Don't leave us❤️❤️

4.8K 111 1
                                    

Inspiration: He's Daing the Campus Nerd

                    Chapter 99
Keen's POV


"Gotcha..."

Hindi ko alam pero napayakap ako sa kanya at tumulo ang mga luha ko.

"Sabi kong h'wag ka ng pupunta ehh. Ba't ba ang kulit mo? Ha Zirco?"

"You're my life. Kapag nawala ka, mawawala din ako. Kapag nasaktan ka, masasaktan din ako" at kumalas ako sa yakap. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang dalawa niyang kamay na sa ngayon ay malinis pa rin.  "Don't cry. We're here"

Biglang may pumasok na tatlong lalaki at hindi ko alam kung paano kaagad nakalapit sa kanila si Zirco at pinagsusuntok niya ang mga ito.
At huli na rin ng malaman kong nakahandusay na yung tatlo. How?

"Kailangan nating makalabas dito bago pa may makakita sayo" sambit ni Zirco at hinila ako palabas. Pero paglabas namin may apat na lalaking sumugod pero agad yung napatumba ni Zirco. Pero dumami ng dumami kaya bumaba na kami ni Zirco. Pero wala na kaming takas, makapalibot na sa amin ang maraming lalaki.

Bigla akong hinila ni Zirco at nilagay sa likod niya dahil sumulpot doon si Neil. "Looks like we're done here, Zirco. Magpaalam ka na muna. Any last words?"


"You're. Dead" hindi si Zirco ang nagsalita. Tumingin ako sa likod ko at doon ko nakita sina kuya Hanse at James, Rob, Marco, Makee, at si Psycho? So si Psycho ang nagsalita?

"Hindi naman atang 1 vs all. Damay na kami" saad ni Rob na nakaface mask. Pero inalis nilang lahat iyon at doon ko nakita ang gwapo nilang mukha na hanggang ngayon wala pang sugat.

Sumugod yung mga kasama ni Neil at ganon din sina Zirco, pero bago yun tumakbo ako para kumuha ng pampalo, pero hindi pa man ako nakakalayo ng may humila sa akin at si Neil yon.

"Don't touch her!!" Sigaw ni Zirco na may galos na sa mukha. Biglang humalakhak si Neil at may kinuha siya sa bulsa niya at isa iyong kutsikyo at itinapat sa leeg ko. 

"Hawak ko ang babae mo. Hindi ba ganon din ang ginawa mo? Mang-aagaw ka!" Sigaw ni Neil at mas diniinan pa ang kutsilyo kaya napasigaw ako.

Hindi ko alam kung saan ako nagkalas ng loob at inintog ko siya sa ulo ko kaya nakawala ako. Tumakbo ako papalapit kay Zirco pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ng may biglang sumuntok sa kanya at pinagtutulungan siya ng tatlong lalaki.

Humalakhak na naman si Neil ng makitang nakahandusay na sa sahig si Zirco at duguan. Lumapit ako sa kanya at inihiga siya sa lap ko.

"Hey, Zirco. Wake up.." Bulong ko pero umubo lang siya ng dugo kaya napahagulgol ako.


James' POV

Suntok. Suntok. Suntok. Nakakailang suntok na ako sa mga kalaban ko pero ayaw pa rin nilang maubos. Napapagod na ang kamao ko. At dahil nga pagod ako, nasuntok ako sa mukha. Sa mukha pa talaga?!

"Aba't!!" Sigaw ko at sinuntok siya ng malakas kaya nakahandusay na siya ngayon. Pagkatapos ng isa may dumating na naman na dalawa. "Pvtangina ba't di kayo marunong mapagod?!"

Pero napunta ang tingin ko kina Keen at Zirco at kay Neil, duguan na si Zirco at umiiyak si Keen, haban si Neil... Bigla siyang bumunot ng baril!

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now