With my son^^❤️❤️

4.1K 117 2
                                    

                 Chapter 74
Keen's POV



Bukas na ang birthday ni Mr. Avero at kinakabahan ako dahil maaring nandoon si Zirco. Ayokog magkagulo doon no!!!


Sa ngayon nagd-drive ako papunta sa campus, nagpapasundo kasi si Rob, isasama ko na rin siguro siya. Hinintay ko siya sa labas ng campus. At ilang oras nakita ko siyang palabas ng campus. Hindi na siya nag-iisa, may kasama siyang babae at maganda rin siya. Buti naman. Lumabas ako ng sasakyan ko at nakita naman ako ni Rob

"Keen!" Sigaw niya at lumapit sa akin.


"Siya siguro kaibigan mo no? Maganda siya!" Bulong na pasigaw ko sa kanya.


"Haha. Naka maging tomboy na niyan ahh. Tara na nga, baka wala pa tayong mabili na damit para sa akin" saad niya.  "Bye Krystal!" Pagpapaalam niya kay Krystal nga at sumakay na kami sa kotse ko.


"Nandito na si Zirco" sambit ko kay Rob. Akala ko mabibigla siya pero dot. Dot na siya sa phone niya.  "Hoy! Naririnig mo ba ako?!" Sigaw ko sa kanya

"Naririnig kita. At alam ko na nandito na siya. Dumalaw pa siya sa amin" sagot niya. Ay grabe hindi ko man lang alam.


"Ahh okay" wala na akong nagawa kungdi manahimik na lang hanggang sa makapunta kami sa mall.

"Gusto ko bukas gwapo ka. Yung lahat ng babae sayo nakatingin." Payo ko sa kanya na may konting sungit.


"Oo na! Eto naman. Kahit hindi naman ako magbihis gwapo pa rin ako" wika niya na nakangisi



"Kapal..." Bulong ko sa sarili ko at sa tingin ko narinig niya ako.  "Hehhe, ano, yung billboard ang kapal... Oo yung billboard" pagsisinungaling ko


"Okay.." Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi niya ito napansin. Namimili ako ng suit para kay Rob ng mapansin ko siyang nakatingin sa akin.


"May problema ba?" Tanong kong painosente


"Wala.... Para kasing mama na kita. Pwede ba kitang tawaging mama?" Tanong niya. Tumawa naman ako, matanda na ba ako



"Parang nagmukha naman akong matanda diyan. Pero, o sige, sakay ako diyan" saad ko sabay niti. Pagkatapos tinuloy ko na ang pamimili, hanggang sa makahanap ako. Nagpakuha ako ng ka-size ni Rob at binili namin to.



Ilang oras ay natapos din kami. "grabe nakakapagod naman to!" Sigaw ni Rob


"Oo nga. Tara kain tayo" wika ko at  sumaya naman siya at hinila niya pa ako sa McDonald.


"Libre mo ko ma ah. Naubos yug pera ko kanina" sambit niya. Tumawa naman ako at nag-order, habang siya naghanap na ng mauupuan.



Pagkatapos kong umorder umupo ako kung saan ko nakita si Rob at hinintay namin yung pagkain.



"Excited na ako bukas! Nagbabalik yung feeling na, pinagtitilian ka ng mga babae kapag dadaan ka, yung feeling na ikaw yung gwapo sa lahat. Pero kapag nandiyan si Zirco feeling ko pangalawa ako sa kagwapuhan" wika niya na may lungkot



"Talaga ba? Perosa kacutan nangunguna ka?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya ng ilang beses



"At pagdating sa height nangunguna ako, lalo na sa ilong nangunguna ako" pagmamayabang niya



"Oo nga ehh, sa sobrang laki ng ilong mo sakop na buong mukha mo" pang-aasar ko sabay tawa. Pero tumigil ako ng hindi siya tumatawa


"De joke lang, he... He" saad ko at inirapan niya lang ako. Para tuloy siyang bakla.



Ilang oras ay dumating na yung pagkain. Kinain ni Rob yung spaghetti niya habang ako yung inorder kong large burger. Pagkatapos kinain ni Rob yung fries niya kasama yung ice cream niya. Lakas makatrip.


Pagkatpos naming kumain naisipan na naming umuwi na. Habang nagd-drive ako tinitingnan ko si Rob, ang lalim kasi ng iniisip.


"Rob... May problema ba?" Tanong ko sa kanya

"Wala.. Nagaalala lang ako bukas. Baka may mangyaring hindi mo magugustuhan. Yung gagawin mo lahat para hindi yun matuloy, yung magsisinungaling ka sa parents mo para makalusot...

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now