CHAPTER 14

919 34 1
                                    

Naomi's POV:

Kahit labag sa loob kong bumalik sa room hospital ni Trevor dahil nga sa nakita ko kanina ay wala akong magagawa. Tumawag kasi si Tita Divine kanina at nagwawala daw si Trevor.

Kaya kahit ayaw ko ay ito ako ngayon at papunta sa kanya. Gusto pa sana akong samahan ni Rome kanina pero hindi na ako pumayag. Masyado na akong abala sa kanya. Ginawa ko na nga syang crying pillow kanina, gagawin ko pa syang bodyguard. Aba! Abuso ka na Naomi.

Napaisip ulit ako sa sinabi ni Rome sa akin bago tumawag si Tita Divine.

' Hindi mo naman iiyakan yung tao kung hindi mo naman mahal. '

Mahal? Mahal ko na nga ba sya? Aaminin ko na masaya akong kasama at katext sya. Nami-miss ko din ang pagiging mahangin at ang pagiging makulet nya. Minsan hinahanap-hanap ko din ang presensya nya.

Pero mahal na bang maituturing ang ganung pakiramdam? Napahinto naman ako at umiling-iling habang tinatapik-tapik ang magkabila kong pisngi. Napabuntong hininga nalang ako. Pati tuloy ako nalilito.

Kung sakali ngang mahal ko sya, anong tawag ko sa nararamdaman ko para kay Rome? He's my ideal guy while Ace is not. Will 'cause he's a playboy.

Ngayon ko lang narealize. Nakakalito pala ang pag-ibig at nakakabobo din. Kahit anong talino mo kung hindi mo naman alam kung ano talaga yung nararamdaman mo ay bobo ka parin. Hayst!

Napatingin naman ako sa harap ko. Hindi ko tuloy namalayan na nandito na pala ako sa harap ng room nya. Papasok pa ba ako? Pwede bang hindi nalang? Gusto kong wag nalang pumasok at umalis nalang sa lugar na 'to.

Napatalon naman ako sa gulat ng may naririnig akong nababasag na gamit at may sumisigaw.

" Aaarrggh! LEAVE ME ALONE! "

Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang magulong silid. May dumaan bang bagyo dito? Nakita ko naman si Tita at Tito hindi kalayuan sa pintuan.

Nakayakap si Tito kay Tita habang si Tita naman ay umiiyak. Ano bang nangyari dito?

" Anak, please come down. Makakasama yan sayo. "

Umiiyak na sabi ni Tita. Naawa tuloy ako kay Tita. Alam ko na ayaw nyang mawala si Trevor sa kanya dahil nawala na nga sa kanya ang asawa at isang anak nya. Ano pa kaya kung mawala din si Trevor sa kanya? Eh di bigti na? De joke lang hihi.

Syempre sobrang sakit na yun. Lahat ng bahagi ng pamilyang binoo mo ay unti-unting nawawala sayo.

" I  don't fcking care! Just leave me alone! "

Lumapit ako kay Tita at hinawakan sya sa balikat nya para mapatingin sya sa akin. Ngumiti ako ng tipid at tumango sa kanya. Pinaparating ko sa kanya na ako na ang bahala sa anak nya. Ngumiti din sya sa akin pero may bahid ng lungkot ang ngiti nya at tumango.

Sabay silang lumabas ni Tito. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Trevor. Hindi nya kasi ako nakikita dahil nakatalikod sya sa akin habang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa hospital bed nya.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now