Chapter 34

33.8K 768 20
                                    

Walang pagsidlan ang galak ko nang makita ang baby boy namin ni City. Kamukhang-kamukha ko ang baby boy namin.

Nakatulog pa ang asawa ko dahil napagod sa panganganak. I am so proud of her dahil kinaya niyang ilabas ang anak namin. 

Nagpapasalamat ako sa diyos dahil sakto naman sa pagbabalik ko ang panganganak ni City. Nahuli na si Sgt. Mae Lucena. Naibalik na uli sa kulungan at pati na si Sabel na kasabwat niya. Wala akong pakialam kung nagdadalantao pa siya, kailangan nilang pagbayaran ang pagtatangka nila sa buhay ko. Mabuti naging maagap ang pinsan ko. Bago pa nila maisaktuparan ang pagpapatumba nila sa akin naunahan na namin sila.

Hinagkan ko ang noo ni City at hinaplos ang pisngi nito na mamula-mula. Ilang buwan ko ring hindi nasilayan ang mukha ng asawa ko. Na-miss ko siya. Nagmulat ng  mga mata si City. Ngunit ang ini-expect kong welcome smile ang ibubungad niya sa akin, sumimangot siya nang makita niya ako.  Alam ko naman na masama ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Babe, na-miss kita sobra." Inilapit ko ang mukha sa mukha niya. Pero tumagilid siya at iniwas ang mukha niya sa mukha ko. Ipinatong ko ang braso ko sa kanyang tiyan at sinimulang himasin.

"Ialis mo iyang kamay mo sa tiyan ko! Puputulin ko iyan kasama ng etits mong mahaba! Ayaw kitang makita! May iba ka ng babae binuntis mo pa! Walanghiya ka!" Sinilip ko ang mukha niya at nakita kong nangingilid ang luha nito. Pasimple niyang pinahid iyon.

"Babe, hindi totoo iyon. Kailangan ko lang magpanggap kung hindi ko gagawin iyon baka patayin nila ako." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi ako naniniwala sa iyo! Ang nguso mo dumampi sa balat ng babaeng iyon! Ayoko na sa iyo! Nakakadiri ka na!" Yumakap ako sa kanya at ibinaon ang ulo ko sa leeg. Na-miss ko ang amoy ng asawa ko.

"Babe, ko drama lang iyon. Kailangan kong gawin para mas kapani-paniwala. Gustong-gusto na kaya kitang yakapin ng mga sandaling iyon kung alam mo lang." Iniangat ko ang ulo ko at sinubsob sa tiyan ni City. Ang kamay ko ay napunta sa dibdib niya.

"Ilayo mo nga ang palad mo sa dibdib ko!" Reklamo ng asawa ko. Gusto ko sanang tumawa ngunit hindi ko ginawa. 

"Babe, lumaki yata ang  dibdib mo? Puwede bang maki-share kay baby boy natin?" Tiningnan ko siya ng nakaloloko. Tinaas baba ang kilay ko. Bigla niya akong tinampal sa noo.

"Siraulo ito.  Ano ka baby? Kawawa naman  ang anak natin aagawan mo pa ng pagkain niya." Nakita kong namumula na ang mukha ni City. 

Kaya natawa ako. "Kahit konting sipsip lang naman babe ko." niyakap ko ang baywang niya habang nakapatong ang ulo ko sa tiyan niya. Naramdaman kong hinaplos ni City ang buhok ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Hindi niya talaga ako matitiis.

DUMATING ang mga biyenan ko.

"City, ang pogi ng anak mo. Kamukhang kamukha ni Mikael" buhat buhat ng Mommy ni City ang baby boy namin. Ibinigay nito kay City ang baby namin. Tumabi ako sa higaan ng asawa ko.

Nangilid ang mga luha ko nang masilayan ng malapitan ang baby boy namin. Ganito pala ang feeling kapag ama ka na. Napakaliit. Nakapikit pa ang mga mata niya kaya hindi ko makita ang kulay ng kanyang mga mata.

I have light brown eyes. Namana ko sa lolo ko na isang Spanish. Matangos ang ilong ng anak ko at pareho kami ng hugis ng mga labi. Hinaplos ko ang ulo niyang may kanipisan pang buhok.

"Kael, kamukha mo si baby, oh?" sabi ni City sa akin. Kinintalan ko ng halik ang kanyang noo.

"I want to name him Lorenzo Dela Costa." Hinawakan niya ang aking braso habang nanlalaki ang mga mata.

"Bagay na bagay sa baby boy natin ang pangalang Lorenzo!" Napangiti kaming mag-asawa habang nakatingin sa anak namin. I nodded.

(7 months later)

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon