Ending

1.3K 42 4
                                    

Naomi's POV:

" Mom, inaaway na naman ako ni kuya. "

Pinisil ko ang pisngi ni Zace dahil sa nacu-cutan ako sa kanya. Napatawa nalang ako ng ngumuso sya. Ang cute nya talaga.

" Hayaan mo na si kuya. Pangit kasi sya kaya ka nya inaaway. "

Napahagikhik naman sya sa sinabi ko. Napabaling kami sa may pinto ng may narinig kaming tumikhim. Nakita namin ang nakabusangot na mukha ni Zaver.

" I heard it mom. "

Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.

" Aww. It was just a joke baby. "

Napatawa nalang ako ng inirapan nya ako.

" Where's your dad by the way? "

Pag-iiba ko ng usapan sa kanila. Hindi ko kasi napansin ang gwapo kong asawa.

" At the kitchen. Cooking dinner. "

Sagot ni Zaver sa tanong ko. Hinawakan ko na sila sa magkabilang kamay nila at sabay na tinungo ang kusina.

It's been 10 years ng mangyari ang gabing pinakamagandang gabi para sa akin. Ang gabi kung saan umamin sa akin si Trevor na mahal nya parin ako.

Simula ng mangyari ang pangyayaring 'yon ay naging kami ulit. Nakipaghiwalay sya kay Michel at sinabi sa kanya ang lahat. Kahit masakit daw sa kanya ang nangyari ay okay lang daw sa kanya.

Kung saan masaya si Trevor ay susuportahan nya ito. Mabuti nalang at may maunawain na ugali si Michel kaya hindi kami nahirapang mag-umpisa ulit ni Trevor.

Sabay kaming nag-aral sa isang University pero iba ang course namin. Kumuha sya ng civil engineering habang ako naman ay Architect.

Pero kahit magkaiba kami ng course ay kapag may free time naman kami ay nagkakasama kami. Sinisigurado parin namin na may time kami sa isa't-isa.

Nag-aaway din kami. Hindi naman talaga naiiwasan sa isang relasyon ang mag-away.

Nandyan 'yong nagseselos sya at para syang bulkan na sasabog sa selos. Hindi nya ako pinapansin kaya ito naman ako at todo suyo.

Hindi din naman nagtatagal ang away namin dahil hindi namin matiis ang isa't-isa. Hindi namin hinahayaan na maulit ang nangyari noon.

Kapag mat problema kami o hinanakit sa isa't-isa ay sinasabi namin dahil ayaw namin na kainin na naman kami ng mga pride namin at maulit na naman ang nangyaro dati.

Katulad nga ng sabi ko kahit nag-aaway kami ay nagkakabati din naman kami agad.

'Wag mong hayaang kainin ka ng pride mo. Dahil kapag hinayaan mo ay baka mawala sayo ang taong mahal mo. And worst kung kailan mo balak mag-sorry doon naman sya aayaw.

After namin makapagtapos ay tinulungan kami ng mga magulang namin na magpatayo ng sarili naming kompanya. Itinayo namin ang TZ Built Company.

Sa awa ng dyos ay lumago naman ito. After 2 years ay nag-inalok na nya akong magpakasal. Well, sino ba naman ako para tanggihan ang isang Ace Trevor Dela Cruz?

Dahil sa gwapo sya at syempre mahal ko sya ay um-Oo ako. After 3 months ay kinasal kami. Oo after 3 months. Ganon sya ka-excited ikasal sa akin.

Kung gaano sya ka-excited ikasal sa akib ay ganon din sya ka-excited bumoo ng pamilya. After 2 months being married ay nalaman ko na 6 weeks na pala akong buntis.

Nang nalaman ko 'yon ay napailing nalang ako. Grabe ang kamandag ni Trevor. Kakasal lang namin ay nakaboo na agad sya.

Sobrang tuwa ko, lalo na nya ng malaman namin na kambal ang anak namin. Oh di ba? Twin baby boy. Sya mismo ang nagpangalan sa mga anak namin.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now