Memory❤️❤️

4.2K 118 1
                                    

                   Chapter 64
Zirco's PoV


Nagha-handa ako ng breakfast para sa aming dalawa ni Khim ng may tumawag sa akin. Si Rob


"Hello Rob??"

"Zirco, si Keen!" Ramdam ko naman ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya


"Anong nangyari?!"

"Zirco naaksidente siya. At baka lahat ng ala-ala niya bumalik. Zirco!" Sigaw ni Rob. Unti- unti ng bumuhos ang luha ko. Binaba ko ang phone ko at ng pagkababa ko , dun ko lang napansin na nasa harap ko na pala si Khim


"What happened?" She asked me with her worried eyes


"Keen.... Keen had a car accident. I need to go there" sambit ko at pumunta sa car ko at nag-drive papunta sa nasabing hospital.



Pagkarating ko doon, nandoon silan lahat. Si Hanse and James, ang mama at papa niya at si Rob. O yung boyfriend niyang magaling nasaan na?


Lumapit ako sa kanila ng nakayuko at sa tingin ko may problema. Ba't hindi pa sila pumapasok.


"Zirco, nandito ka na." Lumapit sa akin si Rob at sinabi ang mga salitang 'yon


"Ba't nandito kayong lahat sa labas?" Tanong ko kay Rob


"Kanina kasi..."


Rob's PoV

Pagdating ko sa hospital, may narinig akong sigawan mula sa loob ng room ni Keen. Lumapit ako at lahat ng nasa loob umiiyak



"Keen, kausapin mo muna kami! Please!" Sigaw ni Hanse na hinahawak ang kamay ni Keen pero si Keen, pilit niyang inaalis ang kamay ni Hanse



"Kausapin? After what you've done?! Niloko niyo ako habang wala akong malay! Ginawa niyo akong tanga! Pinaglaruan niyo ako kayong lahat!" Sigaw ni Keen at tiningnan niya ako.   "Kaya wala kayong karapatan na kausapin ako. Get out of my life"






Medyo may kumurot sa puso ko nung narinig ko an mga salitang binitawan ni Keen. Pinalabas kami ng mama at papa niya at ngayon lahat kami nakaupo kami sa upuan ng hospital


Zirco's PoV


Lahat ng 'to kasalanan ko. Sa tingin ko kailangan kong kausapin si Keen


"Kakausapin ko si Keen." Sambit ko at papasok na sana sa kwarto...



"Akala mo ba pakikinggan ka niya? Ikaw na nga 'tong nanakit ikaw pa tong paniniwalaan niya? Oh my, common-sense Zirco!" Sigaw ni Hanse sa akin at akmang susuntukin na sana ako ng pigilan siya ni Rob

"Let him, Hanse. Tutal siya naman ang may pakana ng lahat diba?"
At pinayagan nila akong pumasok



Bubuksan ko palang ang pinto ramdam ko na ang puso ko. Ang bilis ng pagtibok nito. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Keen na nakahiga at umiiyak. Ng magtama ang mata naming dalawa, doon ako napaiyak


"Hindi mo ba sila nakikita?? Nasa labas silang lahat. Tapos papasok ka pa?" Naiinis na tanong niya sa akin



"Let me say this to you Keen. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko, maniwala ka man o hindi but I fvcking love you so much. Sorry dahil lahat ng ito ay dahil sa akin" sambit ko na umiiyak


"Hindi. I'm sorry. Kasi hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sayo kahit alam kong hindi mo ako masasalo" saad ni Keen at humiga ulit sa kama. Nagsimula ng sunakit ang banda sa dibdib ko, nababaliw na nga ata ehh, bigla ba namang bumilis ang tibok.



"Sana mapatawad mo pa ako Keen. Kahit ang mga kuya mo. Kapatid mo sila kaya dapat mo silang patawarin" sambit ko


"Wala kang alam sa aming magkakapatid Zirco. Hindi mo lang ba naisip, na pinaglaruan nila ang sarili nilang kapatid? Tapos papatawarin ko sila dahil umiyak sila sa harapan ko? Ang saklap ng ginawa niyo. Ginawa niyo akong tanga, pinaasa at sinaktan. Ngayon sinisigurado ko na hindi na ako magpapaka-tanga. Maghintay ka lang Zirco." Pakramdam ko sa sinabi ngayon ni Keen parang sinusunpa na niya ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko....

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now