Friends❤️❤️

4K 116 3
                                    

                   Chapter 67
Keen's PoV


Hindi ko alam ang gagawin ko, pangalan ni Ion ang narinig ko. Siguro alam na niya na nagka-amnesia ako, kaya siguro siya tumatawag.


"May problema ka ba Ion?"


"Wala. Tumingin ka sa bintana mo"


Bumaba ako sa kama at tumingin sa bintana. Nandoon si Ion na may dalang bulaklak. Kinabahan naman ako dahil baka... Alam mo na.

Bumaba ako at pumunta sa labas ng bahay.  "Ba't ka napadalaw?"


"Gusto ko sanang ibigay sayo to. At kapag tinanggap mo ang flowers that means start na ako sa... Alam mo na, panliligaw sayo" saa niya na may smile. Nabigla naman ako sa sinabi niya at tiningnan ko siya sa mata.


Nabawian ang ngiti at naging malunkot siya. Pero ngumiti ulit ng makita niyang nag-aalala ako.   "Sa mga mata mo pa lang alam ko na kung anong sagot. Naintindihan ko naman ehh, kaso lang di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung dapat ba akong maging masaya dahil magkaibigan tayo? O dapat ba akong maging malungkot dahil hanggang dun na lang tayo?" Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko


"Pasensiya na Ion but I think hindi tayo ang meant to be, sorry...." Sambit ko at yumuko


"Ayos lang Keen, ayos lang ang 
ako but I think yung puso ko hindi okay kaya aalis na ako. I need to fix my heart" at umalis na si Ion pero bago yun tinapon niya yung bulaklak na dala niya. Sorry Ion pero hindi talaga ako para sayo, magkaibigan na lang tayo.







2 months....


*ring~!!!!*


Lunch time again. This time malungkot ang lunch ko, wala akong kasabay. I don't know kung nasaan na si Psycho, I think galit pa siya sa akin matapos ang lahat ng ginawa ko. Si Irene, ayun hindi pa pinatapos ang pag-aaral pero model na siya ngayon. Si Zirco, famous CEO and model na siya, kasama niya si Khim, yung fiancé niya. I think nga nakapagmove on na siya sa akin, pero ako I think so..

3 weeks na lang ang klase, tatapusin ko na, para may trabaho na ako as a CEO of our company. Napangiti naman ako sa naisip ko. Si kuya Hanse kasi gustong magkaroon ng sarili niyang bar habang si kuya James blogger na siya ngayon. And pinatawad ko na sila, hindi dahil naaawa ako, dahil mahal ko sila.


Bigla ko na lang naisip, bakit hindi ko na lang imbitahan si Lee na sumabay sa akin? Para naman may makausap ako.

Pumunta ako sa room ni Lee ngunit wala siya. May lumabas na isang classmate niya at naisipan kong magtanong


"Si Lee?" Maiksi kong tanong


"Ahh siya? Sabi ng adviser namin nasa hospital siya" sagot naman ng babae na napagtanungan ko


Ba't nasa hospital siya?? Magaling na si Psycho so wala ng pupuntahan sa hospital, pero bakit siya nandito?  "Okay.. Salamat" at ngumiti ako at umalis na. Anong life ba 'to? Wala akong makakasama sa school. Tapos natandaan ko na may Rob pa pala ako! Hehhe... Tumakbo ako papunta sa room niya at aha! Nakita ko siya.


"Rob!" Sugaw ko at nakita niya ako, napangiti siya at tumakbo papalapit sa akin.


"Keeeenn!!" Sigaw niya at yinakap ako.

"H-hindi ako makahinga.." At binitawan niya ako ng marinig niya yon. Dumaretso kami sa cafeteria na nagkwe-kwentuhan hanggang sa makahanap na kami ng mauupuan hanggang sa pumunta kay Zirco ang pinaguusapan namin


"Kumusta puso mo?" Tanong sa akin ni Rob

"Maayos naman. Sabi niya nakapagmove on na daw. Eh ikaw kumusta love life mo?" Tanong ko pabalik sa kanya. Curious lang ako wala pa siyang girl ehh.


"Ha?!" Mukhang nabigla pa siya ahh. "Hindi ko rin alam kung ano ng nangyari, sa tingin ko kasi hindi ako mahal ni girl" malungkot niyang kwento


"Sino ba ang girl na yan?" Tanong ko sa kanya



"Baka pagsabi mo.." Mukha pa siyang nagtatampo ahh


"Syempre dapat kong sabihin. Malay mo gusto ka rin pala niya!" Sigaw ko, lakas ko talagang makatrip ><

"Si Lee! Si Lee yung girl!" Sigaw niya. Ahhh yung kapatid ng ex ko wahhh!!!!

"Ahhhh!!! Si Lee yung type mo! Mabait yun! Maganda, matalino, fearless, sexy! Lahat!" Sigaw ko at nagsmile sa kanya



"Pero... Hindi ko na siya nakikita ehh" at nalungkot naman ako sa sinabi niya.


"Hayaan mo. Mamaya pupuntahan natin siya. Huwag mawalan ng pag-asa!" Sigaw ko at tinapik tapik pa siya.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now