Chapter 31

905 27 1
                                    

Naomi's POV:

Nakahiga ako sa kama habang tulala sa kisame. Tinangnan ko ulit ang phone ko, nagbabakasakali na may natanggap akong text galing sa kanya.

Napabuga nalang ako ng hininga ng wala akong matanggap. Kanina ko pa sya tine-text pero ni isa mang-reply galing sa kanya ay wala. Tinanong ko si Michelle kung nag-text ba sa kanya si Ace. Ang sagot naman nya ay oo. Magka-text nga daw sila eh.

Napasimangot nalang ako. Kung ka-text nga nya si Mich bakit hindi nya ako nire-replyan? Galit ba sya? May nagawa ba akong masama? Mukhang wala naman eh.

" Hoy Omi! "

Napatingin naman ako kay Zoe na nakatayo sa may paanan ko habang pinamewangan ako.

" Bumango ka na nga dyan at aayosan na tayo. "

Ani nya at hinila na ako patayo. Nandito pala ako sa kwarto ni Zoe. Gaya nga ng sabi nya ay sabay kaming aayosin. Tinawagan ng mommy nya ang kaibigan nyang make up artist at 'yon ang mag-aayos sa amin.

Mamaya na pala ang prom namin. Magkatabi kaming inaayosan ni Zoe. Kanina pa sya daldal ng daldal kung gaano sya ka-excited mamaya. Excited na daw syang makita ang pumpkin nya.

Tango lang ang tanging sagot ko sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung magiging excited ba ako mamaya o hindi. Paano ba naman ako magiging masaya kung galit naman sa akin si Trevor. Gusto ko syang makasayaw mamaya. Pero mukhang hindi mangyayari 'yon. Galit sya sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan.

Nang matapos kaming ayusan ni Zoe ay sinuot na namin ang coctail nami. Kulay green na cocktail ang suot nya, samantalang sa akin ay purple tube cocktail.

Nang matapos na kami sa pag-aayos ay umalis na kami papunta ng school. Doon kasi gaganapin ang prom namin, malaki naman ang gym kaya magkakasya kami. 6pm na din kasi.

Nang makarating kami sa campus at marami-rami na ding mga studyante. Agad kaming lumapit ni Zoe kung saan nakapwesto ang section namin. Lahat sila ay katabi ang mga partners nila.

Nagpalinga-linga ako para hanapin si Jeff na magiging partner ko ngayon. Napanguso ako ng hindi ko sya nakita. Nasaan na ba 'yon? Malapit na kayang mag-umpisa.

Kinakabahan akong nagpalinga-linga sa likod ko para tingnan si Jeff. Nagsisimula na ding maglakad ang nasa unang section. Nako naman oh! 'Wag mong sabihin na papaso ako nito ng walang partner. Nakakahiya.

" Ako nalang kasi Lumondag. "

Napatingin ako sa likod ng marinig ko ang boses ni crush. Hindi ko sya crush, okay? Babae po sya pero crush lang ang tawagan namin.

Nakita kong nakahawak sya sa braso ni Lumondag habang sa kaliwang braso naman nito ay si Cindy. I guest nag-aaway sila kung sino ang magiging partner nya.

Naks! Pinag-aagawan sya. Hinila naman si Cindy ang kabilang braso ni Lumondag papunta sa kanya.

" Ako nalang kasi. "

Ani naman ni Cindy. Kita ko kung paano napailing si Lumondag. May iba talaga sa amin na walang partner dahil mas lamang ang dami naming mga babae kaysa sa mga lalaki sa section namin. Napailing nalang ako at tumingin ulit sa labas. Mukhang papaso talaga ako nito ng mag-isa. Kawawa naman ako.

" Oh! Si Jeff nalang sayo. "

Napantig ang tenga ko ng marining ko ang pangalan ng magiging partner ko mula sa bibig ni Cindy kaya napalingon ako. At nandon nga sa pinkalikod si Jeff na kararating lang.

Nilapitan sya ni crush at hinawakan ang braso. Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. Hindi naman ako nagseselos kay crush pero inaagaw nya sa akin ang magiging partner ko.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now