Chapter 19

29.5K 890 19
                                    

Naghahanda ako para sa press conference ngayon. Dahil ako ang sasagot sa mga tanong ng media about sa nangyaring paglusob ng mga rebelde sa isang camp ng mga sundalo.

"Sir, everything is ready. The media press are already here" Anunsiyo sa akin ng tauhan ko nag-salute siya sa akin at ganoon rin ako.

Naglakad na ako papuntang conference room. Hindi talaga ako sanay sa ganitong lugar. Ayoko sana at gusto kong tumanggi pero kailangan.

Pagkapasok ko pa lamang ng room ng conference madami ng nagkikislapang camera. Kinukunan nila ako ng picture at video. Diretso ang tingin ko at hindi sila tinapunan ng tingin. Expect ko na they will air this on Television. Dahil narito ang iba't ibang tv station at radio station. Tanging buntong hininga lang ang magagawa ko. Naroon na din si Gen. Roberto Jacinto at iba pang matataas na opisyal ng Philippine Air Force. Nagsalute ako sa kanila. Umupo na ako sa nakalaan para sa akin. Nagsimula nang magtanong ang media press sa akin.

NAKATUTOK ang mata ko sa T.V. habang pinapanood namin ang interview ni Mikael.

"Grabe baks artista na si Kuya Mikael, oh. Nasa TV na siya!" Wika ni baklang fanot. Oo nga ang guwapo niya sa suot niyang pangsundalong uniform. Para siyang kagalang galang kung alam lang nila sa likod niyan hay naku. Malibog iyan super. Napaismid ako nang may nagtanong na babaeng reporter. Well, maganda naman siya. Napairap ako kung makapagpa cute wagas! hindi siya halata ha? Kulang na lang ipakita na niya buong dibdib. Lumuluwa na ang cleavage ng babae.

"Hoy, baks, baka mabasag iyang TV sa pagtitig mo. Ang sama ng tingin mo oh?." Inirapan ko si Stefano. Nakakainis kasi puro pekpek ang nag-iinterview sa Mikael na iyan wala man lang lalaki. Kaasar!

"Patayin mo na nga iyan baka basagin ko ng tuluyan iyang pangit mong TV!" Inis na wika ko kay Stefano. Humarang si Stefano sa T.V. na parang pinoprotektahan niya ito.

"Anong pangit! Mahal ang bili ko diyan! Nagseselos ka lang kaya ka ganyan. Tingnan mo oh? Ang gaganda ng mga reporter doon in fairness" Pang aasar sa akin ni baklang fanot. Napanguso ako. Oo nga iyon nga napansin ko. Puro magaganda nga tapos kung makangiti naman itong Mikael malibog na ito parang nang-aayang makipagsex.

" Capt. Dela Costa congratulation. We're proud of you dahil nahuli niyo na ang number 1 leader ng rebelde dito sa Mindanao. By the way I'm Cathlaine Delmar from PTV3." Pakilala nito sa akin. We shake hand. 

" Thank you Ms. Delmar" Napakalambot ng kamay niya. Nginitian ko siya.

" Capt. Dela Costa can I interview you one of these day. I will air it sa isang segment ko sa program ko. You can choose what time." Medyo may pagkalandi pa ang pagkakasabi niya sa akin ng what time. Napatingin ako sa babae. She smiles at me I admit na nagagandahan ako sa kanya. Pero mas maganda pa din ang mahal kong si Felicity.

"I'll check my schedule Ms. Delmar. I can't promise you if I can able to do an exclusive interview." After this I'm going back to Manila para magreport sa main headquarters. Gusto ko ng makita ang nobya ko. Namimiss ko na siya. Bigla na namang sumasaludo ang sandata ko. Goddamnit!

"I have to go Ms. Delmar." Tumalikod na ako at nagmadaling umalis. I need to release this again. 

NAKITA kong tumatawag si Mikael. Hindi ko ito sinasagot kasi naiinis ako sa lalaking iyon. Nakita ko kasi sa isang newspaper may kausap siyang babaeng hitad all smile pa talaga ang dalawa.

Ingudngod ko mukha niya sa malaking suso ng babaeng iyon. Sigurado naman magugustuhan niya iyon. Napatingin ako sa hinaharap ko nalungkot naman ako. Naawa naman ako sa hinaharap ko. Nakasimangot ako habang nagwowork. Napapalakas ang pagtipa ko sa keyboard na para bang gusto kong sirain. Doon ko lang binubuhos ang inis ko kay Mikael dahil sa selos. 

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon