Real Life❤️❤️

4.4K 119 5
                                    

                  Chapter 48
Keen's PoV

Eto na..... Aalis na ako sa bahay...

Naliligo ako ngayon at walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko, letcheng luhang to!! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at wala na akong nararamdaman na luha siguro naubos na.

Bumaba ako at nakita ang totoo kong mga magulang, nagbow ako sa kanila at nagsmile lang tapos tiningnan ko na sina mama at papa at yinakap ko sila


"Mamimiss ko po kayo..." Sambit ko at umiyak sila

"Mamimiss rin kita Aila, bastat dalawin mo kami ahh" saad ni papa at tumango ako.

Unalis na kami at sumakay kami sa isang magandang sasakyan. Mayaman kami siguro...


"Keen, gusto kong makilala mo na ang mga kapatid mo, yung dalawa mong kuya sina Hanse at James" wika ng babae

"Sige po..." Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila matawagin na mama at papa nahihiya ako.



"Huwag kang mahiya sa amin Keen, nangyari lang naman ang aksidente dahil sa kapabayaan namin, puro business ang inaalala namin ng mama mo at halos konting panahon lang ang naibibigay namin sa inyong tatlo" wika ni 'papa'


"Sa tingin ko ay magiging mabuti naman po  sa akin yon" saad ko na lang hindi ko nga alam bat ko nasagot yon ehh



Ilang oras ay pakiramdam ko nandito na kami. Bumaba ako sa sasakyan at pagkaharap ko sa isang bahay ay hindi.... Mansion!!


Halos mahulog ang panga ko sa nakita ko, isang bahay na napakalaki, talaga bang dito ako nakatira??


"Keen.. Pumasok na tayo??" Tanong sa akin ni 'mama' at tumango na lang ako na nakasmile


Pagpasok ko doon ay bumungad sa akin ang tatlong lalaki na mula langit ang ngiti

"Keen!!!" Kilala ko to ehh, siya yung palaging gumugulo sa akin si Hanse??

Yinakap niya ako ng mahigpit, pagkatapos ang dalawa naman kasama na doon si... "Rob??"

"Oo ako nga Keen, nameet mo na ako dati at isa sa mga taong.... Nakalimutan mo" saad niya

Ouch! Mukhang masakit yon nasaktan ko siya at nakalimutan


"Pasensiya na" wika ko


"Pasensiya na rin, wag mong tanungin kung bakit, malalaman mo rin pag bumalik na ang mga alaala mo" saad niya

Nagtataka naman ako, siguro may nagawa siyang masama sa akin..

Pumasok ako sa sinasabinilang room ko at grabe ang laki!!

"Room ko ba talaga to??" At may nakita akong album at tiningnan ko ito

Photo album...


Binuksan ko ito at may nakita akong tatlong  bata, siguro ako yung babae, ang ganda ko naman..


Pumasok ako sa isang kwarto at banyo pala at parang dress room, ang daming mgadamit at malinis din at mga salamin. Kaya pala tinatawag nila akong nerd...


-
-
-

Nagugutom na ako..

Lumabas ako ng kwarto at bumaba, nakita ko ang mga 'tunay' kong kuya at nakita naman din nila ako.



"Keen, gutom ka na ba?" Tanong ni kuya Hanse


At tumango ako ng nakasmile

"May pagkain don, kumain ka" saad naman ni kuya James

At hinahanap ko si Rob at napansin siguro nina kuya

"Si Rob ba hinahanap mo?? Umalis na siya, baka pagalitan siya ng mama niya" wika ni kuya James

At tumango na lang ako

Medyo nahihiya pa ako sa kanila lalo na kina mama at papa.

-
-
-
-
-

Kinabukasan....

Sumabay na ako kina kuya at ganito pala sila kaingay, at masaya naman.


Pagpasok ko sa school ay bumungad si alien

"Morning, tanga" at tumawa ako ng peke

"Hehe, morning alien" 

"O dahan-dahan ka ha? Baka madapa ka, pag nasugatan ang mukha mo baka lalo kang pumanget" at tumawa siya

"Haha, oo. Ay oo nga pala nakalimutan kong itanong sayo.."

"Ano yun??" At tumigil siya sa kakatawa


"Hindi ka pa ba pinag-aaralan ng mga scientist?? Yung... Pano ka napunta dito sa Earth, ang mundong kung saan nakatira ang mga tao at mukhang tao, hindi yung kagaya mo. Mukha na ngang alien ugali pang alien" pang-aasar ko sabay ngisi


"O bat ikaw nandito ka?? Hindi ka rin ba napagaaralan ng mga scientist??" Pang-aasar niya pabalik


At umirap na lang ako at padabog na umupo

Natawa naman siya, napipikon na ako dito.


At biglang dumating si Zirco


"Morning Keen!" Bati niya

Mukha naman siyang nabigla at babawian na sana ang sasabihin niya ng magsalita ako


"M-morning" nabigla naman siya lalo.

"Keen??" Tanong naman ni Psycho

"N-nalaman ko na ang totoo kong pangalan mga magulang at mga kapatid, pero h-hindi pa rin talaga bumabalik ang ala-ala ko" at nagsmile na lang ako sa kanila.



"Ibig sabihin alam mo na kung sino sina Hanse at James??" Tanong ni Zirco at tumango na lang ulit ako. "Pero ako hindi mo pa rin ako naaalala.."

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now