Stuck❤️❤️

3.9K 105 1
                                    

                 Chapter 50
Keen's PoV

"Ang init!" Sigaw ni Psycho

"Ayos lang na magalis ka ng damit mo, naiintindihan ko naman ehh" saad ko

At tumango na lang siya. Inalis niya ang damit niya at....

6 pack!!!  What the pak, ang hot ni kuya!!!!


"O bat ka pinagpapawisan??" Nagising ako sa katotohanan ng magsalita si Psycho

"Bakit ikaw lang bang pwedeng pagpawisan?? Ang init kaya no?" Sabay irap



"Aila..." Seryosong tawag sa akin ni Psycho

"Ano??"

"Magkaibigan tayo diba??" Tanong ni Psycho

"O-oo naman bastat hindi magka-ibigan hehe" tawa ko ng mahina

"Pilosopo ka talaga, kapag ako naalala mo sigurado maiinis ka saken" sambit niya


"Kahit naman ngayon naiinis ako sayo" wika ko sabay pout

"Haha ang hirap mong  makausap no??" Tawang tawa lang kami.

-
-

"Psycho, inaantok ako" saad ko

"Edi matulog ka! Aanihin mo tong balikat ko kung di ka matutulog??" At ginawa ko naman ang sinabi niya. Antok na talaga ako.
Ilang oras ay....

"Get out" -???

"What?"

"I said get out, you're not deaf right??"

"Yah oppa (older brother), Irene is cheat--"

"Is cheating on me??" "You know Keen stop being a liar and stop making a nonsense stories!! You punk! You know I should punish you, di ka ba masaya ngayon na nga ako maiinlove sa babae sisirain mo pa?!! Ngayon bilang parusa sa labas ka ng bahay matulog sa tabi ng aso mong si Miri para naman maranasan mo ng pagiging"

"Miri..."

Minulat ko ang mata ko na nagluluha. Tinignan ko si Psycho pero natutulog na rin siya. Sumasakit ang ulo ko.


"Miri..." Bulong ko ulit pumikit ulit ako at parang ako yung babae na nasisigawan at familiar yung isang babae at yung isang lalaki na sumisigaw, medyo blurred kasi ehh. Pero wala na akong matandaan, an pangalang Miri na lang talaga an naalala ko.


Tiningnan ko si Psycho na mahimbing ang tulog, napangiti naman ako dahil ang cute cute niya.

Ilang oras ay narinig ko na bumukas ang pinto ng JYM.

"Psycho, makakalabas na tayo!" Sigaw ko at nagising siya.

At nginitian ko siya at hindi ko na alam kung nginitian niya ako dahil tumingin ako palayo.

Ng bumukas ang pinto si Zirco ang bumungad sa amin


Mukha siyang nabigla at yumuko na lang.   "Naistorbo ko ba kayo?? Pasensiya na ahh" at umalis siya bigla

Anong problema nun??

Hinabol ko siya at nahabol ko naman.   "Zirco!!! Sandali lang!!!" At tumigil siya sa paglalakad. "May problema ba??" Tanong ko sa kanya


"Oo" deretso niyang sagot

"Mmmm??? May galit ka ba sa akin?? Pakiusap sabihin mo"


"Nagtatampo lang naman ako" at tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya at humarap siya. May luha na siya sa mga mata niya.  

"B-bakit naman??" Nag-aalala kong tanong


"Dahil...."

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now