaking points kaya makukuha bawat lecture pagdating dito sa History.

Pati ginagamit ko din ang mga lectures ko para mag-review. Dahil mas napapadali ang pag-aaral ko pag sa notebook ako nagre-review. Pag kasi sa libro piling ko nalulula ako.

Paano na ang kinabukasan ko nito!? Babagsak na ako sa History dahil lang sa pagkawala ng ballpen ko!

Susuko ba ako agad!? HINDI!

Manghihiram ako.

"Nicole peram naman extra ballpen oh."

"Wala eh."

"Eh ikaw Alex?"

"Wala din."

"Tanungin mo naman yang si Ashley kung meron."

Kinalabit naman ni Alex si Ashley at binulungan.

Humarap sa akin si Ashley. "Sorry Janine. Wala akong extra ballpen eh."

I scoff. "Nag-aral pa kayo wala naman kayong extra ballpen."

Sinamaan naman nila ako ng tingin.

"Coming from you na wala namang ballpen." Pang-aasar ni Nicole sa akin and the three of them laugh silently.

I pout at inirapan sila. "Bahala nga kayo dyan."

Kanino naman kaya ako hihiram ng ballpen? Ayaw ko naman dito sa tatlong lalaki na 'to. Lalo na kay McCoy dahil sobrang sungit niyan eh.

Hayst...

Napatingin naman ako sa nasa harap ko.

Si nerd boy.

Hindi ko pa naman siya ka-close. Hindi nga ako familiar sa kanya eh.

Pero wala naman sigurong masama kung hihiram ako ng ballpen 'di ba? Meron naman siguro siya. Nakita ko kanina may pencil case pa siya.

"Psst.." kinalabit ko siya ng paulit-ulit at humarap naman siya.

"B-bakit?"

"May extra ballpen ka? Hiram naman ako oh." Nag-smile pa ako sa kanya.

Syempre hindi pwedeng hindi ko gagamitin ang charms ko.

"Ah sandali." Pinanood ko siyang kumuha ng ballpen sa bag niya at inabot niya sa akin.

"Thank you uhm.. What's your name?"

Ang cute kaya niya.

"Blake Funtales." He said then turn his back on me.

I frowned.

Mukhang iwas siya ah. Bakit naman kaya? Pati parang wala lang sa kanya na kinakausap ko siya.

Haller!

Hindi naman sa judgemental ako pero nerd lang siya at myembro ako ng sikat na grupo dito. Hindi ba siya na overwhelmed o natuwa na nagkaroon siya ng chance na makausap ako!? Ako na si JANINE NATASHA MENDOZA!

Ts. Kaasar.

Pasalamat siya napahiram niya ako ng ballpen. Wag siya mag-alala! Ibabalik ko din agad!

Pinagpaliban ko na lang si Nerd boy or should I call him by his name, Blake Funtales.

Nagsulat na lang ako ng mahabang lecture ni Sir De Guzman.

Unexpectedly Where stories live. Discover now