Success?❤️❤️

3.8K 127 3
                                    

                   Chapter 77
Keen's POV

"Keen punta na tayo sa restaurant??" Tanong sa akin ni papa


Sakto namang tumawag si Ana, success!

"Hello??" May sinasabi si Ana pero hindi ko siya maintindihan, parang linoloko niya ako ehh kaya muntik na akong matawa.   "Ano?!" Sigaw ko. O diba galing ko sa pag-acting. "Okay, I'll be there" at binaba na ni Ana ang phone



"Is there any problem?" Tanong sa akin ni mama


"Yes ma, and I nee to go there. Carlo samahan mo ako. Pa, can I borrow the car?" Tanong ko


"Y- yes. Sasabay na lang kami sa kuya mo" at binigay ni papa ang susi, sabay takbo at hinawakan ko ang kamay ni Carlo. Baka pigilan pa ako ni papa at mama.


Tumatakbo kami papunta sa parking pero ng malapit na kami sa sasakyan ni papa...



"Saan kayo pupunta?" May isang lalaking humarang sa amin ni Carlo. Yung lalaki kanina na lumapit sa amin nung kararating namin sa mansion.


"Ayy si pogi" bulong ni Carlo sa akin

"H-hindi kami aalis! Ano may k-kukunin lang kami sa kotse" pagsisinungaling ko.


"Ganon ba? Mukhang nagmamadali kayo ahh?" Bat hindi ko maloko ang taong to!


"Atsaka bat ka ba nandito boy ha? Matanda kami sayo" sambit ni Carlo na hindi pinapahalata na gay siya.


"Syempre! Future cousin in law ko tong kasama mo!" Sigaw naman nung lalaki.  "BTW, I am Noya, half american cousin of Zirco"


"Okay nice to meet you boy, ngayon umalis ka na baka masuntok pa kita" wika ni Carlo


"No!! Sasama kayo sa akin. So lets go! Guard!" Sigaw ni Noya at may lumabas na dalawang lalaki na mga guard siguro ni Noya at kinuha si Carlo, naghihirap pa yung dalawang lalaki kaya si Noya na lang ang humuli sa akin



"Noya please, pakawalan mo na kami, kailangan naming kunin yung gamot ni... PAPA!" Sigaw ko pagdating sa papa dahil wala na akong maisip na dahilan


"You cant fool me woman" at sinakay niya kami sa kotse. Yung katabi ko naman ang likot likot. Hindi mapakali dahil may katabing dawalang lalaki.


"Wag ka ngang magulo!" Sigaw ko sa kanya pero di pa rin siya tumigil



"Nga nga tayo babe! Sinira niya yung plano!" Bulong na pasigaw ni Carlo


"What plan?" Oops narinig ni Noya. Yumuko na lang kami ni Carlo hindi namin pwedeng sabihin.   "Okay, kapag sinabi niyo papakawalan ko na kayo"


Nanlaki naman ang mga mata namin ni Carlo.   "Kailangan kong tumakas dahil ayokong magpakasal kay Zirco dahil masaya na siya at ayokong guluhin pa ang buhay niya"  sagot ko sa kanya.  "Ngayon itigil mo na yung sasakyan Noya dahil ayoko ng makasira pa" saad ko. Akala ko ititigil niya pero hindi.


"Uy boy tigil mo na yung sasakyan!" Sigaw naman ni Carlo na lalaking lalaki pero wala pa rin sa kanya ehh. Haay I was fooled!!!



Ng makarating kami sa restaurant, bigla akong kinabahan. "I'm back!" Sigaw ni Noya sabay tingin sa amin. Kusa na kaming naglakad ni Carlo dahil baka isipin nila tumakas kami.


Sina kuya naman nanlaki yung mga mata sa amin.


"Wait, Keen akala ko may kailangan kang asikasuhin?" Tanong sa akin ni mama, at tumingin na lang ako palayo. Sorry ma...


"Nakita ko silang tumatakas, they cant fool me, haha" parang bata naman tong si Noya


"Okay.. You may take your seat you two" sambit ni Mr. Avero na seryoso kaya umupo na lang kami ni Carlo



"So, the wedding will be next month. Ang kulang na lang ay yung mga susuotin" sambit ni papa



"I-I'm sorry lo but I have a fiancé. I cant leave her" wika ni Zirco. Aray! Sakit ahh!



"M-may boyfriend na rin po ako" pagsisinugaling ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsalita... "Carlo.. Ipaglaban mo naman ako"

Pasensiya na Carlo, pero kailangan kong gawin to ehh. Huhu..


"What? Diba gay si Carlo?" Nagtatakang tanong ni mama sa akin



"Hindi po siya gay ma, nagpapanggap lang po siyang g-gay dahil baka mahulata ang relasyon namin" pagsisinugaling ko. Tumayo naman si Carlo at hinawakan ang kamay ko



"Tama ho ang sinabi niya, kaya pasensiya na po" sambit naman ni Carlo




"Well, ang magagawa niyo lang ay... Hiwalayin sila, that's it! Both of you are engaged!" Parang pasigaw na sabi ni Mr. Avero. Nakakatakot naman siya



"Pinirmahan niyo na yung papel, wala na kayong magagawa." Wika ni Noya, ano ba naman yan?! Tulong!!!



"Pero ma alam niyo naman na may masamang nangyari sa dalawa diba?" Pagtatanggol ni kuya Hanse sa akin



"I know! Pero wala na silang magagawa, magpapakasal sila next month, no buts no ifs!"




---


Hi!!!! Author insideee!!!! I just want to say thank you sa pagsuporta sa story ko specially JHND0431  thank you, yung kapag ip-publish ko yun story comments mo ang hinihintay ko, haha thank you😘😘




Wait for the next chapter...

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now