Chapter 29

27.5K 736 32
                                    

Maaga akong umalis sa bahay upang puntahan ang pinangyarihan kung saan kami nagtago ni City.

Naisip ko ang asawa ko namimiss ko na siya. Hindi ko alam kung ano na ang hitsura ko. Wala na akong maayos na tulog kakaisip sa kanya. Hindi na ako makakain ng maayos minsan hindi na ako kumakain. Nag-aalala na sa akin lalo na si Mommy. Dahil pinababayaan ko na daw ang sarili ko.

Biniro pa nga ako ni Mommy. Hindi na daw ako macho dahil malaki talaga ang inihulog ng pangangatawan ko. Baka daw maturn off na sa akin si City dahil mukha na daw akong palito. Napapailing ako sa biro ni Mommy sa akin.

Pinaextend ko ang leave ko dahil kailangan kong mahanap ang asawa ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko ito natatagpuan. Inayos ko na ang mga dadalhin ko at lalarga na ako papunta ng Batangas.

Hinanap ko kung saan ang lugar na tinakbuhan ni City. Sinundan ko ang trail at inimagine ko kung saan ang posibleng lugar kung saan siya puwedeng magpunta.

Sa paglalakad ko nakatingin ako sa nilalakaran ko baka sakaling makakuha ako ng lead na makakapagturo kay City. May napansin akong mga bakat ng paa sa damuhan. Nakadapa na kasi ang mataas na mga damo.

Lumuhod ako para icheck. Napansin kong may isang basyo ng bala sa damuhan na nakadapa na. Kinuha ko iyon at tiningnan.

I think City used the gun. Tumayo na ako para tingnan ang possible na dadaanan nito. Medyo malayo layo na ang nilakad ko ng marating ko ang isang malawak na lupain. May mga fences sa paligid. Pinaliit ko ang mata ko  may nakita akong malaking bahay na nasa gitna ng lupain na may mga bakang nakakalat sa bandang pa south. May mga harang na fences ang kinalalagyan ng mga hayop. Nagpasya akong lakarin ang lugar magbabakasali na baka nandoon ang asawa ko.

NAKIKIPAGLARO ako sa anak ni Natie at Cliff. Ang ganda ng anak nilang panganay na babae.

" Baby girl stop muna tayo pagod na si Tita." Wika ko. Grabe ang hyper ng batang ito. She was 4 years old. May isa pang anak si Natie na 3 years old na lalaki. Buntis ito ng limang buwan kaya suma total tatlo ang anak nila. Baka maglima pa niyan sigurado.

Ako kaya?

Napanguso ako naiinis na naman kapag naalala ko si Mikael.

" Eat muna tayo Tita. I'm hungry" Binuhat ko si Natalia at pumunta kami ng kusina. Naabutan namin si Natie na nagbabake ng cookies. Nakita kong may nagawa na siyang mga cookies nakalagay sa isang bowl. Mukhang masarap. Kumuha ako ng dalawa at sinubuan ko si Natalia.

"Sarap, baby?" Tumango-tango ang cute na bata. Kamukhang kamukha ang ama. At iyong lalaki naman ang kamukha ni Natie. Baliktad yata.

"Nandiyan na pala kayo. Uminom muna kayo ng juice." Inilapag niya sa lamesa ang pitcher na naglalaman ng juice. Binigyan niya kami ng tig-isang baso at sinalinan niya ng juice.

" Salamat Natie. Ang galing mo naman magbake. Ang sarap! Ako hindi ko alam magbake walankasi akong oras para gawin ito. Busy sa work. " Sabi ko sabay subo sa cookies.

" Don't worry tuturuan kita habang nandito ka sa amin." Napangiti ako. Like ko yun.

Napalingon kami ni Natie nang pumasok sa kusina ang isang katulong.

"Ma'am Natie, mayroon pong tao sa labas hinahanap po ang may-ari ng bahay." Wika nito. Lumabas nang kusina si Natie at pinuntahan ang tao sa labas.Sinundan ko siya kasama si Natalia. Nilakad namin ang mahabang driveway. Parang hindi naman driveway ito parang lakaran sa park.

Nakita naming ang isang lalaking  nakatalikod may nakasukbit na backpack sa likod. Parang maghahiking ang lalaki.

"Excuse me Mister, ano pong kailangan nila?" Tanong ni Natie. Dahan-dahang lumingon ang lalaki. Parang tumigil ang inog ng paligid. Halos panlakihan ako ng mga mata. Si Mikael lang naman ang lalaking nakatayo sa may harapan ng gate. Oh my god! Hindi maari ito! Isip-isip ka City. Biglang may naisip akong paraan.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon