Dating❤️❤️

4.4K 118 0
                                    

                   Chapter 29
Zirco's PoV

Comportable ako kapag siya ang yinayakap ko, habang kapag si Irene ay walang gabi na hindi ako alais kapag tulog na siya. Di ako makatulog, amoy alak siya at yosi, amoy Hanse rin siya! Pero si Keen mainit ang katawan niya at ang lambot ng kutis niya, ang sarap niyang yakapin, mabango pa siya, amoy siyang strawberry.


Kinabukasan....


Gumising ako na wala si Keen, nagsimula na akong mag-alala.

Bumaba ako at nakita siya na nagluluto.


Pagkatapos niyang magluto ay napansin niya ako at lumapit siya

"Morning!" Bati niya at nagsmile

Nagsmile rin ako pabalik....  "Morning"

Pumunta kami sa kusina at kumain. Pagkatapos ay umuwi na siya. Sa Monday tapos na tong pustahan, promise!!

Ilang orasng wala si Keen, at itinext ko siya.


: susunduan kita, magdate tayo, bye;)

Naligo ako at pagkatapos maligo ay nagsuot ng black plain shirt at black pants na white rubber shoes.

Tiningnan ko ulit ang phone niya at nagmessage siya

Keen:  hintay kita;)

Okay matatapos na talaga ang pustahan sa Lunes, nagmessage ako sa group chat namin kaming magbabarkada.

: guys tapos na pustahan sa Lunes;)

Rob: tagal ahh!! Buti naman! Haha

Marco: sigurado ako mauubos na ang luha ni nerd haha

Hanse: date niyo ngayon Zirco?? Nakabihis si Keen ehh, pero mukha parin siyang slave~ haha

: haha oo, punta na ko dyan, sige guys bye

Feeling ko may tumutusok sa puso ko. Haha matanda na ata ako.


-Keen's house-

Nag door bell ako at lumabas si Keen ng nakatali ang buhok, at nakadress na kulay pink na may bulaklak.

Okay gumanda siya.

At sumakay na kami sa sasakyan ko.

Dinala ko siya sa ice cream store. Mukha siyang masaya.

"Ice cream!" Sigaw niya at pumasok

Agad na akong nag-order kasi alam kong strawberry ang kakainin niya.

"Teka! Zirco!" Sigaw ni Keen

"Hmmm??"

"Strawberry ang sa akin!" Sigaw niya ulit

At tumango ako ng tumatawa.

At ibinigay na nila ang ice cream

Kinain ni Keen ang ice cream ng tahimik, ilang sandali ay tapos na siya.


"Ahh busog ako!" Sigaw niya at tumawa lang ako.

Dadalhin ko siya ngayon sa secret garden ng mama ko.

Umalis na kami ng ice cream store at dumaretso doon

"Teka Zirco, saan tayo pupunta??" Tanong niya sa akin


"Bastat" sagot ko sa kanya at tumingin ako at kinindatan siya

Tumawa lang siya.

Hanggang sa nakarating na kami

Nakatago ang secret garden sa isang abandonadong bahay, na sa loob ay ang garden. Pumasok kami at hinawakan ni Keen ang braso ko. Takot siguro siya

"T-teka Zirco, papatayin mo ba ako??" Tanong niya sa akin na may takot ang mukha

At tumawa lang ako sa kanya.  "Papatayin kita sa sobrang addict mo sa akin"

At nagpout siya

Binuksan ko ang pinto at nakita ni Keen lahat ng nakapalibot na roses sa amin

"Wah!"

"Secret garden ni mama" sambit ko

At pumasok siya at inamoy ang mga bulaklak. Namumula siya ngayon at kumikislap ang mata
Cute mo!


"Zirco ang ganda!" Wika ni Keen


"Ikaw pa lang ang kauna-unahang babae na dinala ko dito" sambit ko na nakasmile at mukha siyang nabigla

Oo, siya pa lang allergy si Irene sa mga roses, sensitive diba??

Tumingin siya sa mga paligid at di mapigilan ang ganda ng bulaklak, pipitasin na niya sana ang white roses ng...


"Hala diba ito yung..." Natatakot na sabi ni Keen

Haha kala niya may poison

"Don't worry Keen walang poison yan" sambit ko

"Pwede ko bang kunin?? Isa lang promise" wika ni Keen


"Oo naman"

At pinitas niya. Inamoy niya ito at di siya tumigil.


Ang dami mong gusto. Mahilig ka sa ice cream, sa bulaklak, ano pa kaya?? Siguro ako na yung susunod mong magiging favourite. In your list, favourite playboy, 'Zirco Jin Avero' the one and only.

"Hindi ko pa nakikita mama mo" sambit ni Keen

"Ahh busy siya palagi eh"

Oo busy palagi ang mga magulang ko. Parang wala na silang pake sa akin

Umalis kami doon na inaamoy pa rin ni Keen ang bulaklak.

Dinala ko siya sa park, doon maganda ehh alam ko doon nagaganap ang mga love story ng mga love team diyan.


Pagkarating namin doon ay ang daming batang naglalaro

Tiningnan ko si Keen at nakasmile lang siya sa mga bata.

"Mukhang maling lugar ang--" at pinutol ni Keen ang sasabihin ko. Hinila niya ako at tumakbo kami papunta sa mga bata.

"Hi!" Bati ni Keen sa kanila

"Ate Keen!!!" Sigaw nila. Ate Keen??

"Ate Keen??" Tanong ko

At tumango lang ang mga bata

"Nakilala ko sila nung first day of school, yinaya nila akong makipaglaro" sambit ni Keen

"Ate Keen sino tong gwapo niyong kasama??" Tanong  ng isang bata


"Siya si kuya Zirco" pakilala ni Keen at nagsmile ako

"Mukha kayong mochi kuya Zirco" sambit ng isa pang bata. At tumawa silang lahat pati na rin si Keen

Abat!!

"Ayy hindi pala siya si kuya Zirco siya si kiya Mochi!" Wika ni Keen

"Keen.." Bulong ko sa kanya

"Kuya Mochi maglaro tayo ng taguan" wika ng isang bata at nagpout

At nagsmile ako sa kanya.  "Oo naman"

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now