Chapter 11

29.3K 979 27
                                    

"Kuya Kael, paano kapag sinabi mong girlfriend mo si Felicity kila Momshie, mabubuking naman ako na wala talaga kaming relasyong dalawa. Baka mapasama pa si Felicity kila Mame." Napatingin ako sa pinsan kong si Stefano. Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit ko nga ba nakalimutan na ang alam nila si Stefano ang nobyo ni Felicity. Problema ito. Napabuntonghininga ako ng malalim.

"Maybe I will not tell them for now. You need to break her up first Stefano." I told my cousin.

"Paano ko naman gagawin iyon wala naman kami?" Natatawang wika ng pinsan. Napatawa rin ako. 

"Okay, pagtiyagaan mo muna ang ilihim sa kanila ang relasyon niyo." Napangiti ako sa sinabi ng pinsan. Although wala naman pormal na ligawan, kami na. Dahil ako ang nagpasya nun hindi si Felicity. Sigurado akong hindi papayag ang babe ko. Bakit kailangan pa ba ng ligawan? Puwede naman naming kilalanin ang isa't isa kahit kami na. Para sa akin hindi mahalaga ang mahabang ligawan tapos mababasted lang ako. Hindi ako papayag doon.

Naisip ko si Lola dahil nangako akong ipakikilala ko ang nobya ko,mapupurnada pa. Nilagok ko ang bote ng beer na hawak ko. Bahala na.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang binibini kong maganda. Napangiti ako.

Her phone is just ringing. Napakunot noo ako dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Stefano, may pinuntahan ba si City sa ganitong oras?" tanong ko. Nangunot din ang noo ng pinsan ko.

" Wala Kuya baka naman nakasilent lang ang phone at hindi niya marinig. Baka nga tu.." Hindi ko na pinakinggan si Stefano sa sinasabi niya. Tumayo na ako't lumabas ng bahay. Kahit tinatawag ako ng pinsan ko ay hindi ko pinansin. I'm worried to her, being a soldier instinct ko agad na may hindi magandang nangyari.

I called her number again, but still, she's not answering her phone. Fuck! Sumakay kaagad ako sa sasakyan. Wala na akong pakialam kung mahuli pa ako ng over speeding. Basta makarating ako agad sa bahay ni Felicity.

Pagkarating ko sa bahay niya lumabas na ako sa sasakyan ko.  Agad akong pumasok sa nakabukas na gate. Nagtataka ko itong tiningnan. Mas lalo akong kinutuban ng masama dahil pati ang main door ay naka open rin. Napatingin ako sa paligid, wala naman akong napansin na magulo. Nasa maayos naman ang mga gamit. Napatingin ako sa hagdan baka nasa silid si Felicity. Nagmadali akong umakyat. Inilabas ko agad ang baril ko na nakasukbit sa likod ko. I always bring my gun in case of emergency. 

May tatlong silid na kailangan kong tingnan. Nabuksan ang dalawang silid ngunit walang tao. Ang huling pinto ang pinuntahan ko. Habang palapit ako nakarinig ako ng kalampag na para bang may nahulog. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto. Nakarinig ako ng pag-ungol at boses ng mga lalaki. Nag-igting ang panga ko. Goddamnit! Napamura ako sa isipan ng marinig ang sinabi ng mga lalaki.

"Pare, ang ganda nitong chikas. Mauuna muna ako tikman ito. Bahala ka muna limasin lahat ng dapat limasin. Ako muna bahala dito kay Ms. ganda." narinig kong sabi ng lalaki. Impit lang ang narinig ko mula kay Felicity.

Nag-ipon ako ng lakas para masipa ang pinto. Halos magiba na ang pinto sa pagkakasipa ko. Hindi ko nga alam paano ko nagawa iyon o dahil hindi matibay ang pagkakagawa ng pinto. Napatingin sila sa akin.  Ginawaran ko kaagad ng malakas na sipa ang lalaking unang sumugod sa akin. Natamaan ko ang ulo nito at saka ko sinuntok ang mukha nito at sinipa ang sikmukra nito. Babarilin na sana niya ako, inunahan ko na. Binaril ko ang kanyang balikat. Natumba ang lalaki. 

Napadako ang tingin ko kay City na nakatali at halos bra at panty na lang ang suot. May busal pa ng panyo ang bibig nito.

Bumulagta ang mga lalaki dahil sa tama ng baril. Hindi pa ako kuntento ginawaran ko ng sipa sa mukha ang lalaki.  Dahil sa galit ko pinagsusuntok ko ang mukha nito hanggang sa hindi na makilala ang pagmumukha niya. Halos mamanhid ang kamao ko sa kasusuntok sa dalawang tarantado. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang pinsan kong pulis.

"Alexandro, pumunta ka dito sa bahay ni Felicity. I-text ko sa iyo ang address. I need you here bro. Nilooban ng magnanakaw ang bahay niya. Okay, bro. Hindi na sila makatatakas. " Turan ko. Tinapos ko na ang tawag. Tinext ko ang address ni Felicity sa pinsan ko.

Dinaluhan ko kaagad si Felicity na ngayon ay nanginginig sa takot. Kinalag ko ang tali sa kamay niya at paa. Inalis ko rin ang busal sa bibig niya. Nagngingit ako sa galit dahil sa ginawa nila sa nobya ko. Mayroon sugat sa labi si Felicity at namumula ang pisngi niya. Napaiyak si Felicity ng matanggal ko ang kanyang busal. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"You're safe now, babe. Hush now, babe. Nobody will hurt you. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa iyo. They will rot in jail." Pangako ko sa kanya habang pinapayapa ko siya sa pag-iyak.

Iyak ng iyak si City at nanginginig pa ang katawan. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan niyang halos hubad na. 

Ilang minuto lang dumating ang pinsan ko at ambulansya. Inalalayan ko si Felicity para ilagay sa strecher.

"Kuya Kael, what happened to her?" Nag-aalalang tanong ni Stefano nang dumating ito.

"May pumasok na dalawang lalaki, muntik na nilang gahasain si Felicity mabuti na lang dumating ako. Ikaw na muna bahala sa kanya Stefano. Mayroon lamang akong aalamin," Hindi maalis sa akin ang galit sa dibdib dahil sa ginawa nila kay Felicity. Siguradong magkakaroon na siya ng trauma.

"Don't worry, Kuya Kael, akong bahala sa kanya." Pangako ng pinsan.

Nagpunta ako sa kinalalagyan ng dalawang tarantado. Hindi ako naawa sa mga hitsura nila. Halos hindi na makilala ang mga mukha nila. May tama pa ng baril ang isa. Kung gugustuhin ko pinatay ko na siya. Pero naniniwala pa rin ako sa hustisya sa bansa na dapat na pagdusahan nila ang mga kasalanan sa kulungan. Sa sobrang galit ko kinuwelyuhan ko ang isa at in-headbat ko. Napaigik ang lalaki sa ginawa ko. Mukhang nahilo.

"Sino nag-utos sa inyo na gawin ito! Sino!!" sigaw ko sa lalaki. Nanlilisik ang mga mata ko. 

"M-May babae pong l-lumapit sa amin. S-sinabi n-na looban namin itong bahay. T-tapos b-bahala na d-daw kami k-kung a-anong gagawin namin sa babaeng n-nakatira d-dito." Hirap na hirap na wika ng lalaki.

"B-Boss hindi po namin kilala ang babae. Noon lang po namin nakita ang babaeng iyon. Kung ipapa-describe niyo sa amin matatandaan po namin ang hitsura niya," sabi ng isang lalaki na halos pikit na ang mga mata. Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Kailangan kong paimbestigihan kung sino man ang taong iyon. Mananagot siya sa akin. 

"Bro, kami na bahala sa mga gago na ito. Tingnan lang natin kung hindi mapapaamin ang mga ito. Men get this assholes!" Sigaw ng pinsan kong pulis.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13









BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon