CHAPTER 7

983 36 1
                                    

CHAPTER 7

Naomi's POV:

" Una na ako guys. "

" Sandali lang Omi... "

Hindi ko na nilingon at pinakinggan si Zoe at nagmadali na akong umalis.

Lunch break namin ngayon at ito ako, papunta sa rooftop. Nagmamadali akong umakyat papunta ng rooftop. Kahit hinihingal na ako ay patuloy parin ako sa pag-akyat.

Sino ba kasing nag-isip na gawing seven floor ang rooftop? Ayan tuloy hinihingal na ako >___<

Kahit naman mainis pa ako dito wala din namang magbabago kaya patuloy nalang ako sa pag-akyat. Sa fire exit ako dumaan kaya walang nakakakita sa akin. Ninja mode ako ngayon.

Pabagsak at hinihingal akong binuksan ang pinto ng rooftop. Kapagod! Para akong nag-marathon ng 5k sa pawis ko ngayon.

" Ang tagal mo. " naiinip nyang ani.

" Ikaw ba naman ang umakyat ng ganun kataas. "

Hingal na sagot ko sa kanya at pabagsak na umupo sa tabi nya. Ho! Kapagod talaga. Hindi na ako nagulat ng pinunasan nya ng towel ang mukha ko dahil sa pawis na pawis nga ako.

Sanay na ako sa ginagawa nya. Noong una ay nagulat ako sa ginawa nya pero kalaunan ay nasanay na din ako. Nagdadala na nga sya ng towel sa twing kakain kami dito dahil alam nyang pawis na pawis ako pagkadating dito.

Hindi ko alam kung bakit sya naging sweet sa akin. Siguro talagang pinangatawan nya talaga ang pagiging mag-bestfriend namin. Akala ko dati puro yabang lang sya pero may good side at sweet side naman pala sya.

Kaya siguro marami ang nahuhumaling sa kanya dahil ang sweet nya. Napaisip tuloy ako kung ganito din ba sya sa mga naging girlfriend o ka-fling nya.

Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng maging mag-bestfriend kami at nong nakita ko syang umiiyak. Sa isang buwan na nakasama ko sya ay mas nakilala ko pa sya.

Binahagi nya sa akin ang mga pinagdaanan nya. Minsan daw nag-aaway sila ng mama nya, kaya napapatawag sya sa akin. Nag-asawa kasi ulit ang mama nya. Mabait naman daw ang naging asawa ng mama nya kaso ayaw nya lang dito dahil ayaw nyang palitan ang papa nya.

Nakahiga sya ngayon sa lap ko habang hinahaplos ang buhok nya. Kung iikompara ko si Trevor ngayon at noon...

Noon. Ang hangin nya, nakakainis, bastos, at mayabang. Nakakabadtrip sya, palagi nya akong iniinis. Para syang kabote na bigla nalang sumusulpot.

Ngayon? Hindi kayo maniniwala pero... Iba sya sa noon. Para syang bata na kulang sa atensyon. Malambing sya at maalaga. Natutuwa ako sa kanya ngayon, minsan naiinis kapag pinapaandar nya ang kayabangan nya.

Simula ng ituring nya akong bestfriend parang ibang Trevor ang nakilala ko. Sa twing magkasama kami ay hindi sya si Ace na playboy kundi sya si Trevor, ang bestfriend ko.

" Best, kapag namatay ako. Anong gagawin mo? "

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong nya. Nakapikit lang sya.

" Aray! " napabangon naman sya galing sa pagkakahiga dahil sa ginawa ko. " Masakit yun ha? " reklamo nya habang nakahawak sa ilong nya.

Hinampas ko kasi sya ng libro sa mismong mukha nya. Medyo manipis ang librong hinampas ko sa kanya pero makapal naman ang cover nito kaya nasaktan talaga sya sa paghampas ko.

" Ano ba kasing pumasok dyan sa utak mo at nagtanong ka ng ganung tanong. "

Nakakainis kasi. Alam naman nya na ayaw ko na nagtatanong sya ng mga ganung tanong. Namatay kasi ang papa at kuya nya dahil sa sakit sa puso. Ang sabi din nya ay meron din sya, namana daw nya ito sa yumao nyang ama.

" Seryoso kasi. "

" Ewan ko sayo. "

Tumayo na ako at umalis. Tinawag pa nya ako pero hindi ko na sya pinansin. Wala na. Badtrip na ako sa tanong nya.

Dumaan ang oras at ito uwian na...

" Omi, mall tayo. " aya sa akin ni Zoe ng matapos ang klasi namin.

" Next time nalang. "

Walang ganang sagot ko at umalis na. Sa kabilang hallway ako dumaan papalabas ng campus para hindi ko madaan at makita si Trevor.

Badtrip parin ako sa kanya. Ayoko pang umuwi kaya napagdesisyunan ko na maglibot muna sa Oval, total ito naman ang paraan ko para matanggal ang pagod ko o ang pagka-badtrip ko.

****************

Trevor's POV:

Ang tanga-tanga mo talaga Trev... Alam mo naman na ayaw nyang nagtatanong ka ng ganun pero tinanong mo parin! Napatingala nalang ako sa langit. Hihingi nalang ako ng sorry mamaya.

Nang natapos ang klasi namin ay agad akong lumabas, narinig ko pang tinawag ko ni Levi pero hindi ko sya nilingon at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Pupuntahan ko si Zara para humingi ng sorry sa kanya.

Hindi ko alam pero ayokong nag-aaway kami. Sya ang naging first girl bestfriend ko at ayaw kong nagagalit sya sa akin. Sa totoo lang sa kanya ko lang ginawa na ibaba ang pride ko. Sa lahat kasi ng mga naging girlfriend ko pagnag-aaway kami ay naghihintay lang ako na suyuin nila ako.

Anong magagawa ko? Mahal nila ako samantalang pinaglalaruan ko lang sila. Yan ang hirap sa mga babae, masyadong madaling mafall, pero iba si Zara. Kahit kailan hindi umepek sa kanya ang kagwapohan ko. Kaya nga sya ang napiling bestfriend ko.

Nang makarating ako ng room nila ay nag-aayos na ng mga gamit ang mga kaklasi nya pero hindi ko nakikita si Zara. Nasaan na yun?

Tinawag ko si Zoe na nag-aayos ng gamit nya. Tumingin naman sya sa akin at lumapit.

" Bakit? "

" Si Zara? "

" Umalis na eh. "

Napakunot naman ako ng noo. Umalis na? Ang bilis naman. Nagpaalam na ako kay Zoe at naglakad na. Umuwi na kaya sya? Galit kaya sya? Malamang Trevor!

Nakakainis! Badtrip na tuloy ako.

" Ace. "

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mandy classmate ni Zara na ex ko. Humarap naman ako sa kanya habang papalapit naman sya sa akin.

" Bakit mo hinahanap si Naomi? "

" Bakit mo naman natanong? "

" Sya na ba ang pinagpalit mo sa akin? " ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? " Nililigawan mo ba sya? "

" Hindi. " walang pagdadalawang isip na sagot ko.

Hindi ko naman talaga sya nililigawan eh. Bestfriend ko sya.

" Eh bakit kayo magkasama?"

" Bakit ba? Ano bang pakialam mo? " galit na tanong ko. Kung makaasta kasi 'kala mo girlfriend ko sya.

" Dahil nagseselos ako. "

Nagpapatawa ba sya? Sya? Magseselos? Bakit? Tinawanan ko lang sya. I look at her with a smirk on my lips.

" Bakit ka naman magseselos? Hindi naman kita girlfriend ah! "

Kita ko naman sa mukha nya na nahiya sya dahil pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante dahil medyo napalakas ang pagkasabi ko. Ano naman pakialam ko kung mapahiya sya? Tama naman ako. Hindi ko sya girlfriend.

" We're already done, bitch. "

Pagkatapos ko sabihin yun ay umalis na ako. Kita ko sa mga mata nya kanina na nagulat sya sa sinabi ko. Nagtataka nga ako eh kung bakit pa sya nagulat eh totoo naman yung sinasabi ko.

She's a bitch. Anong akala nya sa akin, hindi ko malalaman na tinu-two time nya ako? She's a bitch but I'm a playboy. Alam na alam ko ang mga galawan nya dahil ginagawa ko din yon.

Badtrip! Saan ka na ba kasi Zara? Nadagdag pa tuloy ang pagkabadtrip ko dahil sa babaeng yun.

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon