CHAPTER 4

1.1K 36 2
                                    


CHAPTER 4

Naomi's POV:

Hmm ano ba pwede gawin? Nakakabored naman. Nandito na ako sa kama ko habang nakasandal sa headboard, gabi na pero hindi parin ako makatulog. Arrrgghh! Being bored is killing me. Napatigil naman ako sa pag-iisip ng maalala ko ang number ni Ace. Ang tagal na ng number nya sa akin pero ngayon ko lang naalala =___=

Kinuha ko ang phone ko sa side table at hinanap ang number nya. Hmm ano namang ite-text ko? Magreply kaya yun? Syempre Naomi, lalo na pagnalaman nya na babae ka,kasi nga playboy sya. Haist! Napabugtong hininga nalang ako. Bahala na si batman.

=======

To: Ace

Hi.

** MESSAGE SENT **

=======

Inilagay ko na ulit sa side table ang phone at pumasok sa banyo para mag-shower. Nang natapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin sa banyo ay nagbihis na ako ng pantulog. Habang bino-blower ko ang buhok ko ay napatingin naman ako sa phone.

Walang text. Hindi sya nagreply. Kaya binalik ko nalang sa side table ang phone ko at tinapos ang pag-blower ng buhok ko. Nang matapos na ako ay humiga na ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.

** BZZZT BZZZT **

Hay! Sino na naman ba to? Si Zoe na naman siguro ito dahil kanina pa sya text ng text tungkol kay Levi. Simula ng nanligaw sa kanya si Levi ay yun nalang palagi ang bukam-bibig nya. Halatang me tama! Kinuha ko nalang ito at binasa kung sino ang nagtext pero napakunot ang noo ko ng unregister number ang nagtext.

======

From: Unknown

Hello. Sorry ngayon lang ako nakapagreply. Sino ka? Nagtext ka kasi sa number ko na 09505678667.

=======

Ha? nagtext daw ako sa kanya? Babalewalain ko na sana ang text ng maalala ko na tenext ko si Ace kanina. Kaya tiningnan ko ang number ni Ace na naka-phonebook sa phone ko at sya nga. Sa kanya nga ang number. Pero kanino namang number ang gamit nya?

=====

To: Ace

→ I'm Zara. Are you Ace?

** MESSAGE SENT **

=====

Nilagay ko na ulit sa side table ang phone at humiga.

** BZZT BZZT **

Bilis makareply ah! Sumandal ako sa headboard at kinuha ang phone.

=====

From: Unknown

Yeah. Where did you get my number anyway?

My Playboy Bestfriedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें