Pagbabalik..??❤️❤️

4.1K 112 5
                                    

Chapter 66
Keen's PoV


Ng wala na ang mga paparazzi at sina Zirco sa tabi ng kotse ko, tumakbo ako papunta doon, at dali-daling nag-drive. Naisipan kong puntahan si Psycho, sa kabila ng lahat boyfriend ko pa rin siya. Pero tatapusin ko na ang lahat na namamagitan sa aming dalawa.



Ng makarating ako sa hospital ay pumunta ako sa kwarto ni Psycho, nagdala ako ng prutas sa kanya, at coffee din. Mahilig siya sa kape ehh. Pagkarating ko doon, papasok na sana ako ng may narinig akong nag-uusap. Naisipan kong huwag munang tumuloy pero ng marinig ko ang pangalan ko naisipan kong makinig muna




"I really love Keen pa! Wala akong magagawa kung yun ang gusto ng puso ko! I don't. Want. To. Marry. Irene!" Sigaw ni Psycho


"What the hell Psycho! Minsan hindi lang puso ang puro pinapakinggan mo! Pati ang isip rin Psycho! You have to marry Irene or else titira tayo sa daan kasama ang mga pulubi!" Sigaw ng tatay ni Psycho, I guess. "Ayaw mo naman sigurong mamatay si Lee diba?"


Si Lee? Bat siya mamamatay? Alam ko sensitive siya pero... Hindi ko gets.


"Once na hindi natin napagamot si Lee, she will die. Tandaan mo Psycho, walang taong nakaka-survive sa sakit ni Lee!"



Ramdam ko ang pag-sob ni Psycho. Ano bang meron kay Lee?


"Pero... Pa..."

"No buts no ifs!" Sigaw ng papa ni Psycho at huli na ng malaman ko na nasa harapan ko na siya. "Keen Fanugon, you ruined my son's life" sambit ng papa niya at nabigla ako sa lahat ng mga salitang binitawan niya.


Pagkatapos ay umalis na ang papa ni Psycho, pumasok naman ako sa loob ng kwarto at isinara ang pinto.

"Hi...." Mangiyak-ngiyak kong bati kay Psycho


"Nandito ka para sabihin mong, break ng tayo no?"


"Psycho, hindi ganon kasimpli na habang natutulog ang tunay na ako ay may mahal akong iba at kapag nagising ako nakalimutan ko na siya.... Lahat ng pagmamahal ko sayo hindi iyon peke. Pero I think, we need to break our relationship. Kalimutan mo na ako, mahalin mo ang pamilya mo" saad ko at ilinagay ang mga prutas sa isang mesa at umalis na nagluluha.


Pauwi na ako sa bahay ng makita ko ang isang ice cream store. Ang ice cream store kung saan kami palagi ni Zirco, memorable place to para sa akin. Dito nabuo ang lahat pero nag-iwan ng isang napakasaklap na trahedya.



"Haaay, ngayon ko palang naisip na ang sarap umasa. Lasang tanga" bulong ko sa sarili ko.


Ng nasa bahay ako, ay nakita ko sina mama at papa na nasa sala at nanonood, ng makita nila ako ay nginitian ko sila at pumasok na sa kwarto ko.

Siguro ito yung time para makaagisip na ako. I think yung buhay talaga ay parang puzzle ehh, hindi ko kailanman maiintindihan. Nung narinig ko ang pinaguusapan ng papa ni Psycho at siya, napaisip ako, anong kinalaman ni Lee doon??


At pati ba naman si Irene pumapasok sa gulo, kahit kailan talaga kinamumuhian na ako ng babaeng yon. Habang nakahiga ako sa kama at nag-iisip narinig ko ang phone ko na nagvibrate. Kinuha ko ito at tiningnan kung anong meron. May tumatawag sa akin. Numero lang ang nakikita ko walang pangalan, naisipan ko na itong tawagan baka kasi importante

"Hello"

"Hello Keen, si Ion to.."

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now