Back to normal❤️❤️

4.8K 149 1
                                    

Chapter 18
Keen's PoV

-school-


"Alam mo sabi sa akin ng moon na may natulog daw sa tabi niya, singganda siya ng mga bituwin sa langit, at sabi niya ay ang pangalan niya ay Keen" pang aasar na naman ni Zirco

"So mukha akong bituwin? Na may limang side?" Tanong ko sa kanya at umirap

Mukha naman siyang nabad trip

"Haaay.... Pwede ba akong manligaw??" Tanong niya na seryoso ang mukha

"Ligawan mo ang sarili mo" wika ko at itinulak ang mukha niya gamit ang isa kong kamay


May problema ba siya??

At nagsmile siya

"Wala akong problema, naghihintay lang ako sa matamis mong oo" wika niya at nagflying kiss

"Eeww"

(Skip time)

"Lunch time!" Sigaw ni Zirco


Nag aayos ako ng gamit na may kamay na nakapatong sa balikat ko

"Alisin mo ang kamay mo, di mo ko patungan" sambit ko at tumawa lang siya

"May kamukha ka sa kagrupo ko" wika niya na tumatawa

Tumigil naman ako sa pag-aayos at tiningnan siya

"Si James!" Sigaw niya

Kamukha ko ba talaga siya? Ano saan banda?? Ilong ba?? Hindi naman siguro sa bibig liit kasi ng sa kanya


"San banda?? Gwapo ni James" sambit ko at tinuloy na ang ginagawa

"Ammm... Paran mata.." Sagit niya sa akin


"Baka malabo lang mata mo, sa dami ng babae, sa akin ka pa lumalapit at nakikipaglandian" wika ko

"Kasi ilaw lang nagkasya sa puso ko" sagot niya at kumindat

"Ahh huhuhu, baduy mo!" Sigaw ko at dali daling umalis




Zirco's PoV

Nung tinanong niya ako saan banda niya kamukha si James?? Ang isasagot ko sana papa ehh, malabo naman na magkamukha sila, baka pareho sila ng hugis ng mata at sinkit pero hindi sila magkamukha, yaya lang si Keen sa kanila no!


Keen's PoV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, pero iniisip ko na kamukha ko ba talaga si kuya??

Syempre normal lang naman yon, magkapatid kami ehh..


At may nakabangga ako bigla


"Ouch!" Sigaw ko dahil ang tigas ng dibdib! Parang pader na ehh. "Bat may pader dito?" Sugaw ko sa inis


"Pader?? Sa gwapo kong to nagmumukha akon pader?? Are you blind miss??" K-kuya

"K-kuya este James! Sorry" wika ko at umalis at tumakbo


Ang cool ng kuya ko




Hanse PoV

Ngayon ko palang nakita si Keen ng malapitan, since ng palagi kaming nag-aaway at di sya pinapansin.


-canteen-

Umupo ako sa tabi ni  James na nakikipaglandian sa girlfriend niya.

Nakakainis na sila.

"Uyu nandyan na pala ang kuya ni Keen" sambit ni Zirco


"Ano?! Kuya ni nerd? Sus, hiling niya, yuck!" Sigaw ko sa inis


Kung pwede lang syang itapon, tatapon ko na siya ehh


"Bakit?" Tanong ni kuya


"Kamukha niya kasi si Keen ehh" sagot ni Zirco

"Oo kamukha niya talampakan ko" biro ko at tumawa

Ngumisi lang si kuya at kumain.



"Kumusta na pustahan?? Ano di pa rin ba nagsisimula?? Ilang linggo na to ahh" wika ni boss

Nagsmirk naman ako at tumingin kay Zirco


"Umaandar na, sadyang mabagal lang talaga, hirap niya kasing kunin, panget lang" sagot ni Zirco




"O baka naman nage-enjoy ka nang asarin siya?" Pang aasar ni Rob


"Isa ka rin no? Sali ng sali" naiinis na sabi ni Zirco




Ilang oras ay tapos na ang lunch, gaya ng dati, woopp!! Scape!


Nasa labas ngayo ako at nagyo-yosi

Pustahan??

-
-
-
-
-
-
-
Nakarating ako sa bahay ng maayos at walang dumi. Pinalitan ko ang damit ko at bumaba para maglaro ng video game. Ilang oras ay dumating na rin si kuya



"Scaped?? Hindi mo ba alam na isa sa atin ang magiging tagapagmana ng kumpanya?? Kung ayaw mo ng magandang buhay, di wag. Bastat ako magiging owner ako ng isang company na sikay dito sa Pilipinas, tuldok." Sambit ni kuya


"Haba ng sinabi, nagmamayabang lang pala" wika ko ng di tumitingin sa kanya


At napansin ko pa siyang umirap

Ilang oras ay dumating na si nerd


"Uuyyy... Nerd, may pinagmanahan ka rin pala sa akin no?? Dapat nag pa plastic surgery ka, baka pagkamalan nilang kapatid kita" wika ko at tumingin sa kanya


"Kapatid naman kita, hindi lang nila alam" sagot niya at umakyat sa kwarto.


Minsan talaga ang weird niya

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora