The last❤️❤️

5.5K 121 3
                                    

                    Chapter 100
Zirco's POV

Nasa hospital ako ngayon at kakagaling lang sa company. Ako muna kasi ang humawak since natutulog pa ang mahal ko.

"Good evening love. Sorry na late ako. Medyo maraming works ehh" nakangiting saad ko kay Keen. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at hinalpos ito.

"Alam mo pagkarating ko sa LA non, pagpasok ko sa office, ine-schedule ko na yung proposing ko sayo, na sana gaganapin sa school natin at last month dapat yon. But wala ehh. Na-delay... Haha. Siguro sa susunod na lang."

Alam kong para akong tanga na kumakausap kay Keen ngayon, who cares? Naririnig naman niya ako ehh. Natutulog lang siya, yes... Natutulog lang siya..

Biglang pumasok si tita (mama ni Keen) na may dalang pagkain. Binati ko siya at nginitian at ngumiti naman siya pabalik

"Good evening baby, kakain muna kami ng fiancé mo dito ahh? Gutom na to panigurado" napangiti ako sa inasal ni tita kay Keen. Akala ko ako lang ang kumakausap sa kanya. I thought ako lang ang nakakalam na natutulog lang si Keen. 

-

"Tatanggalin na po namin ang life
support na nakalagas sa pasyente" halos tumigil ang mundo ko ng sabihin yun ng doctor. Tumingin ako sa kanya at kinwelyuhan siya

"Are you insane?! Hindi pa patay si Keen, so please, STOP MAKING FUN OF ME!" Sigaw ko sa kanya. Pinigilan naman ako ng mga kasama ko.

"Stop it Zirco. Pinirmahan na nina mama ang kontrata, we need to let her go..." Humihikbing sabi sa akin  ni James.

Ganon ganon na lang?  "No... I promise her that I will wait for her, promises are meant to be unbroken, right?" Napahagulgol na lang sa dibdib ko si James ng sabihn ko iyon, number one motto iyon ni Keen ehh.

"We need to let her go. Hayaan na natin siya..." Bulong naman ni Hanse saka lumapit sa amin ni James. Napangiti na lang ako ng mapait at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

I'm sorry Keen, I broke my promise.

Nakatingin lang ako sa mga kaibigan ko na isa-isang nagpapaalam kay Keen. Really? Napayuko na lang ako dahil ayoko munang mag-paalam.

"Zirco, its your turn.." Bulong sa akin ni Rob na nagpagising ng diwa ko. Tinanguan ko siya at lumapit kay Keen at umupo.


"Alisin niyo na yung life support" utos ko sa mga nurse na nasa loobng room ni Keen dahil wala naman akong balak magpaalam sa kanya. Pero napaiyak na rin ako dahil sa mga humihikbing mga kasamahan ko.

"Look at them, Love. They are crying. Kahit wala na talaga umaasa pa rin ako na gigising ka... Please.." At yumuko ako at umiyak na lang. Yun na lang ang tanging magagawa ko ngayon ehh. Should I say good bye to her? Napayuko na lang ako umiyak. "Good..."

 

"STOP!!" Tumingala ako para tingnan si Carlo na sumigaw. Nakakunot lang ang noo ko, pero suya nakangiti na parang tanga. "Gumalaw ang kamay ni Keen. I really saw it!!" Sigaw niya, ng mapunta sa akin ang tingin niya doon ko nalaman na umiiyak siya. Tumingin ako kay Keen a nagulat ako ng...

"Playboy..." Bulong ni Keen sa akin. Halos lumabas na ang mga mata ko sa sobrang laki na ngayon, nakatingin lang sa akin si Keen habang nakangiti na may tumutulong luha. This is... Miracle!!

"You came... You do.." Hinalikan ko siya sa noo pagkasabi ko non. Lumapit naman ang dalwa niyang kapatid sabay yakap. Ngayon ko palang sila nakita ganito kasaya. Halos gilagid na rin kasi ang nakikita ko kay Hanse habang si James sobrang liit ng mata na halos hindi ko na ito makita.

I'm happy... So happy!

Keen's POV

"I'd like to stay..." At tiningnan ko sa mata si Lee, nakangiti lang ito sa akin.  "But I'd love to come back" dugtong ko na mas lalong nagpalawak ng ngiti niya. I made a right choice. Gusto ko pan makasama si Zirco..

-
-
Zirco's POV

"You may now, kiss the bride" saad ng pari kaya dahan-dahan kong tinanggal ang belo ni Keen at hinalikan siya. At sabay naman an paghiyaw ng mga kaibigan ko at palakpakan ng iba.

Matapos ang aksidente, nag-propose na ko sa kanya at pinatunayan na hindi lang arranged ang kasal namin, I really love this girl. She's now 3 weeks pregnant.

Pagkatapos ng kasal dumaretso kami sa reception. Halos gamit ng baby ang gift ng mga bisita kaya tuwang-tuwa si Keen na nandito sa tabi ko. Sana lalaki yung baby kasi ang pinaglilihi niya ngayon ay si Psycho! Nakakainis.

"Keen anong gusto mong--" at pinutulan niya ako ng salita.

"Nasaan si Psycho?" Tanong niya sa akin kaya pinanliitan ko siya n mata. Niyakap niya ako sa bewang at nagmakaawa.  "Don't be jealous. Hinahanap ko si Psycho kasi hindi ko pa siya nakikita ehh. Hehe oo ganun..."

"Nakita mo lang siya kanina Keen, haay naku. Nandito naman ako pero ba't parang siya yung hinahanap mo. Sabihin mo nga, sinong mas gwapo, sexy at mabango sa aming dalawa?" Pagtatampo ko.

"Ikaw! Pero sa ngayon si Psycho muna." -_-

"Okay! Si Psycho kasi! Sa kanila ka na lang matulog, maging third wheeler ka sa kanila ng fiancée niya" at bigla niya akong kinurot sa tagiliran ko.   "A-aray! Keen aray!!"

"Ganun? Sa banyo ka matutulog! Hanggang bukas!!" Lagot na!

Kinausap na ako ni tito dito ehh. Ang sabi niya wag na wag mong sasabihing mataba ang buntis dahil patutulugin ka niya sa banyo. At wag mo rin siyang galitin dahil baka hindi ka na makakain.

"Ikaw Zirco ahh? Baby tingnan mo, inaano ako ni dady" saad niya habang hinahaplos ang tiyan niya. Lumapit ako sa tiyan niya at hinalikan ito.

"Baby sabihin mo sa mommy mo. Mas gwapo pa si daddy kaysa kay tito Psycho ahh? Maramin abs si papa. H'wag kang mag-alala bibigyan kita..."

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now