Encounter❤️❤️

3.9K 105 3
                                    

                   Chapter 76
Keen's POV


"Oh, what a coincidence, a bad coincidence" sambit ni Irene, ph yes nandito siya!


Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa reflection ko sa salamin. "Alam mo, nagtataka ako bat ka nandito. Ilang beses na kitang pinahamak pero buhay ka pa rin! Pusa ka ba?" Tanong niya na painosente saba irap. Hinarapan ko naman siya.



"Sorry ha, pero di kita kalahi. Alam mo ako rin nagtataka ehh, bat ka nandito sa 'birthday party' ni Mr. Avero ehh samantalang may party naman sa 'Zoo' kasama ang mga kauri mo" pang-aasar ko sa kanya. Kaya kami naghiwalay ni Psycho dahil sa kanya, siya lahat ang dahilan kung bat hindi ko kasama si Zirco ngayon!! Urghh! Mahal ko pa talaga ang play boy na yun..



"How dare you to say that?! Ehh palagi ka na lang pangalawa! Pangalawa sa puso ni Zirco dati, pangalawa sa pagmamahal ni Psycho, pati ba naman ngayon?? O baka naman maging mistress ka na nyan sa pinanggagagawa  mo ahh." Naiinis na ako sa babaeng 'to.



"Alam mo kahit na inis na inis na ako sa iyo hindi kita papatulan. Sabi nga nila, 'be good to animals'" at inirapan ko siya at umalis na. Langya nakita ko si ahas! Habang papunta ako sa table ko, kay nakita akong strawberry sa catering. Lumapit ako at kumuha. Grabe sarap talaga.


Pero bawal pa kumain so... Ali alis muna tayo dito.. Umupo ako at nagsimula ng magsalita si Mr. Avero



"Thank you for coming tonight, I really appreciate every one of you. But I would like to call Mr. And Mrs. Fanugon, to have a speech in front" saad ni Mr. Avero. Lahat pumalakpak except sa ahas na nakikita ko  malapit sa table namin.



"So ammm... Hi! Masaya kami ng wife ko na nandito kayo kasama kami, sa pag-celebrate ng birthday ni Mr. Successful man Avero. At may ia-announce din kami" at tumigil muna si papa sa pagsasalita dahil may tinanong siya kay Mr. Avero.  Pero ng may nakita siya balik agad sa pagsasalita.  "Oh he's here! He is just a little bit late. My gorgeous daughter Aila Keen and the perfect man Zirco Jin, please join me here" wika ni papa. Nanlaki naman ang mga mata ko, si Zirco, nandito si Zirco.


Tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan-dahang pumunta sa harapan. Kasabay ko naman si Zirco. Hindi ko siya magawang tingnan.


Tumayo ako sa harapan at katabi ko ngayon si papa habang si Zirco nakipagbeso-beso muna kay Mr. Avero. May narinig naman akong mga bulungan ng dahilan para mamula ako



"Ang ganda niya no..."

"Grabe.. Ang laki ng pinagbago niya, mukha na siyang prinsesa ngayon"





Yumuko na lang ako dahil nahihiya talaga ako ngayon, lalo na nasa ibang side ni papa si Zirco nakangiti sa lahat ng mga tao, super gwapo niya..


"Magpapakasal ang aking iha sa successful apo ni Mr. Avero na si Zirco Jin Avero." Sambit ni papa. Gusto ko ng umiyak pero baka isipin nila na maarte ako. Lalo na na masaya ang lahat, pumapalakpak at nagsisigawan


"Papa.." Tawag ko kay papa pero ayaw niya akong pakinggan.  "Papa!" Tawag ko ulit pero wala pa rin, kaya napayuko na lang ako at pasimpleng umiyak.




Tiningnan ko naman yung table namin at doon ko nakita na nag-aalala sa akin sina kuya at si Carlo na rin, habang si Rob nakayuko lang.. Hindi kaya ito yung sinasabi niya?? Yung pag-aalala niya.



"So.... This is the final decision, and besides pinirmahan na nila yung papel kaya wala ng problema."

Papel?? Anong papel? Tiningnan ko naman si Ana at nakayuko lang siya. Yung last na pinapirma niya sa akin, isa doon ay yung papel na sinasabi ni papa.

"Welcome to the family my future to be son in law!!" Sigaw ni papa. At niyakap si Zirco. Habang nakayakap si Zirco, pumikit siya at pagbukas ng mga mata niya ako ang tiningnan niya. Yumuko na lang ako. Bigla na lang may yunakap sa akin, si Mr. Avero.



"I know you want to cooperate with me, sorry woman but... Not me, with my grandson" at kumalas na ako sa yakap. Binigyan ko siya ng matamlay na ngiti at bumaba na ako, ayokong magstay doon.


Ilang minuto ay dumating na si papa pero di ko pa inaangat ang ulo ko, umiiyak ako.. Hindi ko mapigilan.


"Keen... Takasan natin??" Bulong sa akin ni kuya James. Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan siya



"Bakla palit nga tayo ng pwesto, tabi mo muna jagiya mo" sabi naman ni kuya Hanse kay Carlo. Sigaw ng sigaw naman tong si Carlo.



"Keen... Narinig ko sina mama at Mr. Avero pagkatapos ng party may pag-uusap tayo kasama ang pamilya ni Zirco" saad ni kuya


"Keen... Sorry... Tutulungan na lang kitang tumakas, wag kang mag-aalala planado na lahat" saad ni Ana. Tiningnan ko naman sila, nakatingin silang lahat sa akin pwera na lang kay mama at papa na sa ngayon ay pinapakinggan ang speech ng mga tao para kay Mr. Avero. Ngumiti naman ako sa kanila ng pasikreto.



Oo, inaamin ko mahal ko si Zirco, pero sabi nga nila diba, kung mahal mo talaga siya haayaan mo na siya kung siya'y  masaya sa piling ng iba. Kaya no choice ako, dapat akong magparaya.




Ilang oras ay natapos na ang party.
"Keen, punta na tayo sa restaurant??" Tanong sa akin ni papa.



Flashback


May biglang nag-text sa akin si Rob


"Ganito ang plano, si Ana pupunta sa cr, at tatawagan ka niya, kapag binaba na niya ang phone, sabihin mo sa papa mo na tinawagan ka nila dahil kailangan mong pumunta sa company. Pagkatapos tutulungan ka ni Carlo pumunta doon, don't forget to borrow the key of the car."

"At kapag nakatakas ka na, wala ka ng aalahanin, di mo na siya kailangan pang makita ;)" natuwa naman ako sa 'planado' nilan plano. Kahit kailan talaga baliw ang mga taong to.


End of Flashback..

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now