Family❤️❤️

4.3K 120 6
                                    

                  Chapter 47
Hanse's PoV

"Maayos naman po intensyon nila kay Keen, at wala rin siyang kaaway.." Sambit ng kinuha kong mags-spy kay Keen

May mga picture din si Keen na kasama ang 'peke' niyang kuya at sina Zirco at iba pa niyang kaibigan.

Buti at masaya naman si Keen doon, kundi ko malalaman mababaliw ako dito.


"Kumusta si Keen??" Biglang dumating si James


"Maayos na daw siya" sagot ko at tumango lang siya


"May sasabihin ako sayo, darating na sina mama bukas.." Saad niya


Nabigla naman ako, masyado pan maaga! Lagot na kami



"Alam na ba nila?" Tanong ko kay James

"Oo, at magf-file sila ng kaso sa pamilya na kumupkop kay Keen natatakot ako"


Kahit ako natatakot din naman ehh..

-
-

Pinapunta ko si Rob dito at maguusap-usap.  At dumating naman siya.


"Kumusta??" Tanong niya

"Buti may gana kapang mangamusta, handa mo na ang kabaong ko ah, patay na nyan ako bukas" natatakot na sabi ni James

"Wag kang mag-alala ako na magpapaliwanag kay tito at tita."


Kinabukasan.....


"Hanse!!!!! James!!!" Nagising na lang ako sa sigaw ni papa sa baba


P*uta lagot na nyana kami


Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina James at Rob na sumisilip sa kwarto.


Lumabas kaming tatlo. May luha na sa mata si James, natatakot na siya.


"Papa..." Bulong ko

Sinuntok ako ni papa at napahiga naman ako sa sahig


"Hon tama na!" Sigaw ni mama


"Tito, magpapaliwanag po ako" sambit naman ni Rob



"Magpapaliwanag ka?? Ano puro kasinungalingan?? Wag na tayong maglaro pa dito Rob, wala na ang anak ko!" Sigaw ni papa


Umiyak na din ako.  "Maayos naman siya, mabuti siya at masaya" saad ko pero hindi pa rin ito napakalma si papa


"Shut! This is all our fault" at umalis na si papa

Paano namin mababawi si Keen?? Linoko namin siya, pinaasa ng sarili niyang mga kuya, sinaktan ng first love niya, wala ng mas sasakit doon, ngayon nagsisisi ako. Nagsisisi ako dahil pinangunahan ko si Irene sa kanya.


Third Person's PoV


Nakarating na sa pamilyang Fernandez ang warrant of arrest galing sa pamilya Fanugon. Galit at takot ang nararamdaman ngayon ng pamilya Fernandez pero hindi pa nila ito sinabi kay Keen.


Keen's PoV

-school-

Wala ang prof namin ngayon pero nasa loob kami ng room, nakakaboring. Bawal kaming lumabas dahil may bwisita hindi bisita.


Wala akong magawa, wala naman yung phone ko wala akong dalang comic books tapos tulog pa si Zirco pati na rin si Psycho. Tumingin ako sa likod ko at natutulog ng mahimbing si Psycho, hindi ko alam na kanina ko pa pala siya tinititigan


"Baka matunaw ako nyan ahh" hala gising siya


At minulat niya ang mata niya.  "Ano? Nakakita ka lang ng anghel na natutulog natulala ka na, gwapo ba??" Sambit niya at inayos pa ang buhok niya


"Hindi ko alam na may anghel na makapal" saad ko at umirap.

Tawang tawa naman siya.

Mamatay ka na sana..

-
-
-

Ilang oras ang lumipas ay umuwi na kami. Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko sina mama na may bisita rin??


"Ma nandito na ko" wika ko at lumapit sa akin ang mga bisita at yinakap ako bigla


"Keen, we miss you.." Sambit ng babae

"P-pasensiya na po pero hindi ako si Keen" saad ko at umakyat agad sa kwarto ko.



Kilala ko sila ehh pero di ko alam saan ko sila nakita, alam ko sila....


Umiiyak na ako ngayon dahil sumasakit talaga ang ulo ko pero tumigil ako ng pumasok si mama sa kwarto


"Ma sino sila??" Tanong ko kay mama at dumaretso lang siya sa cabinet ko


"Ma anong gagawin mo??" Naguguluhan kong tanong

Tapos ay yinakap ko siyang patalikod


"Ma, anong nangyayari??" Tanong ko na umiiyak


"Huwag mo kong tawaging mama dahil hindi mo ko ina, huwag mong tawagin ang asawa ko na papa dahil hindi mo siya ama, huwag mong tawagin na kuya si Anton dahil hindi ka nya kapatid ang mga nakita mo kanina ay ang mga tunay mong mga magulang" sambit ni mama at humarap sa akin.  "Alam kong kinamumuhian mo na ako ngayon dahil pinagsamantalahan kita Aila ay hindi Keen pala pero sana mapatawad mo ko. Linoko ka namin at pinaniwala na kami ang tunay mong pamilya"


Galit ako pero hindi ko magawang magalit, mahal na mahal ko sila.


"Ma.... Ayoko kayong iwan..." Sambit ko pero wala lang sinabi si mama at tanging paghikbi niya ang naririnig ko.


Pagkatapos ay kumalas si mama sa yakap at tinuloy niya ang pagiimpake ng gamit ko.   "Bukas ay lilipat ka na ng bahay, huwag kang mag alala hindi ka namin guguluhin doon"

At tumakbo ako papunta sa kama at doon na umiyak.

Ilan oras ay dumating si kuya idol at yinakap ko siya


"Kuya idol pigilan mo si mama!" Wika ko at umiyak na rin siya


"Idol na lang Keen, may dalawa ka ng kuya sa tingin ko hindi mo na ako kailangan pa, magpapaalam ka na bukas ayoko namang maging masama sayo kaya hahayaan kita na umiyak sa mga balikat ko" at natouch naman ako sa sinabi ni kuya


Mamimiss ko si kuya idol, yung napakabagong amoy niya at ang protective kong kuya. Mamimiss ko ang papa ko, yung kahit galing sa trabaho may oras pa ring manloko, yung kahit pagod na pagod pero sa pagmamahal hindi napapagod, at ang mama ko na walang tigil sa pagsuporta sa akin, kapag masaya siya masaya na rin ako. Lahat ng to mamimiss ko kahit na ito ay kasinungalingan at puno ng kalokohan


"Beautiful girls, all over the world, I could be chasing but my time will be wasted cause they got nothing on you baby~ nothing on you baby~" kanta ni kuya idol galing talagang kumanta, yan tuloy umiiyak na naman ako..

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now