First day of... Camping❤️❤️

4.6K 130 1
                                    

                    Chapter 21
Keen's PoV


(Comping)

Maaga akong gumising dahil sabi nila ay 5:30 daw aalis ang bus. 4:00 akong gumising dahil nagluto pa ako dahil 1 week nga wala sina mama at pala pati na sina manang.


Naligo ako pagkatapos kong nagluto, pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang susuotin ko, black pants, white t-shirt na may pangalang 'Keen' na maliit sa likod, at rubber shoes na kulay white. Bumaba ako ng kwarto para kumain, pagkakita ko sa lamesa... Ubos na ang pagkain


"Ugh!!!!! Limang itlog na ang linuto ko naubos niyo pa!!! Nagtira naman sana kayo!" Sigaw ko


"Haha.. Suits you" wika ni kuya James na nakasmirk na papasok na sa kwarto para maligo


Maaga akong umalis dahil usapan nami nina Maye at Rose na 4:45 ay nandoon na kami sa school para naman magkakatabi kami.


Nagdala lang akong isang bag-pack at isang shoulder, 3 days lang naman kami doon ehh


Pagkarating ko sa school ay medyo may tao na rin, nakita ko ang mga kaibigan ko at pinuntahan sila


"Good morning" bati ko

"Morning!" Bati nilang lahat


Sabay sabay kaming pumasok sa bus pero pinigilan kami ni teacher.... Fan ni Zirco

"Maye and Rose, hindi ba sa ibang grupo kayo?? Si Keen ay kagrupo nina Ion at Zirco so dapat sila ang magkasama, ikaw naman Keen hintayin mo sina Ion at Irene wala pa sila" sambit ni ma'am


So si Zirco nandito na?? "Si Zirco po?" Tanong ko kay ma'am

At bigla na lang. "Morning my tomato!" Bati ni Zirco na nagtatago sa likod ni ma'am

Nauna nang sumakay ng bus sina Maye habang ako ay naiwan kasama si Zirco

Zirco's PoV

Pagkagising ko ng maaga ay hindi ko alam kung bat si Keen ang pumapasok sa isip ko, dapat ay si Irene ehh!


Naligo ako at nag-isip ng malalim, naisip ko ng bumili kami ng ice cream ni Keen, kung pano nun siya ngumiti.

Hindi ko alam pero nagsmile ako sa mga pang aasar niya sa akin....

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako, nagsuot ako ng black pants, white shirt na may 'Zirco' na maliit sa likod at nagsuot ng black na converse.


Umalis na ako at pagkarating ko doon

Ay pinakausapan ko si ma'am na katabi ko na lang si Keen dahil katabi niya ang mga kaibigan niya, sa isang kondinsyon daw sabi ni ma'am, ikikiss niya ako sa.... Lips.

Di ko alam bat ako pumayag. Ayon 10 seconds ang tinagal

Nang hindi na niya ako nakita ay pinunasan ko ang labi ko sa panyo na dala ko at itinapon ang panyo.


Lumapit ako sa bus kung nasaan si Keen at nagtago ako sa likod ni ma'am gusto ko siyang isurprise.

"Moning my tomato!" Bati ko sa kanya


At nabigla sya


Bumaba siya sa bus at naghintay kami sa labas.


Tiningnan ko siya at pumunta ang mata ko sa damit niya. Magaling siyang pumorma, pero hindi yon ang gusto kong malaman ehh, tiningnan ko ang damit niya at ng mapansin niya ako ay tiningnan niya rin ang damit ko.


Namula siya at nabigla, nagtataka ako kung bakit.


"P-pareho tayo ng damit!! Bakit?!" Sigaw niya


Ngayon ko lang to napansin ahh.

"Ahh oo nga no! Haha what a coincidence" at nagsmile ako

Namumula pa rin siya ako. Tiningnan ko siya mula sa likod at nakasulat ang pangalan na Keen.

Keen.....


Ilang oras ay dumating na sina Ion at Irene. Pero si Irene ay tumabi kay Hanse, habang si Ion ay hindi papayag na masolo ko si Keen


Keen's PoV

Ngayon ay nagsisisi ako na sinuot ko ang damit ko. Pagkarating nina Irene at Ion ay iniwan na kami ni Irene dahil nga uupo siya sa tabi ni kuya Hanse habang pagdating ni Ion ay inakbayan siya ni Zirco at nauna sila sa akin

Nakatingin lang ako sa damit ni Zirco na Zirco lang ang nakalagay sa likod

Zirco......


(Bus)

Nasa tabi ako ni Zirco sa tabi ako ng bintana, habang si Ion ay nasa tabi ni Zirco


Ang ingay nila. Kahit na may headset ako ay ang ingay-ingay pa rin nila.


"Uuuy Keen magsalita ka naman dyan ohh" pang-aasar ni Zirco

"Huwag mo na lang akong kausapin" sambit ko


Ilang oras ay gusto ko ng pumunta sa dreamland ko hanggang sa pumikit na ako

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now