Chapter 3

38.9K 1.1K 41
                                    

Felicity's POV

Hindi magkamayaw si Felicity sa katitingin sa kanyang namamagang eyebugs dahil sa kulang siya ng tulog. Kasi naman hindi na siya pinatulog ng kanyang ka-textmate na si Kael.  Kung hindi pa ako nagreklamong inaantok na ay hindi pa titigil ang kumag. 

I need to focus on my job now.  Kailangan ko muna yatang i-off ang cell phone ko mamayang gabi para hindi na mag-text ang lalaking iyon. Gusto ko rin kasing matutulog ng maaga. I need a coffee dahil kailangan ko ng pampagising.

"Hala! Bakit ganyan ang fes mo!" Biglang sumulpot sa cubicle ko ang ka-officemate kong si Briana. Napangiwi naman ako sa sigaw naman ng kaopisina kong si Briana.

" Shut up! Baka mabigwasan kita wala akong tulog. Inisin mo lang ang lasing huwag lang ang puyat!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Malamang puyat kaya naglabasan ang eyebags ko." Sarkastiko kong saad sa kanya. Imbes na mainis nagsalita pa ang gaga. Tiningnan ko siya na parang bored na bored ako sa pagmumukha niya.

" Don't tell me may fafa ka na. Naku let's celebrate hindi ka na bitter girl." Tuwang tuwa na saad nito. Ngali ngali ko siyang tadyakan dahil wala talaga ako sa wisyo para makisabay sa mga biro niyang nakakainis.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Ako bitter? Naka move on na ako sa mga ex's ko.

"Baterin ko kaya yang mukha mo, para malaman mong hindi ako bitter sa mga ex ko. Mas bitter ako sa pagmumukha mo, eh. " Inis na turan ko.

"Ito naman hindi na mabiro. HB agad? Pero mamaya libre mo ako ng lunch para mag-celebrate tayo! May fafa ka na.. Ayiee.." Kinikilig na saad nito. Hindi talaga siya tinatalaban sa mga sinabi ko.

"Ano iyong HB?" naiirita kong tanong.

"Ano ka ba! Hindi mo alam ang HB? Haler, millennial time na hindi mo alam iyon?!" napataas ang kilay ko. Kaya nga ako nagtatanong di ba kasi hindi ko alam. I-upper cut ko kaya ito at ng ma HB din siya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko aber?" Sarcastic na turan ko.

"Highblood." Sagot nito sa tanong ko. My god high blood lang pala meaning nun. Ganoon na ba ako katanda at hindi ko alam iyon? Iniwanan niya akong napapatango habang iniisip ko na highblood pala yung HB. Napa ah na lang ako. Iyon naman pala ibig sabihin. Bakit ba pinapaikli pa nila eh hindi naman kahabaan ang word na highblood.

Nagpaka-busy ako sa buong maghapon kahit paminsan-minsan ay napapapikit ang mga mata ko sa sobrang antok. Hindi ko na nga namalayang uwian na pala. Napahikab ako habang palabas ng building. Nakailang tasa ako ng kape para lang hindi ako makatulog ngunit parang di naman tumalab. Sadyang puyat talaga ako at kailangan ko ng matulog. Hinihintay na ako ng malambot kong kama.

Nasa labas na ako nang makita ko si Stefano sa labas.

"Oh, fanot, bakit ang aga mo yatang uuwi ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Dapat mamaya pa ito uuwi.

 "Hoy! Huwag mo ako tawaging fanot may buhok pa ako para mafanot. 'Yang bulbol mo panutin ko diyan, eh." Napairap pa siya sa akin. Ang arte ng reaction niya daig pa ako. Naging bakla na naman siya. Kapag ganitong dalawa lang kami nilalabas niya ang totoong kasarian. Pero kapag may ibang tao na mukha siyang hindi makabasag pinggan kung umasta. Lalaking-lalaki kasi pero huwag ka tingnan mo ang kanyang hinliliit nakatikwas.

"Ikaw nga itong laging niloloko ang name ko. Tapos nagagalit ka kapag ikaw itong binibiro. Huwag ka nga bakla." Pabulong na wika ko baka kasi may makarinig. Medyo may tao din dito dahil parking lot ito at pauwi na din ang iba pang empleyado na may sasakyan.

"Hoy, baks, sama ka ngayon sa akin. May dinner sa bahay nandoon ang mga pinsan kong barako. Saka hinahanap ka ni Lola." Saad ni bakla.

"Dinner na naman? Naku, baks, ayaw ko na. Nagi-guilty na ako sa ginagawa nating kasinungalingan. Saka inaantok na ako at kailangan kong matulog." Wika ko sabay hikab. 

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon