Gangster 11

7.3K 178 2
                                    

(Styx's POV)




Nagkatinginan kami nila Eos ng may marinig kaming nagtatawanan sa loob pagbalik namin sa dorm, galing kasi kami sa hideout namin. That laugh is it Nyx? Ngayon na lang ulit tumawa ng ganyan ang babaeng yan. Pumasok na lang din agad kami sa loob ng tuluyan at naabutan naman namin sila sa living room.


"Kumain muna kaya kayo, Apollo? Naya?" alok sa kanila ni Ate.


Naya was awake, parang kahapon lang ay tulog na tulog pa siya doon sa clinic. Halos hindi nga siya iniwanan doon ng tatlo.


"Hindi na Ms. Selene, hinihintay din kami ng mga kasama namin. Nagaalala na sila para sa kanya," agad na sagot sa kanya ni Apollo.


Ang lalaking walang pakielam sa pinakamalakas na gangster ng DR University. Nagawa niyang tingnan ng masama si Eos, sigawan at titigan, mag-pinsan nga sila ni Naya na parehong walang pakialam. Kamag-anak nga sila ng kambal. Sinabi na kaya ni Ate ang totoo sa kanila?


"Ganon ba?" tanging sagot naman ni Ate sa kanya.


"Naya? Sama ako sa dorm niyo," mayamaya ay paglalambing ni Nyx kay Naya.


"Bukas ka na pumunta don, baka ilaglag mo na naman ako sa kama masakit kaya."


Nagtawanan na naman sila sa reklamo ni Naya, habang seryoso lang siya. Mayamaya lang din naman ay nakita ko na nilingon kami ni Naya, dahil doon ay napalingon narin sa amin yung tatlo, siya ang unang nakapansin sa pagdating namin. Kakaiba ang pakiramdam niya.


"Buti naman gising ka na," sabad ko sa usapan nila at nginitian ko na lang din siya.


"Yeah," tipid niyang sagot sa akin.


I look at Apollo ng tumayo siya and she followed, napatayo na lang din si Ate at Nyx dahil doon.


"Basta Naya bukas ah, pangako mo yan," muling pangungulit ni Nyx sa kanya.


Hindi ko talaga maintindihan nung una kung bakit dumidikit si Nyx sa kanya. Samantalang ayaw na ayaw niya kay Andrea at Marielle na kung tutuusin ay gangmate niya. Siguro ay talagang iniisip niya na si Naya ang inirereto ng kambal sa kuya niya kaya siya ganyan.


"Oo na, matahimik ka lang," agad namang sagot ni Naya sa kanya.


Agad na niyakap ni Ate sina Naya at Apollo at nag-apir lang naman si Apollo at Nyx, si Naya naman ay inakbayan ni Nyx.


"Basta kapag itutulak mo ko, sasabihin mo ah."


Nagtawanan na naman sila sa sinabi ni Nyx maliban kay Naya, habang naglalakad sila palapit sa amin na nananatili sa may pintuan.


"Mauna na kami," pagpapaalam ni Apollo pero sa akin lang siya nakatingin.


Underground Society: Gangster ( Completed - Under Editing )Where stories live. Discover now