Plan❤️❤️

3.9K 98 5
                                    

                     Chapter 54
Keen's PoV

4 weeks later....

Ang hirap pala na wala sa tabi mo yung matalik mong kaibigan. Umalis siya ng may paalam oo, pero hindi ko alam. Namiss ko tuloy yung tawa niya, namiss ko tuloy yung pagiging makulit niya. Huhu bat ang drama ko ngayon?? :(



Nasa room na ako ngayon. Simula nung nawala si Zirco parang naka-adjust yung orasan ko. Kase pagpasok ko sa school wala pang tao, yung mga president yung mga nakakasabay ko. Pero yung president namin yung pinakauna, pinakauna sa listahan ng mga nale-late.

Hanggang sa padami na ng padami ang dumarating na istudyante hanggang si Psycho na.

"Good morning" bati niya at nagsmile ako

"Morning"

"Parang matamlay ka ahh, hinahanap mo siguro ako no?" Nakalimutan ko palang sabihin, nanliligaw na si Psycho saken, haba ng hair ko. Natalo ko si Rapunzel at Raponzel, hehe.

"Hindi no!" Sigaw ko at tumawa. Nalulungkot ako dahil wala si Zirco pero masaya naman ako na nandito si Psycho

"Mamayang kauwi libre kita ng ice cream, gusto mo??" Tanong sa akin ni Psycho

"Talaga?!! Sige ahh!!! Wag kang tatakas alam na alam kita"


Bastat ice cream!! Ilang iras ay dumating na ang adviser namin, syempre dapat makinig, good student kaya to.

Hindi ko pa sinasagot si Psycho dahil baka masaktan lang kaming pareho. Ayoko namang gawing rebounder ang lalaking yun, gwapo na mabait pa. Dahil... Parang mahal ko pa si Zirco ehh...

-lunch time-

Ang bilis ng oras, lunch na agad. Gaya ng dati si Lee at Psycho ang kasabay ko. Masaya naman kami.


"Kuya, Keen. Kung punta tayo sa mall mamaya??" Tanong saken ni Lee


"Ayos lang saken, ikaw Keen?" Tanong sa akin ni Psycho. Wala naman akong gagawin mamaya, atsaka pagkatapos bibisita na rin ako kina kuya idol, miss ko na sila.

"Oo naman, ayos lang saken" sagot ko with smile :)

Naglunch kami ng tahimik, wala si unicorn di na nanggugulo. Bigla namang pumasok sa isip ko 'ulit' si Zirco. Linabas ko kase yung wallet ko ayun naisip ko tuloy siya nung umiiyak siya.

"Keen!" Tawag sa akin ni Lee.

"M-may problema ba??" Naguguluhan kong tanong

"dapat ata ako yung nagtatanong sayo nyan ehh.." Nag-aalalang sabi ni Lee.


"Wala akong problema, napapaisip lang ako kung anong bibilhin ko mamaya" pagsisinungaling ko


Psycho's PoV

Hindi marunong magsinungaling ang babaeng to. Hulata naman na hinahanap niya si Zirco ehh. Bat di pa kasi mawala sa isip niya si Zirco?? Gusto ko na ring matapos yung plano...

Flashback

"Did you know pabagsak na ang company niyo, Psycho Armeris?" I don't know her but she's pretty and looks wealthy too.


"I think you're wrong. You don't even know my family. So sorry miss I do not talk to anyone specially strangers."

"Stanger?? Do I look stranger to you?? I am Irene, kumakapit na lang ang company niyo samen, kapag hindi namin tinulungan ang dad mo, malamang ubos na ang pera nyo ngayon. Or do you want me to prove it?" Sambit ni Irene nga ang pangalan


"No.  Let me do you a favor" saad ko. Natatakot ako kung anong pwede niyang gawin sa family ko.


"Okay, then. I am Zirco Jin's ex. He broke up with me because of Aila fu*cking Keen Fanugon. And I want to get a revenge. Dapat mapa-fall mo si Keen and ligawan mo siya, at
kapag kayo na, break-an mo siya"


Ngayon nadamay pa si Keen. Mahal ko ang taong yun tapos sasaktan ko?? Pero syempre mas mahal ko ang family ko.  "O-okay"

End

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now