CHAPTER 18

862 30 1
                                    

Naomi's POV:

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Pikit mata ko itong kinapa sa side table ito. Sino ba 'to? Ang aga-aga, nang-iistorbo ng tulog. Nang makapa ko ang phone ko ay sinagot ko ito nang hindi tinitignan kung sino ang caller nito.

" Oh? "

" Good morning babe. "

Hohoy! So Trevor lang pala. Idinilat ko ang isang mata ko at tiningnan kung anong oras na. What the heck! Magfi-five pa lang ng umaga. Ang aga naman nagising nito.

" Good morning din. Ang aga mo ata nagising? "

Nakikipag-usap ako sa kanya habang pikit parin ang mga mata ko. Inaantok pa ako eh.

" 'Cause it's sunday. "

Masigla nyang sabi. Kung hindi ko lang alam na may sakit ito, aakalain ko talaga na masiglain sya. At ano daw? Sunday? Oo alam ko sunday ngayon kaya walang pasok.

" Oh tapos? "

" Aga-aga ang sungit mo babe. "

Habang nakapikit ako ay nai-imagine ko ang mukha ngayon ni Trevor na nakanguso. Nagtatampo na naman 'to. Haist!

" Hindi naman. Ibig kong sabihin ay alam ko na sunday ngayon. Oh tapos? "

" Hmm... Magsisimba tayo? Tayong dalawa lang. "

" Okay. "

" Talaga? "

Ngayon naman ay nai-imagine ko ang mukha nya na may malapad na ngiti. Napangiti nalang ako. Para talagang bata.

" Oo nga. "

" Thank you babe. So, I'll pick you up later. "

" Okay. "

" Okay. I love you babe. "

Napadilat ako ng sabihin nya 'yon. In-end nya na 'yong call. Napatingin nalang ako sa phone ko. Pasensya na kung hindi ko masabi sa ngayon ang mga katagang 'yon sayo Trev.

At dahil sa mga pumapasok sa isip ko na nagpagulo nito ay nawala ang antok ko. Bumangon nalang ako at naligo. Nagbihis muna ako ng pambahay, total maaga pa naman. Bumaba na ako para magtimpla ng gatas. Para naman mainitan ang tyan ko.

Nakita ko naman si manang sa kusina na naglilinis.

" Good morning manang. "

Gulat naman syang napatingin sa akin. Nakatalikod kasi sya sa akin kanina.

" Good morning din Iha. Oh? Ang aga mo ata? "

Napanguso naman ako ng maalala ko kung bakit ako nakagising ng maaga ngayon. Ikinuwento ko naman kay manang kung ano ang dahilan. Ang sabi naman nya ay mabuti daw 'yong boyfriend mo ay nag-aayaya magsimba twing linggo. May point din naman si manang.

Sabay na kami ni manang nag-agahan at nagkwentohan ng konti lang. Nang matapos kaming kumain ay umakyat na ako para magpalit ng damit. Nag-text na din kasi si Trevor na on the way na daw sya.

Nagsuot lang ako ng simple shirt at jeans. Nagsuot lang din ako ng black vans. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Okay na... Ayoko kasing mag-dress. Isa pa, pagsisimba naman ang ipinunta ko at hindi party para mag-dress pa ako. I like the simple way.

Bumaba na ako ng sinabi ni manang na naghihintay na si Trev sa baba. Nakita ko naman sya na nakasandal sa kotse nya. Ang gwapo talaga ng playboy na 'to. Kaya ang daming naloloko nito eh. Ngumiti naman sya sa akin ng makita ako.

" Hi babe. "

" Hi. "

Hinalikan naman nya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Sanay na akong tawagin nya akong babe, pero hindi pa ako sanay na tawagin sya ng ganon. Inalalayan na nya akong makapasok sa kotse nya.

Nang makarating kami ng simbahan ay hindi pa masyadong madami ang tao kaya nakaupo kami sa harapan. Dumaan ang oras. Nagsimula at natapos namin ang mesa. Niyaya naman nya akong pumunta ng park.

Inilatag nya naman ang jacket nya sa damohan at pinaupo ako. Nagpaalam din sya sa akin na aalis muna. Nakatingin lang ako sa mga bata na naglalaro. Mas maganda pa dito kaysa sa mall.

" Ito na. "

Napatingin naman ako sa kanya na may dala. Nang makaupo sya sa harap ko ay bigla naman akong natakam sa dala nya. May dala kasi syang fishball, kekiam, isaw at iba pang street foods. May dala din syang buko juice. Tinulungan ko syang ilapag ang dala nya sa gitna namin.

Sabay-sabay naman kaming kumain. Una kong kinain ang kekiam. Sarap talaga kasi nito. Paborito ko 'to eh.

" Buti nalang nagustohan mo. "

Napatingin naman ako sa kanya at bahagya pang natawa. May sauce kasi sa bandang labi nya. Para talaga syang bata. Lumapit naman ako sa kanya at pinahiran 'yon.

" Ayan! Wala na. "

Napatangin naman ako sa mga mata nya at doon ko lang na-realize na ang lapit-lapit pala ng mukha namin. Agad naman akong lumayo at umupo sa pwesto ko at nginitian sya ng pilit.

" May sauce kasi. "

" T-Thank you. "

Nakita ko naman na namula sya kaya yumuko nalang sya para hindi ko makita. Palihim naman akong napangiti. Napa-blush ko sya.

" Buti ka pa Zara. "

Napatingin naman ako sa kanya ng magsalita sya. Anong buti pa ako? Nakatingin ako sa kanya samantalang sya ay nakatingin sa mga batang naglalaro. Gusto kong itanong sa kanya kung anong ibig sabihin ng sinabi nya na 'buti pa ako'. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti na syang nagpatibok ng puso ko ng mabilis.

" Iba ka sa mga naging girlfriend ko. Hindi ka gaya nila na maarte at mas pipiliin sa mall at mga resto. Pero ikaw, kahit dito ay okay lang sayo. "

Napangiti nalang ako sa kanya. Kahit pala playboy sya ay mas gusto parin nya ang mga simpleng babae. Yung iba kasing lalaki
, kahit maarte basta maganda at sexy ay okay na sa kanila.

" Ayoko kasi ng arte eh. "

" Kaya nga mas minahal kita eh. Dahil sa pagiging simple mo. "

Naramdaman ko na uminit ang dalawa kong pisngi ng sabihin nya 'yon habang nakangiti. Ngiti palang nya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Gusto ko na ba sya? Sabagay... Hindi din naman kasi sya mahirap mahalin.

Iba ang Ace na playboy at mayabang sa Trevor na kasa-kasama ko. Sweet sya, maalagain, mabait at araw-araw pinaparamdam nya sa akin na gusto nya talaga ako.

Sana nga. Sana nga magkagusto na ako sa kanya para naman maging fair ako sa kanya. Para naman maramdaman nya ang pinaparamdam nya sa akin na pagmamahal. Ayoko kasing pilitin ang sarili ko na ma-fall sa kanya. Gusto kong magkusa.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now