Promise❤️❤️

4K 112 4
                                    

                  Chapter 83
Keen's POV



Buti naman at hindi ako late nakauwi, medyo wala naman kasing ginagawa at niyaya ako ni Zirco na mag-dinner kasama niya, hindi naman ako makatanggi at para makabawi ako sa nangyari kanina. Pumunta ako sa kusina at nandoon siya, sakto pala ang dating ko



"Hi" bati ko dahil mukhang hindi niya ako napansin.


"O nandyan ka na pala. Let's eat." Sabi niya na may ngiti umupo naman ako at kumain na.

Habang kumakain kami.... Naisipan kong sabihin na sa kanya yung tungkol sa amin ni Carlo




"Ammm... Zirco, may sasabihin ako sayo. Tungkol... Sa amin ni Carlo" sambit ko habang nilalaro ang kutsara na hawak ko



"Don't tell me na nag-propose siya?! O baka naman you're pregnant?! Keen, magpapakasal na niyan tayo!" Sigaw niya sa akin. Mukhang hindi siya nagbibiro ahh. Napatawa naman ako



"No, no. Ano.. May pinangako kasi ako kay mama, at kailangan kong tumaparin yon" sambit ko na medyo kinakabahan, baka magalit siya



"But promises are meant to be broken" saad niya na seryoso


"But for me.... Promises are meant to be unbroken...  And I promise to my mom, I will be honest to my future husband, no matter what" at tinitigan ko naman siya. Seryoso siya. "Hindi... Ko boyfriend si Carlo" at pagkatapos kong umamin, napayuko naman ako.


Wala siyang sinabi o hindi man lang siya kumibo. Tiningnan ko siya at.... Namumula?

"That means.... You're single?" Tanong niya sa akin na namumula at feeling ko pinipigilan niyang tumawa


"Yeah" sagot ko na lang at yumuko ulit. Pero inangat ko agad yung ulo ko ng tumatawa siya ng malakas.



"Grabe! Akala ko talaga may relasyon ka sa kanya" sabi niya sabay tawa. Inirapan ko naman siya. Parang hindi siya seryoso. Nagtampo ako sa kanya at umalis na lang ako tutal nakakain na din ako kahit konti


Pero pinigilan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso


"Akala ko talaga pinagpalit mo na ako sa bakla ehh" wait pano niya nalaman?


"Pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya


"Sa kinikilos palang niya masasabi kong..." At nagkunwari siyang parang gay, natawa naman ako



"Yeah. Pero gwapo siya, gwapo pa sayo" sambit ko at kinurot yung pisngi niya at tumakbo papunta sa room ko



"Ano?! Bawiin mo!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto, nilock ko kasi yung pinto kaya hindi siya makapasok.


"Huwag ka ngang maingay... Maliligo na ako" sambit ko with husky voice



"Hmmmm? Sabay tayo? Tutal... Di pa ako naligo" wika niya in husky too and ramdam ko naman ang pagngisi niya. Grabe! Kill me ples!


"Bastos!!" Sigaw ko sa kanya at pasimpleng tumawa




Kinabukasan....


Nagising ako sa sinag ng araw. Tumingin ako sa orasan.... It's 9:30, freak late na ako! Lumabas ako sa kwarto ko para silipan kung nandyan si Zirco at nagluluto. Pero wala siya ehh, saan pumunta ang lalaking yon? Nagtungo ako sa kusina pero wala siya, pero may isang note na nakalagay sa mesa katabi ng pagkain na maybe niluto niya



"Morning Keen! May food diyan pinagluto kita. Kainin mo na lang ahh, may pinuntahan ako ehh ;)


I just smiled. He's so sweet kahit na arranged lang kami, kaya malabong walang mainlove sa kanya. Pero kaibigan lang ang habol ko sa kanya dahil nakuha ko na yung mga sagot na kailangan ko.


Una, Hindi ako pwedeng ma-fall dahil id-divorce nya rin ako. And hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya kung bat nagkaleche leche ang buhay ko dati. And tama na rin ang narinig ko mula sa kanya na hindi niya hahayaan na mafall ulit siya sa akin.



Pagkatapos kong kinain ang linuto niya, dumaretso ako sa kwarto para maligo. After that, nagbihis na ako at pumasok na. Pagdating ko sa office, ako ang unang bumati sa kanila



"Morning sorry I'm late" bati ko at nagsitayo sila isa-isa at binati ako. Pero pagkatapos non, nagbubulungan sila at pasikretong tumatawa? May problema ba sila?



"Good morning Ms. Keen. Be careful po baka mabigla kayo sa taong nasa loob" sambit ni Marie, hindi niya siguro ako nakita kanina kaya ngayon siya bumabati.


"Morning din. I shouldn't be careful. My office is safe" sambit ko na may ngiti. Pagkatapos non, pumasok ako sa office. At.... At....




"ZIRCO!! BAT KA NANDITO?" Halos tumalon siya sa biglaan kong sigaw. Kahit kailan talaga walang kanipis-nipis ang mukha ng lalaking to, nakapatong ba naman ang mga paa niya sa mesa ko! How dare him!



"Ganyan mo ba pinapalaki ang company mo?! Hindi taas noo pero taas paa? Ha?! Grabe ka!" Sigaw ko at tinulak siya palayo sa upuan ko at ako naman ang umupl



"Grabe ka naman.... Pasalamat ka nga may pabreakfast pa ako. Nandito lang naman ako para tumulonf sayo. It's against the rules sabi ng papa mo" saad niya na may lungkot ang boses.



I sighed, para siyang bata.  "Okay. But don't do that again. Because I am the boss here!" Sigaw ko sa kanya, tiningnan naman niya ako ng may pagka-frustrated.



"O sha! Puntahan ko lang yung 'kaibigan' mo ha? Kakausapin ko tungkol sa pagloloko niya sa akin. Kailangan niyang matikman ang kamao ni Zirco Jin" umiling-iling na lang ako sa kabaliwan niya.



Nagsimula ko ng gawin ang mga dapat kong gawin, hanggang sa matapos ang iba. Pagkatapos, may narinig naman akong nagsisigawan papunta sa office ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Carlo na ang gulo gulo ng buhok niya


"Hindi ka pa nakuntento?!" Biglang sulpot ni Zirco at mukhang hinahabol si Carlo


Tawa lang ako ng tawa ng makita kong inaasar ni Zirco si Carlo at hinahabol pa.



"Babe! -" may sasabihin sana si Carlo sa akin kaso lang...


"Wag mo siyang tawaging babe!" Sigaw naman ni Zirco kay Carlo


"Ehh bat ikaw! Kaya mong tawaging kung ano-ano si Khim?! So may karapatan ako! At alam ko kapag nakatalikod si Keen may masama kayong pinagsasasabi about sa kanya! Tama ako no?" sigaw ni Carlo at biglang natahimik si Zirco. Biro lang yon diba? Tiningnan ako ni Zirco with his worried eyes pero iniwasan ko.

Sagutin mo ang tanong niya Zirco, I want to hear you..


Pero napayuko naman si Zirco at tinalikuran lang kami ni Carlo.   Duwag...

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now