New Life❤️❤️

4.1K 119 1
                                    

                  Chapter 71


*ring~!!!!*



"Ughh...."

Pag-mulat ng mga mata ko hinagis ko ang unan sa alarm clock ko, nakakainis ang ingay!!! Binili lang naman yan ng assistant kong singsungit ng ewan.


"Gusto ko pang matulog!" Sigaw ko at humiga ulit sa kama. Pero napatayo ako ng makaramdam ako ng tubig na bumuhos sa buong katawan ko

"Ah!" Sigaw ko at tumayo. Doon ko nakita ang assistant ko na ang kapal ng salamin na nakatayo sa tabi ko.


"Gigisung ka o lulunurin kita dito?" Pagbabanta niya



"Eto na tatayo na." Pagmamaktol ko at dumaretso na sa banyo. Naligo ako at pagkatapos non sinuot ko ang damit na pinalantsa ni Ana para sa akin. Si Ana ang assistant kong masuuuungettt.


Lumabas ako ng banyo at nag-apply ako ng make up sa mukha. Pagkatapos non ay bumaba na ako para mag-breakfast.

"Wow! Si Baekhyun este bacon na naman ang uulamin ko?! Eh kahapon yan ang breakfast ko ehh. Pinapatay niyo ba ako?!" Reklamo ko. Pero ng walang sumagot, umupo na lang ako st kumain


"Ang dami mong sinabi kakain ka naman pala" saad ni Ana mula sa kwarto ko. Nilinis na naman niya siguro.


"Ikaw naman" sambit ko at kumain ulit. Kahit paulit-ulit ang ulam ang sarap pa rin.


Pagkatapos ng lahat pumunta na kami sa company, sa kumpanya na ako ang boss. Haha ang yabang ko.



Ng makarating kami doon, binati ako ng mga co-workers ko. Binati ko naman sila pabalik.

"Ana gawa nga ng kape" utos ko at sinunod naman ni Ana. Pagkatapos binuksan ko ang nakita kong folder sa desk ko. Pagbukas ko, nakita ko yung mga ranking ng mga most popular branch worldwide. 1st ang De Avero, at second kami, ang Fanugon's.


Pagkatapos napansin ko si Ana na inabot na sa akin ang kape. Inunom ko ito, pangpakalma lang.


"Kailangan nating mahabol ang De Avero, ayokong humarap sa mga co-workers ko na nauuna pa sila" sambit ko



"Pero at least nauuna tayo sa ranking in the whole Philippines. So dapat ipakita mong proud ka para makakuha sila ng inspiration" payo sa akin ni Ana. Tama siya, ayokong ma-discourage ang mga kasama ko sa kumpanyang ito, I will do everything.

"So nakascedule na tayo ng 3:00 para sa meeting dahil mamayang 6:30 may family dinner ka" wika ni Ana at tumango na lang ako na may ngiti. Siguro magpapahinga muna ako para ma-refresh naman ang utak ko.


Ilang oras ang lumipas ay hindi pa rin ako mapakali sa pwesto ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll sa Instagram. Ini-stalk ko si kuya James ang dami na nga niyang followers ehh, at nakakatawa pa siya ahh, pati sina mama at papa dinamay. Pagkatapos, bigla na lang lumitaw ang picture ni Zirco nung nag-propose siya kay Khim, ang swerte naman ni Zirco ang ganda ng fiancé niya, hindi ko lang alam kung swerte rin si Khim kay Zirco ahh.



Bigla na lang may pumasok sa office ko, si Carlo, yung mala-gay kong kaibigan.   "Hi Babe!" Bati niya sa akin. Babe ang tawag niya sa ga ka-close niyang babae. And babe means babae



"O bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya na tumatawa

"Wala lang naman. Naiinip kasi ako, di ko pa nakita si fafa Rob ko" saad niya. Oo nga pala, may pagnanasa itong si Carlo kay Rob


"Haha. Baka iniiwasan ka"


"Anooo?!" Sigaw niya. Nakakatawa talaga ang baklitang to.


"Bingi! Sabi ko maganda ka!" Sigaw ko sabay tawa


"Alam ko" sambit niya na mas lalong nagpatawa sa akin. Pero bigla na lang akong nalungkot dahil naalala ko yung proposal ni Zirco.


"O napano ka?" Tanong sa akin ni Rob at umupo sa sofa na nakalagay sa office ko.

"Para kasing.. Nasaktan ako nung nakita ko yung picture ni Zirco nung nag-propose siya kay Khim. Hindi ko nga alam bat hanggang ngayon, ganito pa rin ang nararamdaman ko" pagtatapat ko.


"Gaga. May pinagsamahan kasi kayo.." Saad ni Carlo. Pinagsamahan?! Wow big word! Excuse me wala no! Muntik lang..




Nagkwentuhan muna kami ni Carlo hanggang sa oras na para mag-meeting. Nag-ayos muna ako bago ako pumunta sa lugar kung saan kami madalas magkita ng mga kasama ko. Ng makapunta ako doon, tumayo lahat sila at binati nila ako, ganon din naman ako.


"So let's start!" Sigaw ko. "Okay so tayo ang second sa most popular branches worldwide and the last time I check last previous months top 10 tayo, but now look at the changes, we rank the hell up!" Sigaw ko at pumalakpak silang lahat


"But still Keen, this is not the time to celebrate, we have to surpass the De Avero branch or else madi-disappoint natin yung ibang company here in the Philippines" sambit ng isa kong kasama


"He's right. We have to surpass them. But we can communicate with them" sambit ng isa ko pang kasama. Nagsitinginan naman ang mga kasama ko. I think they agreed with that.


"Okay. That's easy, I will communicate with that company." Sambit ko at nagpalakpakan sila. Ang sarap sa feeling na proud lahat sayo. Ang dami pa naming pinagusapan hanggang sa matapos ang isang oras. Well, that's better. But my problem is, paano ako makikipagcommunicate sa kumpanyang yon?

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now