Food❤️❤️

4K 106 1
                                    

                  Chapter 82
Keen's POV



Paggising ko sa umaga. May nagtext na agad sa akin. Si Ana. Kailangan ko nang pumasok. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng formal lang. Pagbaba ko, nakita ko doon si Zirco na nagluluto, may suot siyang black na sando at nakashort lang. Grabe yung katawan niya. Afff!!!



"Morning" bati niya sa akin at nagsmile


"Morning. Anong linuluto mo?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko at.... Itlog?! Na sunog?! Nu ba yan!

"Ah-ammm. Hindi na ako makakakain dito dahil kailangan ko ng pumunta sa office, they need me" saad ko na may lungkot sa boses. Syempre, pinagluto niya ako ng pagkain, sa tingin ko nakaka 5 try na siya sa dami ng egg shell na nakita ko. Nakokonsensiya tuloy ako



"Ahhh ganon ba..? Okay... Pero please ako ng bahala sa lunch mo, please please" pagmamakaawa niya sa akin. Bat biglang naging protective to, hindi naman ako buntis ahh. Tinawanan ko lang siya at sumagot



"Okay. Okay. Pero dagdagan mo yung linuto mo dahil papakainin ko pa yung anak ko" saad ko na may ngiti. Nagtaka naman siya sa sinabi ko.   "What I mean is si Rob, mama na yung tawag niya sa akin. Nakakatawa nga ehh" sambit ko at tumawa


"Sino naman yung tatay?" Biglaan niyang tanong


"Edi ikaw!" Sigaw ko, tiningnan ko naman siya na nakangisi, at doon ko na-realize yung sinabi ko.  "What I mean is si Carlo, oo si Carlo"



Pakatapos nun umalis na ako papunta sa building. Hindi pa naman nagwawala yung tiyan ko kaya sa tingin ko ayos lang na hindi ako kumain. Pagdating ko doon, lahat sila binati ako at binati ko naman sila pabalik. Pagpasok ko sa office ko sinalubong ako ni mama.



"Ma!" Sigaw ko at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik, namiss ko ang abnormal kong mama, sa kanya siguro ako nagmana.


"Anak.... Sorry kung naabala kita ahh. Gusto ko kasing makipagkwentuhan sayo" wika ni mama na may ngiti


"Oo naman, ma. Upo ka muna. You want coffee?" Tanong ko sa kanya na may smile



"No thank you" at umupo ako sa tabi ni mama.   "Ahmm.. How are you with Zirco?"



"Uhh ayos lang, he's kind" sagot ko sabay smile. Mabait naman siya ehh, masarap kasama, at caring.



"Well.... Siguro, next week magt-trabaho na siya dito. Hindi ba sabi ko sayo noon, business partner ng papa mo si Mr. Avero?" Tanong ni mama sa akin, tumango na lang ako.



"Pero ma, kung business partner nyo sila.... Bat hindi sila maki-cooperate sa atin?" Tanong ko kay mama with worried eyes



"Dahil kasi sa nangyari sa inyong dalawa ni Zirco. Nung nalaman ng mama niya na nagka amnesia ka, pinutol niya muna yung samahan, because we aren't sure kung yung wedding ay matutuloy." At tumango na lang ako. "And one last thing darling, natatandaan mo ba yung pinangako mo?"



"Tungkol po saan?" Tanong ko kay mama na nalilito, pinangako ko?


"Yung gumagawa tayo ng strawberry cake?" Ahhh yon!





"Opo! Yung magiging honest ako sa mapapangasawa ko" sabi ko pero napahina sa 'mapapangasawa ko'




"Hindi ba, promises are meant to be unbroken, motto ng family" sambit ni mama. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya. Nagsinungaling ako kay Zirco na boyfriend ko si Carlo.



"Sorry about that ma. Pero sasabihin ko rin kay JinJin about yon" wika ko sabay smile. Ilang oras umalis na si mama, at nagsimula naman akong magtrabaho.



It's really hard to be a CEO, sometimes may business trip kami at pagkauwi ko ay work na agad ang inaatupag ko. Ngayon ko palang nalaman na ang hirap pala ang trabaho nina mama at papa.



11:00 na. Pero nonstop pa rin ang trabaho ko. Pero dumating naman si Rob, nakaka-baliw na nga ehh, kasi dapat ehh sa school siya nagl-lunch pero may kaya pa siyang pumunta dito



"Nasaan si Ana?" Tanong niya bigla pagkarating niya



"Hindi muna pumasok si Ana, si Carlo muna ang makakasama nating kumain" saad ko na nakaharap pa rin sa laptop ko



Hindi naman makapagsalita si Rob, ilang minuto ay dumating si Carlo at naging maingay ang office ko. Pero natahimik si Carlo ng dumating si JinJin, nagpakalalaki na naman siyempre.



"Eto na yung pagkain" sambit ni Zirco na may ngiti. May dala siyang adobo, grabe mukhang masarap ahh



"Wow naman!" Sigaw ko na prou na proud kay JinJin


"JinJin, sinong nagturo sayong magluto?" Tanong ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.  "What I mean is, Zirco, sinong nagturo sa iyo?" Tanong ko ulit



Inangat naman niya ang ulo niya at sumagot.   "Secret...." Yan lang pala ang isasagot niya..




Kumain na kami at sa ngayon kasama ko yung dalawa, ang tahimik nga nila ehh.


"Grabe ang sarap nito ahh!" Sigaw ni Carlo na may pagka-gay ang tono ng pananalita.  "What I mean is masarap" he said and clear his throat. 



"Sya nga pala, may dinner tayo bukas kasama si Khim, Keen, wag kang mawawala ahh?" Pagyayaya ni Zirco. Tatanggi ba ako? Pero magmumukha naman akong OP ehh.



"O-okay" pumayag naman ako para wala na lang silang masabi.



"Sama ako!" Sigaw naman ni Carlo, tiningnan naman siya ni Zirco na may pagkadismaya




"Hindi pwede!" Sigaw ni Zirco and I just chuckled.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now