Chapter 16

28.1K 873 17
                                    

NAGISING ako na madilim ang paligid. May piring ang mga mata ko. Nasaan ba ako? Sino na naman ba ang dumukot sa akin?

Last time muntik na akong ma-rape, ngayon naman na-kidnap. Hindi naman ako mayaman para kidnapin nila. Diyos ko, maliit lang ang bahay na tinitirhan ko. Ano naman makukuha nila sa akin. I did try my best na lumaban ng kinuha nila ako sa bahay kanina. Hindi na ako nakalaban dahil sinuntok nila ako sa tiyan. Para akong sinakal sa pagkakasuntok nila hindi ako makahinga ng maigi. Kapag nakatakas ako dito malalagot sa akin kung sino man nanakit sa akin. Tinurukan nila ako ng pampatulog kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari na.

Kailangan kong maging matapang ngayon hindi dapat ako panghinaan ng loob. Ngunit hindi ko mapigilang mapaluha sa nangyayari sa buhay ko. Lagi na lang may nagtatangka sa buhay ko magmula ng naging kami ni Mikael. Kasalanan ng lalaking iyon.

Napatuwid ako ng upo nang makarinig ako ng mga ayabag papalapit sa kinaroroonan ko. Narinig kong bumukas ang pinto. Namamanhid na ang kamay kong nakatali patalikod. Napansin ko ang tunog ng yabag dahil parang takong ang sapatos ng taong iyon. Ibig sabihin babae ang salarin ng pagkidnap sa akin. Natahimik na ang paligid. May naamoy akong pabango na tila pangbabae ang pabango. Sigurado na akong babae ito.

"Sino ka?! Bakit mo ako pinakidnap! Pakawalan mo ako dito! Isa kang duwag mag one on one tayo!" Paghahamon ko sa estrangherong babae. Mukha akong tanga one on one talaga? Baliw ka ba City paano kayo mag one on one kung nakatali ka naman diyan nababaliw ka na ba? Sabi ng isip ko. Tumawa ang salarin. Tama ang hinala ko babae siya. Di ba nga paulit ulit lang? Unli lang. Sabi ng isip ko. Siguro ito iyong ex ng walanghiyang malibog na Kael na iyon.

"Bakit naman kita papakawalan diyan? Ano ako tanga? Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. In the first place you don't know me bitch. Don't worry hindi naman na magtatagal ang paghihirap mo. Within an hour you'll be dead!" Turan ng babae. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya na you'll be dead. Oh my god help me! Huwag muna ngayon naku naman. Hindi pa ako nag-aasawa. Hindi ko pa nga nahahawakan at nakikita ang pinagmamalaking sandata ng Kael malibog yun. Tapos hindi ko pa nga natitikman ang luto niyo lord. Piping dasal ko pero parang kalokohan ang naging dasal ko. Buwisit kang Kael malibog ka talaga nang dahil sa iyo ang beauty ko mapupunta lang sa hukay. Huhuhuhu.. Kapag namatay ako mumultuhin ko talaga iyon. Hindi ko siya patatahimikin.

Hindi ko napaghandaan ng lumapat sa pisngi ko ang palad ng babae. Napabaling ang mukha ko. Dalawang beses niya akong sinampal. Nagngingit ngit ang kalooban ko dahil hindi ako makaganti. Makawala lang ako dito hindi lang sampal ang magagawa ko sa babae kakalbuhin ko ang buhok niya pati bulbol niya hindi ko palalgpasin. Hinawakan niya ang baba ko kaya napangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"You're so ugly. Ano bang nagustuhan ni Mikael sa iyo? Hindi ka naman sexy wala ka ngang hinaharap. Ano naman mahihita niya sa iyo? Hindi siya masisiyahan walang thrill thrill iyang katawan mo" Biglang humalakhak ng malakas ang babae. Grabe kung makaapi sa pagkatao ko. Kasalanan ko ba na nainlove sa akin si Mikael kahit wala akong hinaharap. Hindi naman ako naghabol sa lalaking iyon. Siya nga itong hinarass ang beauty ko.

Nainis din ako sa sinabi niyang ugly daw ako at hindi masisiyahan si malibog na Kael. Eh, kahit yata puno ng niyog na may palda papatusin nun eh. Malibog nga di ba? Tsaka sabi ni Kael maganda daw ako at may laman naman daw ang hinaharap ko. Sakop nga daw ang kamay niya at masarap daw susu.. Naputol ang naiisip ko ng magsalita ulit ang babaeng baliw.

"Dalhin niyo na ang babaeng ito. It's time to kill this bitch!" Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagpumiglas ako ng sapilitan nila akong hatakin.

"Bitawan niyo ako! Humanda kayo sa akin kapag nakawala ako dito! Papatayin kayo ni Mikael!" Sigaw ko habang ginagawal ko ang buo kong katawan para makawala sa mga hawak nila.

"Goodbye, bitch!" Pamamaalam sa akin ng babae. Narinig ko itong umalis na rinig ko ang tunog ng takong niyang tila ba mabubutas na ang sahig.

HINDI ako mapakali palakad lakad ako dito sa loob ng barracks ko. Kanina tumawag si Alexandro na na-trace na nila ang hideout ng babaeng iyon. I still waiting for his call again. Halos mag tatlong oras na goddamnit! Parang gusto kong manuntok ngayon dahil naiinis ako. Wala akong magawa para iligtas ang mahal kong si City. I decided to dial my cousin's number. But it's out of coverage. Goddamnit! I decided to call Stefano.

"Hello, Kuya Kael." Sagot nito

"Ano na balita sa Kuya mo? Goddamnit kanina ko pa tinatawagan naka-off ang cellphone niya!" Singhal ko sa pinsan kong si Stefano.

"Kuya Kael, please calm down okay. Nandoon na sila sinadya talaga ni Kuya hindi muna buksan ang cellphone niyapara walang hadlang okay." Paliwanag ng pinsan. Hindi ko magawang kumalma dahil sa sobrang pag-aalala sa nobya ko. Baka kung napano na siya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Okay, just text or call me if there is a news about City " I ended up the call. Napaupo ako sa upuan at napahagod ng buhok sa sobrang frustration. Sa isipang nasa panganib ang mahal ko naiinis ako sa sarili ko. Sana pala inilipat ko na lang ng ibang tirahan si City.

HALOS kaladkarin na nila ako sa pagkakahila nila sa akin. Siguradon magkakapasa na ako nito. Nadapa pa nga ako kanina dahil sa kakatulak nila sa akin. Alam naman nilang wala ako makita akala mo naman nakikita ko ang dinadaanan ko mga walanghiya din ang mga ito. Naku kapag talaga nakawala ako dito pagpuputulin ko mga ulo nila. Duh paano mo naman gagawin nakatali ka tapos huling oras mo na ngayon City. Sabi ng demonyo kong isip.

"Mga Koya puwede ba humiling tutal papatayin niyo na din ako. Please mga koya pagbigyan niyo na ang huling hiling ng mamatay." Pakiusap ko. Sana naman gumana ang plano ko. I nedd to do this or else mamamatay talaga ako na walang ginagawa. Lalaban ako hanggang sa huling buhay ko kahit na hindi ako sigurado sa plano ko na ito.

"Sige pagbibigyan ka namin. Ano ba ang kahilingan mo?" Tanong ng boses paniki na boses kiki pa na kumidnap sa akin.

"Gusto ko kalagan niyo ang kamay ko. Magdadasal po kasi ako mga koya. Magpre praise lang po ako kay god bago ako malagutan ng hininga." Paawa effect kong pakiusap. May pahikbi hikbi pa akong nalalaman. Kahit kanina ko pa gustong pagtatadyakan ang mga mukha nila.

"Okay, pero huwag na huwag kang gagawa ng ikasasama mo. Mananagot ka sa amin." Wika ng boses kalabaw na mama. Grabe siya oh ikasasama ko daw? Hindi ba papatayin na nila ako. Tanga lang ang peg?

"Opo mga Koya magbebehave po ako." Lord forgive me kailangan ko gamitin muna kayo lord. Forgive me for I have sin. Naramadaman kong kinalagan naman ako. Napahawak ako sa palapulsuhan ko. Grabe naman ang pagkakatali nila hindi makatao! Nakapa kong may sugat na ang pulsuhan ko.

"Mga Koya magdadasal na ako huh. Wait lang kayo mga 10 minutes orasan niyo ako. " Paalam ko sa kanila. Lumuhod ako para magsamba na. May padipa dipa pa akong nalalaman. Medyo iniangat ko ng kaunti ang piring ko sa mata para makita ko ang daan na tatakbuhin ko.

Nakita kong nakatalikod ang dalawa at nag-uusap. Nagulat naman ako dahil iyong malaking bakulaw ang boses paniki at boses kiki. At iyong maliit ang boses kalabaw.

"Jesus, forgive my sin. Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo. Mapasa amin ang kaharian mo.. " Habang nagdadasal ako umatras ako ng umatras medyo nilalakasan ko ang boses ko para mukhang malapit lang ako. Tuluyan ko ng inalis ang piring ko saka nagbilang ng hanggang tatlo at kumaripas ako ng takbo.

Takbo, City, takbo!

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon