Chapter 10

31.8K 938 24
                                    

"What's the real score between you and my cousin?" He asked me out of nowhere. Napaisip naman ako sa tanong niya. We dated but it never crossed my mind na seryosohin ang ginagawa ni Mikael. I mean yung pagtawag tawag niya sa akin niya ng babe. Baka wala lang sa kanya iyon. As of now kaibigan lang muna kami.

"We're friends." Tipid na turan ko. Napatingin si baklang fanot sa akin na parang hindi naniniwala. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Weh, hindi nga? Sinabi na ng pinsan ko na kayo na, 'tapos ikaw friends lang?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi sa akin ni bakla. Paanong nangyaring kami na? Wala pa naman akong sinabing oo.

"Ano?! Ang kapal din ng mukha ng pinsan mo. Anong girlfriend hindi ko pa nga siya sinasagot." Tumaas baba ang dibdib ko sa inis. I need to confront him. Argh! Anong akala niya sa akin madali lang makuha na konting kindat at pagsasabi niya ng babe ay bibigay na ako.

Napa 'hmmmm' si fanot. Bigla ko siyang hinampas, napaaray ang beklash. Mas lalo lang akong nainis ng tumawa lang ito. 

"Ayaw mo nun may lovelife ka na, hindi ka na maghahanap. Ang kagandahan dun ay kilala ko. Ang dami mong arte." Turan ni bakla. Hindi naman sa maarte ako, ang bilis naman kasi ng lalaking iyon. Hindi man lang niya ako niligawan. Baka sa susunod hindi ko alam na ikakasal na pala kami. My God! Hindi man lang ako nakapaghanda.

"By the way highway, birthday na ni Lola sa Sabado,invited ka. Ni-remind ako ni Lola kanina na dapat present ang beauty mo doon. Ito nga pala ang invitation mo." Ibinigay niya sa akin ang isang sobre, kinuha ko at saka binuksan. Binasa ko ang mga invited.

"Pupunta naman talaga ako kahit hindi naman niya sabihin. Alam mo naman napalapit na ako kay Lola saka ayoko siyang magtampo." Wika ko. Ang laki na nga ng kasalanan ko sa kanya kaya para makabawi kahit ito man lang makabayad ako sa mga kasinungalingan ko.

Nabigla ako nang may lumanding na nguso sa nguso ko. Oh my God! Napatingin ako sa nguso este sa humalik sa akin. Nakangiting Mikael ang bumungad sa harapan ko. Sumimangot ako.

Bakit ba ang guwapo ng walanghiya kahit nakakabwisit ang kahambugan niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakangiti- labas ngipin. Ang ganda ng teeth niya pantay-pantay ang pagkakahilera at infairness maputi-alagang dentista. Ako once in a blue moon lang pumunta ng dentist. Nakahihiya naman kababae kong tao daig pa ako nitong si Mikael.

Bagay sa kanya ang clean cut na gupit napaka-manly tingnan. At ang maskulado niyang pangangatawan na batak sa trabaho. Isali pa ang height niya na parang tore sa taas. Maliit lang naman ako, nasa 5'3 lang ang height ko. Halos hanggang kili-kili lang niya ako.

Narinig ko si fanot na tumatawa na parang timang. Sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi naman ako pinansin.

"Hello, babe. Why you're so pretty?" Wika nito sabay kindat sa akin saka inakbayan ako. Napatingin naman ako sa kamay nitong ibabaw ng balikat ko. Mamaya niyan baka gumapang na papuntang dibdib ko nang hindi ko namamalayan.

Napahalukipkip ako kaya ang aking munting cleavage ay lumabas ng kaunti kasi kaunti naman ang laman niyon. Sinadya ko talagang gawin 'yon kung susulyap siya. May hinaharap din naman ako, pero hindi naman kalakihan.

Ma-testing nga itong kumag na ito. Ibinaba ko pa ang V-neck na t-shirt ko.

"Babe, your cleavage is showing. Cover it or else I'll be the one who covers it for you gamit ang mga palad ko." Pagbabanta niya sa akin.

Napatingin ako ng pa- inosente look saka ko siya inirapan. Wala akong nagawa kung hindi itaas ang neckline ko. Padarag kong inalis ang kamay nitong nakaakbay sa akin. Nagdadabog akong naglakad at iniwanan siya

Ayaw niya talaga sa hinaharap mo City. Maliit daw kasi at nakakahiya. Susog sa akin ng isip ko.

"Babe, ayoko lang na may ibang tao makakita ng cleavage mo na dapat ako lang ang makakakita niyan. At ako lang rin ang dapat makahahawak ng iyong flower." Napakunot noo ako. Anong flower? Well, alam ko ang flower pero ano ang konek sa akin?

"Ano'ng flower?" Napangisi si Kael sa tanong ko. Inginuso niya ang gitna ng mga hita ko. Iyon ba ang gusto niyang ipakahulugan sa pempem ko? Biglang nag-init ang mukha ko.

*****

DINALAW ni Mikael ang kanyang abuela. Matagal din bago sila nagkitang mag-apo. Dahil na din sa naging busy sa trabaho si Mikael madalang na lang silang mag-bonding.

"Hi, La!" Bati ko kay Lola. Plano kong mag-stay muna dito pansamantala habang nasa bakasyon.

"Hijo, buti naman pumayag ka na dito ka muna mag-stay. Nami-miss na kita, apo."  Malambing na turan ni Lola. Hinagkan ko ang noo niya. Mahal na mahal ko si Lola. Siya ang nagsilbing Nanay ko noon.  Mula ng mawala si Daddy si Lola na ang kasama ko. Dahil si Mommy noon palagi busy sa trabaho. Namatay sa isang engkuwentro ang Daddy ko. I was only 18 years old then. Parehong sundalo ang mga magulang ko. Although namatay si Daddy dahil sa pagiging sundalo niya. Hindi naging hadlang iyon para ipagpatuloy ko ang propesyon na pinangarap ko noong bata pa ako.

Nag-aral ako sa PMA para sundan ang yapak ng mga magulang ko. Nag-iisa lang akong anak kaya ang mga pinsan ko na ang itinuring kong mga kapatid. Halos magkaka-age lang kami at pare-parehong nasa linya ng pagsusundalo at pagpupulis.

"Malapit na ang birthday niyo, La. May ipapakilala ako sa inyo. You will like her." Masayang turan ko. Gusto kong formal na ipakilala si City sa pamilya ko.

"Siguraduhin mo apo na magugustuhan ko ang ipakikilala mo. Dahil last time na may ipinakilala ka sa akin hindi ko nagustuhan, masyadong maharot at maarte. I don't like it." Natatawa ako habang napapakamot sa ulo.  

Naalala ko ang huling naging girlfriend ko. I admit na may pagkamaarte iyon at masyadong clingy sa akin. Kahit nasa harapan ako ng pamilya ko kung makahalik at makalingkis ay walang kahiya-hiya. Kaya siguro ayaw sa kanya ni lola. My family is a conservative type of person.

Napangiti ako dahil hindi ko maiwasang isipin ang aking si City.

Copyright©2017
All Right Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon