Don't Touch Him❤️❤️

4.4K 94 3
                                    

                    Chapter 98
Keen's POV

"Kumusta yung company?" Tanong sa akin ni lolo. Si Mr. Avero

"A-ayos lang po. Ang pinag-aalala ko lang po ay si Zirco sa LA, ayos lang naman ho siya diba?"

"Oo naman! He's perfectly fine there. At malapit na rin yung kasal niyo. Anong balak mo?" Medyo natigilan ako sa sinabi ni lolo.


Ano bang balak ko? Naalala ko tuloy yung delivery boy.

"Me and Zirco are close, so I think hindi na kailangang mag-bonding kami. At gusto ko rin pong kami na ang bahala sa mga ka-kailanganin, gaya ho ng susuotin namin at yung simbahan" sagot ko sa tanong ni lolo na ikinatuwa niya.

Nagkwentuhan kami hanggang sa naisipan niyang umalis. Wala naman talaga akong ginagawa ehh. Nung pag-alis ni lolo, dumaretso agad si Carlo sa office ko.

"Dito muna ako ahh? Naiinip ako sa office ko. At may pina-order din akong pagkain for us two!!" Sigaw ni Carlo at dare-daretso sa sofa. Linabas niya ang phone niya at naglaro.

Biglang may kumatok sa pinto ko at bumungad sa amin yung deliver boy.


"Delivery po!" Sigaw ng lalaki at inilapag sa mesa yung mga pagkain. Nagbayad si Carlo at bago siya umalis, ngumisi siya sa akin. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sino ba ang lalaking to?

"Carlo, kilala mo ba yung lalaking yun?" Tanong ko kay Carlo na nakatingin pa rin sa pinto.

"Hindi. Pero una ko siyang nakilala kahapon. Gwapo kaya umorder ako ulit" saad niya na parang kinikilig.

-
-

Ilang oras ang lumipas ay umuwi na yung mga kasama ko sa trabaho. Unuwi na rin ako dahil 6:30 na rin ehh.

Hinanap ko muna yung susi ko bago umalis. Pagkarating ko sa parking lot, hindi lang yung kotse ko yung naka-park kaya nagsimula na akong kabahan. Nagdahan-dahan akong naglakad dahil medyo malayo-layo pa yung sasakyan ko. Ng nasa tapat ako ng sasakyan, bigla na lang  itong bumisina ng malakas kaya napaatras ako at natumba.

"Ahhh!!"sigaw ko at pumikit. Ng pagmulat ko, nasa harap ko na ang isang lalaki. Naka-face mask siya kaya mata lang ang nakikita ko. Ramdam ko ang pag-ngisi niya mula sa mga mata niya. At huli na ng nalaman kong may inilagay siyang panyo sa mukha ko at doon na ako nawalan ng malay.

-
-

Ng binuksan ko ang mata ko, parang walang nagbago, ang dilim pa rin ng nakikita ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero nakatali ito, pati na rin yung paa ko.

"TULONG!!!" Sigaw ko pero wala akong narinig kundi ang pagbukas ng pinto at doon lang nagkaliwanag. May pumasok na limang lalaki at naka-face mask.

"O gising na pala ang prinsesa" saad ng isang lalaki sabay tawa. Yumuko ako at umiyak. Pero napaangat ako ng bigla kong narinig ang boses na yon. Yung boses...

"Huwang mong hayaang ako ang magpaangat ng ulo mo" cold na sabi nito. Pag-angat ng ulo ko, doon ko nakita ang delivery boy.

"Ikaw..." Bulong ko at yung mga taksil ko namang luha, tumulo na naman.

"Oo ako. The gift, parking lot, and delivery boy" at tumawa siya ng malakas.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now