Chapter 5

35.2K 1K 18
                                    

Naiinis ako sa pinsan ni bakla. Ang sarap sapukin sa mukha. Ang hambog na napakamanyak pa. Akala ko ang mga sundalo ay mga maginoo pero medyo bastos. Aba malaking pagkakamali akala ko lang pala. Napaka bastos niya. Kung hindi lang talaga ako nainvite dito sa bahay nila Stefano dahil birthday ni Tita Mame nungka na pupunta ako dito. Knowing na nandito ang walanghiyang Mikael. Kailangan ko ding pumunta kasi girlfriend kuno ako ni Stefanong bakla kaya kailangan present ang beauty ko dito.

Kumukuha ako ng pagkain sa may mahabang lamesa. May iba't ibang putahe na nandoon. Buffet style ang ginawa nila. Ang daming bisita kaya hindi ko na makita si Tita Mame sa dami ng bumabati sa kanya. Habang kumukuha ako ng makakain ko biglang na lang may lumanding na labi sa pisngi ko. Muntik ko ng mabitawan ang plato na hawak ko dahil sa gulat. Marahas akong napalingon sa kung sino man iyon. Namula ang mukha ko sa inis. Bakit nandito na naman itong asungot na ito? Bwisit naka halik na naman ang walanghiya. Ngali ngali ko sanang ibuhos ang plato na may lamang pagkain pero sayang naman kung mapupunta sa pagmumukha ng hambog na ito, hindi sa tiyan kong kanina pa nagugutom.

" Hi babe!" Bati nito na para bang wala siyang ginawang masama sa akin. Mas pinili ko na lamang manahimik dahil ayoko siyang makausap. Manigas siya diyan kakasalita na parang tanga hindi ko siya kakausapin. Nagkunwari akong hindi siya nag-eexist. Bumalik ako sa lamesa kung saan ako nakaupo. Nakita ko si Tita Mame na nakaupo na doon. Ngumiti ako kila Tita Mame. Habang kumakain nakarinig ako ng nagtatawanan at para bang kinikiliti ang singit ng bababe kung makatawa. Napaismid ako ng lihim ng makita ko si Mikael na may kasamang babae.

Buwisit na ito matapos akong halikan mayroon naman palang kalandian. Napairap ako sa kanya ng tapunan niya ako ng tingin. Nakaangkla ang babae sa braso ni Mikael. Kung titingnan mo para silang may realsyon. Tumingin ako sa ibang direksyon nangg tumingin si Mikael sa akin. Nagkunwari akong busy sa kinakain ko kahit na gusto kong undayan ng sapak ang lalaki. Dahil hindi ako maka move on sa pagnanakaw niya ng halik sa akin. Kinuha ko ang phone ko para kunwari may ka text ako. Naiimbyerna ako sa kalandian ng syota niya na kulang na lang maghalikan na sila sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Nakakatawa pa ang hitsura ng babae kung makatawa ang laki ng bunganga. Kung titingnan parang binubugahan niya ang mukha ni Mikael.

" Hi po Tita" Bati ng kasamang babae ni Mikael kay Tita Mame. Napatingin si Tita Mame sa nagsalita. Ngumiti naman ito sa babaeng nakaangkla kay Mikael na malandi.

" Hi Wendy iha. Nice to see you again. I'm glad na nakapunta ka. Join us here. Mikael get some chair" Utos niya sa pamangkin. Tumalima naman ito. Wendy pala pangalan ng babaeng kasama ni Mikael. Wow kapangalan pa niya yung fastfood na favorite kong kainan. Wendy is the place to be.. Napakanta pa ako sa utak ko. Napatirik ako ng mata nang sa tabi ko talaga nilagay ni Mikael. Don't tell me dito siya uupo sa tabi ko at hindi sa tabi ng syota niya? Ang luwag luwag doon sa side ng syota niya bakit dito pa sa tabi ko halos magkakadikit na kami. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ikaw ba naman parang halos magkadaiti na ang mga balat namin. Sinasadya yata nitong kumag na ito para magkalapit ang aming mga balat. Ang manyak ah! Panaka naka kong sinasagot ang mga tanong ni Tita Mame kahit gustong gusto ko ng umalis. Dahil nga sa katabi ko. Ayoko naman maging bastos sa kanila. Napapasulyap ako doon sa girl dahil ang sama nito makatingin sa akin. Panay panay ang irap niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin baka akala niya nilalandi ko itong syota niya. Ito naman ang lumlandi sa akin. Bakit ko naman papatulan ang babaeng ito hindi ko siya kalevel.

Napaigtad ako nang may naramdaman akong palad na nasa kandungan ko. Napatingin ako kay Mikael na ngayon ay nakikipag-usap kay Tita Mame na parang walang milagrong ginagawa sa ilalim ng lamesa. Ang galing ha? Nang mapasulyap sa akin ito binantaan ko siya sa pamamagitan ng masamang tingin. Ngunit walang epekto iyon bagkus pinagpatuloy niya lang ang pamamanyak sa akin. Nagtiim ang bagang ko sa inis. Tinampal ko ang kamay nito na humihimas na kandungan ko. Napainom agad ako ng tubig. Malapit ko ng maibuga ang tubig nang maramdaman kong pumailalim sa skirt ko ang mainit nitong palad. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Oh my gosh! Parang pangangapusan ako ng hininga. Napalunok ako ng laway.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon