Chapter 23

28.1K 846 43
                                    

"What?! Pinayagan mong magbakasyon ng ganoon katagal si Felicity?!" Halos umusok ang ilong ko sa galit sa pinsan kong si Stefano. Akala ko sa pagbabalik ko sa Manila masisilayan ko ang mahal ko. Iyon pala hindi ko makikita.

"Kuya Kael, may right naman siyang mag-leave. Ngayon nga lang humiling ng leave iyon kaya pinagbigyan ko na." Paliwanag ng pinsan ko. Pero naiinis pa rin ako. Magmula noong last na tinawagan ko siya, nangyari naman ang pang-aakit ng kasamahan ko at magmula noon hindi ko na makontak si City.

"Saan siya nagpunta?" Tanong ko dahil susundan ko siya.

"Kailangan mo pa bang malaman? Malayo, saka Kuya Kael, give her time para makapag-relax. Baka naman kapag kapag sinundan mo ma-stress lang lalo iyon." Paliwanag ng pinsan. Bakit naman siya mai-stress sa akin?

"Just tell me, Stefano, godamnit!" Sumimangot ang pinsan ko.

"Please, Kuya Kael, leave her a moment. Iyon naman ang gusto niya mawala raw ang stress niya. At ikaw daw iyon." Natatawang anya ng pinsan.

Mas lalong sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niyang na-stress sa akin si City.

"Hindi mo talaga sasabihin." sabi ko nang may pagbabanta. Umiling siya.

Binunot ko ang baril na nakasukbit sa  baywang ko at saka itinutok sa sintido niya. Bigla ay itinaas ang kamay niya. Takot ang rumehistro sa mukha ng pinsan.

"Kuya Kael, naman pati ba naman ako kaya mong patayin?" Takot na aniya.

"Kayang-kaya kong gawin iyan kahit kanino! Sabihin mo ngayon din kung saan nagpunta si City or else pasasabugin ko ang building na ito!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Okay, fine! Tangina naman pati ako talaga kaya mong patayin? Ako ang na-stress sa inyong dalawa, eh?! Nasa Batanes siya. Oh,  ito ang hotel na tinutuluyan niya." Ibinigay niya sa akin ang isang card kung saan nakalagay doon ang pangalan ng hotel.

Tinapik ko siya sa balikat. "Good. Madali ka lang palang kausap, eh. Thanks, bro!" Lumabas na ako ng opisina ng pinsan. Nakasalubong ko ang Sekretarya ni Stefano, kinindatan ko siya pero inirapan lang niya ako.

"Hindi kita type!" Sigaw nito sa akin habang naglalakad kung kaya natawa ako. Napaiiling na lang ako habang palabas ng building.

xxxx

HINDI ko akalain na makikita ko sa Batanes si Delfin. What a coincidence. Ayon sa kanya nagbabakasyon ang pinsan niya at asawa nito kaya sumama siya sa pinsan.

Nakatingin ako sa tatlong bata na nasa harapan ko. Ang pogi nila at ang ganda ng girl. Siguro foreigner ang tatay nila. Blue ang mga mata nila.

"Hi mga kids" Bati ko sa tatlo. Ngumiti naman ang mga ito sa akin.

"Ate, girlfriend ka ba ni Tito Delfin?" Tanong ni baby girl sa akin.

"Hindi baby girl, we're just friends. " Pinisil ko ang cheeks niya. Ang cute niya. Sana magkaroon rin ako ng anak na girl na kasing ganda niya.

"Ilang taon na sila Delfin?" Tanong ko kay Delfin.

"They're 5 years old. Pero mag-six na sila sa October." Tumango ako.

Sinamahan nila akong mamasyal kaya hindi boring ang pamamasyal ko. Na-meet ko ang pinsan niya at ang asawa. Namana ng mga anak sa asawa ng pinsan ni Delfin ang kulay ng mga mata. Lahat yata nakuha nila sa ama.

Grabe ang saya ng araw ko. Nawala ang stress ko sa buhay lalo na sa lalaking iyon. Nakakainis.

Naku Felicity ma-stress ka na naman. Huwag mo na muna siyang isipin.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon