CHAPTER 15

981 33 1
                                    

Naomi's POV:

Back to normal na naman. After ng pag-uusap namin ni Trevor sa hospital ay naging okay na ulit kami. Nakauwi na sya and he's taking rest sa bahay nila. Hindi pa sya pumapasok dahil medyo mahina-hina pa daw yung puso nya. Bawal muna daw stress.

" Good morning. "

Napangiti naman ako sa pagbati nya sabay ng paglahad nya sa harapan ko ng bulaklak. Tinanggap ko ito ng may ngiti sa labi.

" Good morning. Thanks for this. "

" Your welcome. Talk you later. "

Tumango naman ako at tiningnan sya papunta sa pwesto nya na nasa likod. Back to normal mean lahat bumalik sa dati. Hindi na din namin napag-usapan ulit ni Rome ang nangyari sa park.  Sa inaasta nga nya mukhang walang dramahan na naganap.

Inamoy ko nalang ang bigay nyang bulaklak at napangiti ulit. Kahit kailan ang sweet nya talaga. Ang swerte ko dahil ako ang babaeng napili nya. Napangiti nalang ako ng malapad dahil sa naisip ko.

" Ang aga-aga, may langgam na. "

Napatingin naman ako kay ampalaya - - - este kay Zoe na kararating lang. Halata sa mukha nya na umiyak sya at walang pa masyadong tulog. In short para syang zombie sa sobrang haggard ng mukha nya.

" Ang aga nangangamoy ampalaya. "

Inismaran lang ako nito. Napabuntong hininga nalang ako. Ilang araw na kasi silang hindi okay ni Levi dahil nakita daw nya sa akto na may ibang babae si Levi. Tinanong ko naman si Levi, ang sabi nya pinsan nya lang daw yun. Gusto nyang mag-explain kay Zoe, pero itong gaga kong kaibigan ay ayaw makinig tapos sya pa 'tong iiyak. Eh bakit hindi nalang nya pakinggan ang paliwanag ni Levi ng maging okay na sila?

Mga kabataan nga naman. Pinapahirapan pa ang sitwasyon. Kung sa sunog pa ay binubuhusan pa nya ng gasolina kaya lumalaki. Sila din naman yung masasaktan. Sila din yung iiyak. Kaya maraming nasasaktan at nahihirapan eh. Kahit madaling ayusin, ayaw talaga. Gusto pa nila yung iyak ng iyak bago happy-happy.

Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy ang oras. T.L.E time...

--------

Zoe's POV:

" Omi. "

Kinalabit ko sya sa braso kaya napatigil sya sa paghahanda ng mga dadalhin nyang gamit. Napatingin naman sya sa akin.

" Bakit? "

" Pwede bang hindi nalang - - - Aray! Ang brutal mo ha! Masakit kaya yun. "

Pagmamaktol ko sa kanya. Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko binatukan ba naman ako. Ang bigat ng kamay ng babaeng 'to.

" Tigil-tigilan mo ako Zoe ha! Papasok ka sa ayaw o sa gusto mo. "

Bumalik na naman sya sa paghahanda ng gamit nya. Kaya napanguso nalang ako.

" Eh kasi naman... "

Napapikit naman ako bigla at hinihintay ang paglapat ng kamay nya sa batok ko. Napadilat ako ng isa kong mata ng wala akong naramdamang sakit. Napabuntong hininga nalang sya.

My Playboy BestfriedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang