Zirco is back❤️❤️

3.9K 104 0
                                    

Chapter 60
Keen's PoV


Nandito na si Zirco.... Nandito na siya!! Akala ko magiging masaya ako kaso mas nalungkot ako ng makita ko ang gf niya. Para siyang dyosa....


"Tahimik mo ahhh" saad ni Psycho na sa ngayon ay nagd-drive. Hinawakan niya ang kamay ko na nakatingin pa rin sa daan

"Pano naman kasi ang ganda ng gf ni Zirco" reklamo ko sabay pout

"Ngayon?"

"Ngayon napagisip-isip ko, pano kung makahanap ka ng k-kagaya niya, edi iiwanan mo na ako" pagsisinungaling ko


"Haha hindi no, mas maganda ka sa kanila. Ginayuma mo ata ako ehh!" Sigaw ni Psycho sabay tawa


"Hindi ahhh!" Sigaw ko naman at nakitawa na rin

-
-

Kinabukasan....


Nagbibihis ako ng marinig ko ang busina ng sasakyan ni Psycho. Bumaba muna ako kahit naka-short pa ako.


"Mama papasukin nyo muna po si Psycho!" Sigaw ko at pumasok na sa kwarto.


Buti ngayon ay natuto na akong tawagan silang mama at papa, dati kasi sir at ma'am ang tawag ko ehh

Ilang minuto ay tapos na akong magbihis at inayos ang buhok ko. Naglagay ako ng slight na lip-tint at bumaba na dala-dala ang bag.


"Tara!" Sigaw ko at hinila si Psycho palabas ng bahay. "Una na po ako ma!!" Sigaw ko

"Ingat anak!" Sigaw naman ni mama na sa ngayon ay nasa kusina.

Sumakay na kami sa kotse ni Psycho at pinaandar niya at umalis na kami.


"Uuuyyy Psycho...." Tawag ko kay Psycho. Pero hindi man niya ako magawang tingnan "Psycho" sigaw ko ng medyo mahina... Pero wala pa rin. "Psycho!" Sigaw ko at ayun humarap na siya


"Ahh o-okay sige" sambit niya lang bigla. Tiningnan ko naman siya na nalilito


"Baliw ka ba? Anong okay?" Tanong ko sa kanya


"A-ano ulit yung sinasabi mo?" Tanong niya pabalik


"Ang gusto ko lang namang sabihin ay punta tayo sa coffee shop mamaya kauwi" saad ko.  "Kaso lang hindi ka nakikinig" sabay pout


"Sorry na may iniisip lang..." Mainahon niyang sabi. Tinignan ko naman siya ng pasikreto at nagsmile ako ng makita ko siyang seryoso


"Ayos lang. Di kita matiis" wika ko at yinakap ang braso niya. Ng tiningnan ko siya ay kumindat siya at nag-flying kiss pa


"May paflying kiss ka pa ahh.." Sambit ko sabay tawa


"Hindi yun flying kiss..." At nagpout ako. "Halik copter kasi yun ehh" saad niya at kumindat ulit


Pinipigilan ko lang tumawa ngayon, pero ang corny niya ><

-
-

Ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Pagkarating namin dun....



"KYAH!!!! OPPA!!!!" Sigaw lahat ng mga babae

"OPPA!!! BALIK KA NA LANG DITO!!! MISS KA NA NAMIN EHHH!!!!!"


Nakakarindi na =_=

Pero ng dumating si Psycho, ayun nakalahati yung mga babae at pinuntahan si fafa ko..


"OPPA!!! OPPA PSYCHO DATE MO NAMAN AKO!!!" Sigaw ng isang babae at ang dami pa nilang sinisigaw. Wala akong magawa kungdi magtago sa likod ni Psycho at linagay ang mukha sa likod niya at yinakap, pero yung di hulata ahh

"Haha, sorry girls pero may girl na ako ehh.." Saad ni Psycho, rinig na rinig ko ang sinabi niya. M-may girl na siya ehh..  "And that is Keen, she is my girl" at pagkatapos nagtigilan na silang sumigaw at ramdam ko ang tingin nila sa akin.


Bigla na lang ramdam ko ang malambot na kamay ni Psycho sa palad ko at hinila niya ako papasok sa school. Kaso lang...


"Sandali lang!" Sigaw ni Zirco na nasa likod namin. Hindi niya kami tinitingnan pero nakatingin siya sa mga babae


"I'm just here to visit my hometown, and I will come back to LA. And... I just want to tell you that this girl in front of me... Is my girl, and she. Is. Mine" saad ni Zirco at ramdam ko na tinitingnan niya kami, pero parang hindi ehh.. At parang nadurog ang puso ko. May sakit na ba ako??

"Let's go" cold na wika ni Psycho at umalis na kami

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now